Chapter 3 - Hell Week

6.4K 203 4
                                    

Zoey

HABANG hinihintay kong dumating sa bahay ang best friend kong si Sab dahil sa usapan naming movie marathon ay naisipan ko munang bisitahin ang profile ni Iris sa Instagram.

Matagal na rin nang huli kong dinalaw ang account niyang ito. 

Dati kasi ay inaabangan ko kung may ipopost siyang cover pero simula nga ng nagbago siya ay hindi ko na ulit binisita pa ito. Naka-unfollow narin ako sa kanya.

Eh? Isang taon ng hiatus si Iris sa Instagram niya?

Tiningnan ko yung huling post niya.
Isa itong cover ng kantang "Before I let you go" at ang caption ng post niya ay "To my favorite girl".

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko nung nabasa ko yung caption.
At mas lalong di ko alam kung anong nangyayari sakin ng biglang mag play yung video na kanina ay loading lang. Parang biglang nanakit ang dibdib ko at di ko namalayang tumulo na pala yung luha ko.

Pinapanood ko siyang kumakanta habang naggigitara, nakatingin ito sa camera na feeling ko ay sakin mismo ito nakatingin. Feeling ko tuloy para sakin yung kanta. Yung lungkot sa boses niya ay halata at parang maiiyak pa siya nung bigkasin niya yung lyrics na "Before I let you go , I want to say I love you. I hope that you listen 'cause it's true, Baby."

Nagpunas ako ng luha, mahirap na baka maabutan pa ako ni Sab.

I wonder sino kaya yung favorite girl na tinutukoy niya? Curious lang syempre.

Kung hindi lang sana siya nagloko baka siya na naging favorite girl ko. Syempre Idol ko kaya siya noon.

Noon hindi na ngayon dahil sobrang hate ko na siya ngayon.

Naalala ko na naman tuloy yung nagyari kahapon.. Ang kapal ng mukha niyang sabihin sakin na gusto ko siyang halikan at yakapin.

Kahit na naisip ko nga siyang halikan pero duh!!! Pinigilan ko nga sarili ko di ba? Kasi hindi dapat mangyari yun.



NARAMDAMAN ko na lang na may bumatok sakin.

"Para ka na namang timang diyan."

Agad kong tinago yung phone ko at sabay ganti ng konyat kay Sab, akala niya huh!

"Aray ko naman, may pag ganti?"

"Wow huh, ano ikaw lang may karapatan manakit?" sagot ko sa kanya.

"Oh! Diyan ka talaga sanay eh 'no?" sabay nakakalokong ngiti ni Sab.

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.

"Anong pinagsasasabi mo diyan? Ewan ko sa'yo. Lika na nga, pinaayos ko na yung room ko, ready na for movie marathon at lahat ng movie mga bago kaya umpisahan na natin."

Agad kong hinila si Sab pataas ng hagdan.

Hapon narin kasi kaya sinabihan kong magdala ng meryenda yung kasambahay na nasalubong namin paakyat. 

"Okay po Senyorita" tumango na lang ako dito biglang pagtugon.

"Zoey naman dahan-dahan, gusto mo ba akong mamatay ng maaga?"

Nag roll eyes na lang ako, ang advance din mag-isip nitong best friend ko 'no?

"Patay agad? Di ba pwedeng gugulong ka lang muna diyan sa hagdan."

Napailing-iling na lang si Sab, samantalang ako ay naka-smirk habang hila-hila siya.

Huh, talo na naman siya.


MABILIS na nag tungo sa kama ko si Sab at pabagsak na humiga dito.

"Ang sarap talaga dito sa kama mo Z."

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now