Chapter 16 - Cold

4.8K 149 4
                                    

Zoey




NAKIKINIG lang ako sa kwento ng mga kaibigan ni Iris na ngayon ay nakakaagaw narin ng pansin dahil pinapaulit pa ni Harold kay Kelly at Iris yung ganap kanina.

Nalaman kong si Kelly at Iris pala yung cause ng sigawan kanina na narinig ko habang papasok ng school.

"Kung nakita niyo lang yung mukha nung dalawa kanina ay pulang-pula sila." sabay tawa ng malakas ni Harold.

"Pero seriously guys di ko akalaing ikikiss talaga ni Kelly si Iris sa lips." sabat ni Henry.

Napayukom na naman ako sa narinig, kelangan ba talaga nilang ulit-ulitin?

"You okay Sissy?" narinig kong tanong ni Sab.

"H-huh?" nakatingin narin pala sakin ang magkakaibigan pati narin si Iris. Ngayon niya lang ako tinapunan ng tingin.

Instead na ikasaya ko ay lalo kong ikinalungkot dahil iba narin ang binibigay niyang tingin sa akin. Parang naging ibang tao talaga siya. 

"Sabi ko kung okay ka lang? Di mo kasi ginagalaw yung pagkain mo, akala ko ba gutom ka?" Tanong niya ulit.

"Ah Oo naman, pinapalamig ko lang... M-Mainit yung food eh." sana makalusot.

"Kala ko pa naman nagseselos ka kaya ka natahimik." sabat ni Harold.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Sab at sinamaan ko ng tingin ito.

"Bakit naman magseselos si Zoey?" dagdag ni Sab.

"Huh dahil nag kiss kami ni Iris? But don't worry Zoey it's just a smack." sagot ni Kelly.

"Si Zoey magseselos? I don't think so." Malamig na sagot ni Iris.

Nakipagtitigan ako kay Iris pero binawi ko rin agad dahil alam kong ako ang may mali.

Kung alam niya lang kung gaano ko kagusto isigaw sa kanya ngayon na OO! IRIS NAGSESELOS AKO!

At isa pa bakit Zoey na lang ang tawag niya sa akin? Nasaan na yung My Princess? Yung Baby?

Pero mas pinili ko na lang na manahimik, ayoko namang gumawa ng eksena dito noh.

"Wala naman talaga dapat ikaselos dahil wala lang din naman yung Kiss, kami nga nag kiss ni Sab ilang beses na." walang kagatol-gatol na sabi ni Kelly.

"WHAT?" sabay-sabay naming sabi dito sa table.

"What? Kung makareact naman kayo." usal ulit ni Kelly.

Samantalang si Sab ay namumula ang pisngi.




INAYA kong mag mall si Sab, nung una ayaw pang pumayag dahil may lakad daw sila ni Kelly pero sinamaan ko siya ng tingin. Ano to araw-araw na lang sila magkasama?

Ngayon pa na may kung anong kalokohan palang ginagawa ang dalawa. Jusme nawindang ako sa ibinunyag ni Kelly kanina!

Kaya mamaya gigisahin ko talaga itong kaibigan ko. Kanina kasi busy siyang mag fan girling na naman kay Chuck dahil nga nag perform kanina ang P&P Band kasama si Kelly, at hindi na ako sure kung kay Chuck ba talaga ito humahanga or dun sa kapatid.

Si Ako naman ayun nakabusangot. Bakit kasi may pa-duet pang nalalaman si Chuck? Tapos kanina may pahawak-hawak pang kamay habang kumakanta at pasway-sway pa.

Gusto ko na ngang batuhin ng sapatos si Iris habang nasa stage sila kanina, kung makangiti naman kasi kay Kelly wagas! Enjoy na enjoy.. Aba! Marunong din kaya ako kumanta hindi lang halata!

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now