Chapter 4 - Zoey De Villa

5.9K 197 4
                                    

Iris Fuentez




PAGKAHATID sakin ni Nay Ayda sa bago kong kwarto ay pabagsak akong humiga sa malambot na kama.

Hindi ko mapigilang di mapangiti ng maalala yung reaction ni Zoey ng makita niya ako.

Halata sa kanya na hindi niya talaga ako gustong tumungtong dito sa kanilang pamamahay. Napailing-iling na lang ako at buti na lang talaga ay magkaibigan ang Mama niya at Mama ko.

Nung nag video call kami ni Mama, hindi ko inaasahang makikita ang Mama ni Zoey at yun na nga mas lalo akong nagulat sa gusto nilang mangyari. Pero kahit ganun ay napangiti ako sa ginawang plano ni Mama.

Alam ng parents ko na I'm gay, that I like girls at sobrang nagpapasalamat ako dahil buong puso nilang tinanggap kung sino ako.

Syempre para maging fair kay Tita, sa Mama ni Zoey ay sinabi kong kilala ko si Zoey at matagal na akong may gusto sa anak nila.

Flashback

"Ngayon Tita, okay parin po ba sa inyo na makitira ako sa inyo?"

Halata parin sa mukha ng Mama ni Zoey yung pagkagulat sa inamin ko.

Nagkatinginan saglit si Mama at Tita bago nito binalik ang tingin sakin.
Ngumiti muna siya bago nagsalita.

"So you like my princess huh?"

Tumango ako.

"Tita, hindi ko lang siya gusto, I'm in love with her."

Sukat dun ay lalong nanlaki yung mata nilang dalawa ni Mama.

Samantalang ako ay seryoso parin, seryoso kasi itong nararamdaman ko para kay Zoey.

"Ah, anak pwedeng mag hunos dili ka muna? Mahal agad? Sigurado ka ba diyan? At tsaka anak alam mo naman siguro na mama ni Zoey itong nasa tabi ko."

"I know Ma kaya nga sinasabi ko na ng maaga para hindi na sila magulat kung sakaling ligawan ko ang anak nila." sabay ngiti ko ng matamis.

"Aba'y sayo pala nagmana ng lakas ng loob itong anak mo."
Sabi ni Tita sa mama ko.

"Ngayon ko lang din napagtanto." Sagot naman ni Mama.

Sabay tawa nilang dalawa. Napataas naman ako ng kilay. Magkaibigan nga sila.

"Huh Hija alam ba naman ni Zoey yang nararamdaman mo? Sa pagkakaalam ko kasi sa anak ko ay straight yun at tsaka may nanliligaw na dun. Anak naman yun ng business partner ng asawa ko. Kaya mo bang makipagsabayan sa lalaki?" Seryosong tanong ni Tita.

My Favorite GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon