Chapter 21 - Meet The Parents

4.2K 138 2
                                    

Zoey





PAGKATAPOS ng isang linggong suyuan at pagpatay ko sa kakaibang nararamdaman ko para kay Iris, na mauuwi lang pala sa pag-amin ko at pagtanggap ko sa sarili ko na matagal ko na palang mahal si Iris.

Lumipas pa ang mga ilang araw at heto nga at masaya na kaming magkasama ni Iris at dahil narin suportado kami ng pamilya namin pati narin ng mga kaibigan namin.

Sa school naman ay mabilis na kumalat yung about sa amin kaya ngayon ay nagulo narin ang buhay ko. Ngayon naiintindihan ko na ang feeling ni Shey dahil girlfriend lang naman siya ni Arkin, ang pinakasikat sa P&P Band dahil narin sa angking kagwapuhan, galing nito sa gitara at magandang boses.

Sobrang swerte ni Shey kay Arkin, kung hindi ko lang siguro nakilala si Iris ay baka pinagpilitan ko narin ang sarili ko kay Arkin. Kaso wala eh, mas malakas yung nararamdaman ko para kay Iris.

Nandito kasi ako ngayon sa studio ng P&P at pinapanood ko sila sa practice nila dahil may event na naman sa school at syempre hindi sila pwede mawala.

"Uhm panyo." Abot ni Sab.

"Para saan?" Kunot noong tanong ko.

"Tumutulo na laway mo eh." sabay tawa niya.

Binatukan ko nga "Sira ka talaga". Sabi ko pa.

"Aray naman grabe talaga siya. Saan ba si Kelly masumbong kita." naka pout niyang sabi.

"Ew..." sabay tawa naming dalawa.

"Saan nga pala si Kelly bakit hindi mo kasama?" tanong ko.

"Inasikaso yung mga dapat asikasuhin dahil babalik na siya sa states." sabay pilit na ngiti ni Sab.

Awe, mukhang napalapit talaga yung kaibigan ko kay Kelly, kasi sa nakikita ko sobrang nalulungkot si Sab. Naiisip niya palang na aalis si Kelly nagkakaganito na siya what if umalis na ito ng tuluyan?

"Okay lang yan, babalik din naman si Kelly at tsaka uso na video call noh." pagpapalakas ko ng loob kay Sab.

Natawa rin naman si Sab sa sinabi ko.

"Yeah babalik siya, sinabi niya sa akin eh. Kaya dapat tuparin niya, dahil kung hindi malalagot siya sa akin."

"Yan, that's the spirit!" sabi ko naman at inakbayan ang kaibigan ko.

Pinagpatuloy na lang namin yung panonood sa practice ng P&P after ng heart to heart talk namin.
























"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Iris habang pinapaandar niya yung car niya.

Nauna kasi kaming umalis sa mga kaibigan namin.

"Sa bahay, hinihintay tayo nila Mama, gusto ka daw nila makilala." nakangiting sagot niya.

"Bakit di mo man lang sinabi? Sana nakapaghanda ako o kaya naman nakabili ako ng gift para kina Tita at Tito." Sabay pout ko.

Ngumiti muna siya. "No need okay? Ikaw lang sapat na." sabay tawa niya ng mahina.

"Sira! Pero salamat talaga at nagkaroon na ng time sina Tita at Tito para mameet ko. Dahil nung isang linggo ko pa talaga silang gustong ma-meet." excited kong pahayag.

"Ibang klase talaga ang favorite girl ko. Kung yung iba kinakabahan pag ipinakilala sa parents pero ikaw excited pa."

"Syempre, need mag pa-good shot para pag kinasal tayo maging okay ang lahat." sabay ngiting wagas ko.

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now