Chapter 24 - Bahay-bahayan

3.8K 112 14
                                    

Zoey



SINUNDO ako ni Ken sa bahay, dapat nga ay ihahatid na lang ako ni Iris kaso nagpumilit ito at pumayag narin ako dahil ayoko rin na mag pang-abot yung dalawa.

"Salamat nga pala huh, kasi pumayag kang makipag-usap." si Ken na inalalayan pa akong sumakay ng kanyang car. May pagka-gentleman kahit papaano pero hindi niya parin ako nakuha sa ganito.

Pagpasok niya ay agad ko siyang kinontra.

"Kay Iris ka mag thank you, kasi kung hindi siya pumayag malamang wala ako dito." Sabi ko.

"Mukhang imposible." sabi naman niya.

"Bakit naman?" tanong ko sa kanya.

Nag start narin siyang magpa-andar ng sasakyan.

"Sa coffee shop na madalas nating puntahan tayo pumunta. Doon na lang tayo mag-usap." Dagdag ko pa.

Pero wala akong narinig na sagot, inisip ko na lang na narinig niya naman siguro at ayaw niya lang sumagot.

"Mainit ulo sa akin ni Iris di ba? Mas okay ng hindi kami magkita." sagot niya bigla.

Kung sa bagay may point siya.

Tumahimik na lang ako at itinuon ang pansin sa paligid ng biglang may mag message sa akin.

"I love you Baby, Ingat ka! Dito lang ako palagi para sayo."

Napangiti agad ako ng mabasa ang message na galing kay Iris.

Nag reply na lang din ako ng "I love you too and Thank you Baby." sa kanya.

Sigurado akong abot tenga na naman ang ngiti ng isang yun sa reply ko. Maisip ko pa nga lang yung reaction niya ay napapangiti na lang din ako.

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now