Chapter 2 - Iris Fuentez

7.3K 223 13
                                    

Zoey

KINABUKASAN dahil maagang natapos ang klase namin ni Sab ay naisip kong tumungo sa rooftop.

Samantalang si Sab naman ay nag fangirling na naman.

Napa rolled eyes na lang ako ng maalala ko siyang mabilis na tumakbo palabas ng classroom after niyang bumeso sa'kin.

Mag best friend kami ni Sab pero hindi ko talaga kinakaya yung pagsunod-sunod niya doon sa Leader ng P&P Band.

Ang P&P Band ay sikat na banda dito sa school at sa lahat ng nagtangkang bumuo ng banda dito sa school ay sila ang pinakasikat.

Binubuo sila ng five members.

Ang Leader / "The Piano Prince na si Chuck Sandoval. Sa kanya patay na patay yung best friend ko.

Ang pinaka gwapo sa kanilang lahat na si Arkin Fuentebella "The Guitar Prince"
Napakatahimik niyang tao, yun lang ang masasabi ko.

Sina Harold Dizon at Henry Dizon na kilala bilang "Twin Prince". Kahit na anong instrument ay kaya nilang patugtugin. Kaya nga the best ang banda nila.

At ang pinakahuling member ng P&P Band ay ang babaeng kinaaasaran ko ngayon.

Si Iris Fuentez. "The Vocal Princess"
Siya ang vocalist ng banda at ang Prinsesa ng banda na Prinsesa din ang hanap.

Inaamin ko naman nung una kong marinig ang boses niya ay nagustuhan ko na ito. Sobrang lamig na kapag pinapakinggan mo ay para kang hinehele.

Simula noon ay lagi ko ng pinapanood ang bawat performance nila dito sa school.

Pero nagbago ang lahat simula nang umamin siyang bisexual.

Nung una parang wala lang sakin, kasi kahit nung hindi pa siya umaamin ay marami na talagang nagkakagusto sa kanyang babae.

Pero nung nalaman kong nagkaroon siya ng girlfriend parang uminit ang ulo ko sa kanya at hindi ko alam kung bakit.

At lahat ng ginagawa niya ay kinaiinisan ko na.




NABALIK lang ako sa kasalukuyan ng mapansing nasa rooftop na pala ako.

Agad kong tinungo yung lugar kung saan mahilig akong umidlip.

Pinakiramdaman ko ang paligid bakit hindi ko feel yung may nagmamasid sakin? Dati kasi pag pumupunta ako dito ay randam ko iyon.

Nagpatuloy lang ako sapag-lalakad ng mapansing may tao sa pwesto ko.

Eh? At sino namang lapastangan ang nang-agaw sa pwesto ko?
Sa tagal ko nang tumatambay dito sa rooftop, ako at si Sab lang ang nagagawi sa lugar na ito.

Kahit na may nauna na pumunta parin ako upang tingnan kung sino ang laspatangan na ito.

Napa "Oh" ako ng makilalang si Iris Fuentez pala ang lapastangan! Parang kanina lang siya ang nasa isip ko.

Speaking of the Devil nga naman...

Natutulog ito nang may naisip akong kalokohan, kinuha ko ko yung pen sa bag ko at dahan-dahan na lumapit kay Iris.

Naisip kong guhitan ang maamong mukha niya ng napatitig ako sa mahahabang pilikmata nito.

Kaya naman instead na ipagpatuloy ang naisip kong kalokohan ay mas pinili kong haplosin ang mahahabang pilikmata nito..

Hanggang sa napansin ko na lang na napangiti ako sa aking ginagawa.

Hindi kasi mapagkakailang napakaamo ng mukha ng babaeng nasa harapan ko ngayon...

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now