Chapter 19 - 1st Date

4.7K 147 2
                                    

Zoey




"Seryoso?" gulat na tanong ko kay Iris. Nasa harap kasi kami ng isa sa pinakasikat na theme park sa Pilipinas.

"Seryoso. Tayong dalawa lang ngayon ang nandito." nakangiti niyang sagot sa akin.

Wow! Pagkababa kasi namin ng sasakyan ay sinabi niya agad na pinasara niya ang theme park para naman ma-enjoy naming dalawa ang lugar na ito.

Napag alaman kong parents ni Iris ang may ari ng theme park kaya naman pala nagawa niyang ipasara ng isang araw ito at ito nga at kaming dalawa na muna ang gagamit ng lahat ng rides ngayon.

"Let's go?" aya niya at inilahad ang kamay niya sa harap ko.

Walang kagatol-gatol na tinanggap ko ang kamay niya at masayang pumasok sa theme park.

Pero bago niya ako hinayaang sumakay sa mga rides ay inaya niya muna akong kumain. Tanghalian narin kasi ng kami ay makarating, buti na lang at bukas ang ibang bilihan ng mga foods dito.

Napansin ko rin na kilala si Iris ng mga empleyado dito dahil binabati siya ng nga ito at ganun din siya.

Nakakatuwa lang pagmasdan si Iris dahil ang ganda ng bawat ngiti na kanyang pinapakita. Yung tipong mapapangiti ka na lang din.. Basta nakakahawa ang pagiging masiyahin niya.

Nagulat na lang ako ng biglang yumakap sa likod ko si Iris.. Parang kanina lang nasa harapan ko siya kumakain tapos ngayon nasa likod ko na at pinang-gigigilan yung pisngi ko. After niyang gawin yun ay hinalikan niya ko sa leeg tapos bumalik na ulit sa upuan niya.

Ako naman ay napayuko dahil feeling ko nakatingin sa amin yung ibang empleyado, may narinig pa kasi akong tumili.

"Di mo parin ako papansinin? Nilambing na nga kita eh.. Ano ba iniisip mo at parang ang lalim?" nakangusong tanong ni Iris.

Natawa naman ako saglit kasi ang cute niya.

"Ikaw kasi eh." sagot ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

"Paanong naging ako?" takang tanong niya.

"Hindi ka kasi mawala sa isip ko, na kahit kasama na kita... Ikaw parin ang naiisip ko." sabay ngiti ko sa kanya.

At yung isa ayun namula at napakamot sa ulo. Hahahaha ang cute lalo na nung nag blush siya.

"Uyyy~ kinikilig hahahaha" pang-aasar ko.

"H-Hindi huh." Mautal-utal niyang sagot.

Ang cute talaga ng baby ko.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko para pigilan ang pag tawa, baka mamaya kasi niyan ay gantihan ako.









HALOS manginig ang mga tuhod ko, no erase that talagang nanginginig pala ang mga tuhod ko pagkababa namin ng isa sa mga rollercoaster dito.

Kanina kasi ay halos hindi na ako makapagsalita at sobrang kapit na kapit ako sa kamay ni Iris.

Naiyak na nga ako, at talagang hagulgol ako sa sobrang takot.

Sabi na mga ba eh iba kung gumanti 'to.

Ayoko naman talaga sumakay dito, pero dinaan ako sa hindi pagpansin sa akin at pagtatampo kuno kaya ayun, napilit niya akong sumakay dito.

Hindi ko na talaga uulitin!

Nakaalalay parin sa akin si Iris na ngayon ay mukhang nakukunsensya na.

"I'm so sorry Baby." sincere na pagkasabi niya.

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now