Chapter 18 - What plan?

4.8K 150 0
                                    

Zoey



"What is she doing here?" biglang sulpot ni Kelly but in a nice way naman yung pagkasabi niya.. May halong pagtataka pa nga yung pagkasabi.

Nandito kasi kami ngayon sa side ng pool nila Iris at dito na nag breakfast.

Nag beso yung dalawa at ako syempre natahimik na lang sa tabi.. Alam ko naman kasing may galit sa akin 'tong isa dahil sa ginawa ko noon kay Iris. Which is naiintindihan ko naman kaya kapag may pagkakataon ako ay mag sosorry na lang din ako sa mga kaibigan niya.

Kanina lang nangyari yung umamin ako kay Iris at si Arkin at Shey palang ang nakakaalam dahil itinawag niya agad sa best friend niyang si Arkin yung nangyari sa amin.

Tumayo si Iris sa kinauupuan niya at pumwesto sa likod ko.

"Kelly, I want you to meet my Girlfriend Zoey." masayang sabi ni Iris.

Tumingala ako para makita si Iris pero ang di ko inaasahan ay bigla niya akong hinalikan na agad ko rin namang tinugon.

"O.. M.. G.. ! " nahinto kami sa paghahalikan ng  marinig si Kelly.

Natawa na lang kami sa reaction niya.

Kinuha niya agad yung phone niya at may tinawagan.

"Hello Sab? Yes.. Punta ka sa bahay nila Iris may kailangan tayong gisahin.. Text ko sayo address! Yes! Importante to I need you here ASAP!"

Pagkababa ng phone ni Kelly ay hinarap niya agad kami.

"Parang kagabi lang nag eemote ka sa amin tapos ngayon malalaman ko kayo na?" takang tanong parin ni Kelly.

"Kelly, to be honest kahit ako hindi parin makapaniwala." Ngiwing sagot ni Iris.

"Happy for you. May pa-plano pa tayong pagselosin si Zoey.. Yun pala hindi na kailangan so yeah congrats babe." Sabay yakap niya kay Iris.

Pero nakataas na yung isa kong kilay nung humarap silang dalawa sa akin.

"So may plano pala huh?" Naka crossarms kong sabi.

Nakita kong napakamot ng ulo yung dalawa. 












"Hindi na ako nagulat." Ang tanging nasabi ni Sab.

Madaling natunton ni Sab yung bahay nila Iris kaya heto na siya ngayon kaharap namin.

"What? Yun na yun? Hindi ka man lang ba nagulat? Come on Sab, nagplano pa tayo na pagselosin si Zoey tapos malalaman natin bigla na in love pala 'tong best friend mo sa kaibigan ko." Sabi ni Kelly.

"Matagal ko nang alam, kaya nga pinush ko si Iris na sabihin niya yung nararamdaman niya kay Zoey. Ito lang talaga si Zoey ang denial." at tinaasan ako ng isang kilay ni Sab.

Napailing-iling  na lang ako sa best friend ko dahil kilalang-kilala talaga ako.

Totoo naman lahat ng sinabi niya about sa akin. Siya nga itong nagpumilit sa akin na bigyan ng pansin kung ano man itong nararamdaman ko towards Iris.

"And I'm so thankful na naging best friend kita Sab. Sobrang swerte ko sayo kahit abnormal ka. Sabay ngiti ko ng nakakaloko." At yumakap sa kanya.

"Nagsalita ang hindi abnormal." sagot niya kaya natawa narin ako ganun din si Iris at Kelly na nanonood sa amin.

"Pero seryoso Sissy I'm so happy for you. Sabi ko naman sayo eh si Iris ang para sayo." tumingin pa siya kay Iris at nag wink.

"Thank you Sab." sagot ni Iris.

"No biggie, alam mo namang botong-boto ako sayo eh." sagot naman ni Sab.

"How about me?" singit ni Kelly. Pero sa akin siya nakatingin kaya alam kong para sa akin yung tanong.

Sabay-sabay kaming lumingon kay Kelly.

"What about you?" takang tanong ko.

"Boto ka ba sa akin para sa best friend mo?" nakangiti niyang tanong.

Halos mapanganga kami sa naging tanong niya.

Si Sab naman ay napakunot noo.

"Damn it Kelly, I thought your straight?" si Iris na halata din ang pagtataka.

Tapos bigla na lang natawa ng malakas si Kelly na ikinataas namin pare-pareho ng isang kilay. 

"Kung nakita niyo ang mga sarili niyo. I'm just kidding.. Chill guys! " sabi niya.

"What the heck!" si Sab na hinampas pa si Kelly sa braso.

"Ouch! Baby.." sabay pout ni Kelly.

"Che!" sabay irap ni Sab.

"Loko ka Kelly.. Wag mo na uulitin.. Mamaya totohanin ka nitong si Sab sige ka." Sabi ni Iris.

Napatingin naman ako kay Sab, mag best friend kami kaya alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip nito ngayon.

Kung Denial Queen ako, syempre alam kong Denial Queen din 'tong isa. Sa mga tinginan nilang yan ni Kelly? I know there's something going on.

Sana lang ay maliwanagan sila pareho at hindi sila magkasakitan tulad nang nangyari sa amin ni Iris.














AFTER namin mag heart to heart talk magkakaibigan ay naisipan na naming lumabas, kaso yung dalawa may lakad na naman. Napapaisip nga ako kung saan sila nagpupunta kapag silang dalawa lang eh.

Bago sumakay ng sasakyan ni Kelly si Sab ay tinawag ko ang best friend ko.

"Sab, behave." pahabol kong sigaw.

"Tsk. Ikaw ang dapat mag behave." sagot niya.

Natawa na lang kami pareho.

"Ingat kayo ni Kelly." sigaw ko.

"Kayo din. Bye." sabay wave niya.

Nagkatanguan naman si Kelly at Iris na parehong nasa driver seat at hinihintay na lang kaming pumasok sa sasakyan.

Pagkapasok ko ay pinauna nang umalis ni Iris si Kelly. Narinig na lang namin ang busena nito at pinanood namin silang makaalis.

"So where are we going?" tanong ko.

"Secret. Basta chill ka lang diyan." sabay wink niya.

Iiiieh, nakakainis naman 'tong si Iris.. Alam naman niyang malakas ang tama ko sa wink niya eh. Pulang-pula na naman siguro nito ang pisngi ko.

Narinig ko ang mahina niyang tawa.

"You're so cute." sabi niya.

"Magmaneho ka na nga lang muna diyan, mamaya mo na ako pakiligin, baka mahampas kita ng di oras."

Lalo siyang natawa sa sinabi ko.

"That's why I love you." sabi niya.

Napangiti ako sa sinabi at walang kagatol gatol ay hinalikan ko siya sa cheeks.

"I love you too Baby." sagot ko.

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now