Chapter 8 - Out of my league

4.7K 160 3
                                    

Iris




KINABUKASAN ay sumikat narin ang magandang araw. Pero ang pakikitungo sakin ni Zoey ay tila hindi na nagbago.

Madilim parin ang pakikitungo.
Ilang araw na lang ang ilalagi ko sa bahay nila pero wala paring nangyayari sa mga pinag-gagawa ko.

Pinagluluto ko siya, binibigyan ng flowers, pinagsisilbihan, ginagawa ang lahat ng gusto niya maliban nga lang sa gusto niyang layuan ko siya dahil hindi ko kaya.

Nandito kami ngayon sa food square ng school at hinihintay ang pagdating ni Zoey.

Haharanahin ko kasi siya para malaman ng lahat na may nagmamay-ari na ng puso ko.

Para malaman din ng Ken na yun na handa kong ipaglaban si Zoey.

"Matagal pa ba?" tanong ni Henry.

"Malapit na daw sila sabi ni Sab." ka-text ko si Sab. Lagi ko kasi siyang ka-sabwat alam niyo na botong-boto sakin ang best friend ni Zoey.

Nagtataka naman ang mga estudyante sa paligid. Yung mga teacher naman ay wala ring magawa.

Kasama ko kaya ang anak ng may ari ng school. Si Chuck Sandoval.

Yung ibang estudyante naman ay kinikilig na dahil nag start ng magpakilig yung kambal.

Yung iba naman ay tinatawag narin yung mga pangalan namin kaya nginingitian ko na lang sila..

Napansin ko naman ang masamang tingin ni Shey sa ibang kababaihan na lantaran ang pagpapansin kay Arkin.

Nandito rin pala si Kelly, di siya pumapasok sa school na ito pero dahil sa kanila ang school kaya malaya siyang magliwaliw sa school na'to. Kitang-kita ang paghanga ng mga estudyante ng makita siya.

"Iris natatanaw ko na sila." sigaw ni Harold.

"Rock 'n Roll P&P Band" sigaw ko at nagsimula na silang tumugtog.

Nakikita ko na ang papalapit na si Zoey kasama si Sab..

Napili kong kantahin ang Out of my league, baka sakaling makita kong ngumiti ulit sa'kin si Zoey at hindi lang isang guni-guni ang nangyari kahapon.

"It's her hair and her eyes today
That just simply take me away
And the feeling that I'm falling further in love
Makes me shiver but in a good way"

Natuon ang pansin ni Zoey samin, muli ay nakita ko siyang nanonood samin.
Ewan ko ba kasi noon palihim akong kinikilig kapag nakikita ko siya na pinapanood ang bawat performance namin. Marahil nanonood lang siya para samahan ang kaibigan niyang si Sab, pero ako iniisip ko lang na baka gusto niya rin akong makita. Na baka gusto niya akong naririnig kumanta. Wala naman masamang umasa diba?

"All the times I have sat and stared
As she thoughtfully thumbs through her hair
And she purses her lips, bats her eyes and she plays with me
Sitting there slack-jawed and nothing to say"

"'Cause I love her with all that I am
And my voice shakes along with my hands"

'"Cause she's all that I see
And she's all that I need
And I'm out of my league once again"

Yeah, siya lang naman lagi ang nakikita ng mga mata ko.
Siya lang ang kailangan ko.
Simula ng masilayan ko siya ay hindi na siya nawala sa sistema ko.
Hindi nabubuo ang araw ko kapag hindi ko siya naiisip.

"It's a masterful melody
When she calls out my name to me
As the world spins around her she laughs, rolls her eyes
And I feel like I'm falling but it's no surprise"

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now