Chapter 10 - Baby

5.1K 165 9
                                    

Iris



SOBRANG sama parin ng pakiramdam ko.
Ikaw ba naman mag-antay sa meeting place niyo ng tatlong oras at sobrang lakas ng ulan.

Dapat pala nung hindi na siya sumipot sa tamang oras ay naisipan ko ng umuwi kaso wala eh umasa talaga ako na baka pumunta siya.

Lakas din naman kasi makisama ng ulan sa nararamdaman ko.

Bumangon ako sa aking higaan at tumingin sa oras, tanghali na pala. Muntik pa akong matumba dahil sobrang sakit ng ulo ko.

Mamamatay ako sa gutom kapag hindi ako bumangon. Ako lang mag-isa ngayon sa bahay namin dahil pinagbakasyon nila Mama yung mga kasambahay namin dahil alam naman nilang di muna ako uuwi ng isang linggo.

Nasa kalagitnaan ako ng hagdan ng maisipan ko munang umupo, hindi ko na talaga kaya, nahihilo ako.

Saglit kong ipinikit ang mga mata ko. Mag-iipon na muna ako ng lakas.

Nang makaipon ako ng konting lakas, hinay-hinay akong tumayo ng biglang may umalalay sakin.

Nanlaki ang aking mga mata sa kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

Hindi ko inaasahan na siya ang makikita ko.

"Z-Zoey." Usal ko pero siya deretso lang na nakatingin sa'kin. At tulad ng dati ay hindi ko na naman mabasa kung anong emosyon ang meron sa kanya.

"Bumalik na tayo sa kwarto mo, halos hindi ka na makatayo pero pinilit mo parin lumabas ng kwarto mo? Pano na lang pala kung bigla kang himatayin? Eh di nahulog ka pa sa hagdan?" At matalim niya akong tiningnan.

Di ko alam pero bigla akong napangiti sa inasta niya.

"Anong nginingiti-ngiti mo?" Mataray niyang tanong.

"Huh kasi nandito ka?" sincere kong sagot pero siya inirapan lang ako.

"Halika na at siguradong gutom ka na, kainin mo lahat ng dala ko."

Tumingin ako sa dala niya, sana lang lahat ay gusto ko dahil mukhang madami-dami nga siyang dala.

Tamang-tama dahil kagabi pa ako 'di kumakain.



PAGDATING namin sa kwarto ay inilalayan niya akong makahiga.

Inayos niya rin yung mga pagkain niyang dala, habang nag-aayos siya ay pinagmasdan ko lang ang bawat kilos niya.

Darating kaya ang panahon na aalagaan niya ako hindi dahil may sakit ako kundi dahil mahal niya ako?

Siguro pagkakataon narin ito para itanong kung bakit hindi siya sumipot, samantalang sabi ni Sab ay pupunta ito.

Tumikhim ako kaya naman nabaling ang attention niya sa'kin.

"Bakit di ka pumunta?" tanong ko. Pero ang babae inirapan lang ako.

"Sinabi ko bang pupunta ako?" mataray niyang sagot.

Grabe talaga sa katarayan 'tong mahal ko.

"As far as I know yes. Sab told me. Nalowbat lang kagabi yung phone ko kaya di ko na natawagan pa si Sab para itanong kung nasan ka."

Napapalatak siya after kong magsalita.

"Okay fine sorry. Hindi naman talaga ako pupunta eh makulit lang kasi si Sab kaya nasabi kong pupunta ako and..."

"Ayoko ko lang makita na kasama mo si Kelly or si Shey na mag-bar."

Napansin kong namumula yung pisngi niya.. Eh? Mainit ba sa kwarto ko? Kanina pa nga ako nilalamig eh.

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now