Chapter 5 - Breakfast in Bed

5.9K 207 7
                                    

Iris


MAAGA akong nagising dahil naisipan ko kasing ipagluto si Zoey.

Nung una hindi pa ako pinayagan ni Nay Ayda na magluto dahil bisita daw nila ako. Pero nasabi ko na lang na nakasalalay yung love life ko sa lulutuin ko at dapat magustuhan ni Zoey ang gagawin ko.

Sabay-sabay pa silang napasinghap.

"Hindi halata sayong babae ang yung tipo Hija, napakaganda mo." ang sabi pa ni Nay Ayda.

Ngumiti na lang ako sa kanila, natawa pa nga ako sa isang kasambahay nila dahil parang kinikilig ito.

Napatingin ako sa ginawa ko at tinikman isa-isa.

Hmm not bad.

Dali-dali kong inayos ito at nilagay sa tray.

Gusto ko kasing pagsilbihan ang aking prinsesa. Kaya naman dadalhan ko siya ng breakfast.





PAGTAPAT ko sa kwarto nito ay hindi na ako nahirapan dahil hindi naman naka-lock.

Pagpasok ko ng room niya ay dumiretso agad ako sa kinaroonan nito, nasa kanang bahagi ito ng kama at si Sab naman ay nasa kaliwang bahagi.

Dito pala natulog si Sab hindi man lang nag-aya eh di sana nakatabi ko rin si Zoey.

Inilapag ko yung tray sa maliit na mesa na nasa tabi ng kama nito bago lumapit sa aking prinsesa.

Napakahimbing ng tulog nito, napakaamo at mala anghel. Malayong-malayo kapag gising at kaharap ako.

Kapag kaharap kasi ako ay lagi siyang galit, buti nga sinusundan ko siya kahit saang magpunta at kahit papaano ay nakikita ko siyang hindi galit.

Gusto ko sanang hawakan ang mukha niya pero baka magising ko ito kaya nakuntento na lang akong pagmasdan siya.

Bigla ko namang naalala nung una ko siyang makita.

Papasok ako sa school nun at siya naman ay palabas. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero bigla na lang kumabog yung puso ko ng makita ko ito.

Simula noon ay lagi ko na siyang hinahanap at ng malaman ko ang name niya at pati narin schedule niya ay lagi ko na siyang binabantayan. Same kami ng year, same course pero ni minsan ay hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na maging classmates man lang, saklap lang diba?

Pero masaya ako sa ginagawa ko kahit na patago ko siyang hinahangaaan...

Minsan nga tinutukso ako ng ka-bandmates ko dahil sa pagiging torpe ko pero binabalewala ko na lang dahil nasanay narin ako. At dahil masaya ako sa ginagawa ko kaya walang nakakapagpabadtrip sa'kin.

Yun ang akala ko.

Dahil naglaho ang lahat ng saya na nararamdaman ko ng makita ko mismo sa harapan ko yung ginawang pagpayag ni Zoey na ligawan siya.

Ligaw palang yun pero parang gumuho na yung mundo ko.

Naisip ko kasi ng mga panahon na iyon na anong laban ko sa isang lalaki?
Magulang ko at mga kaibigan ko lang ang nakakaalam kung sino talaga ako.

Kaya naman nung makita ko yung sobrang effort na ginawa ng guy para lang payagan siya ni Zoey na manligaw ay sobrang ikinalungkot ko. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang gawin kay Zoey iyon.

Halos maluha-luha ako nung araw na iyon, habang nakatingin sa dalawa. Halatang masaya si Zoey ganun din ang mga taong nasa paligid namin. Mukhang ako nga lang ang parang namatayan that time.

My Favorite GirlOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz