Chapter 25 - Calm down

3.5K 101 1
                                    

Iris




"Iris! Iris! Iris!" Bigla akong nagising ng marinig ko ang sunod-sunod na tawag sa akin ni Arkin.

Ramdam ko ang pawis na tumatagaktak sa akin.

"Shit! Si Zoey?" natataranta kong tanong kay Arkin.

"Si Zoey? Eh di ba nakipagkita kay Ken?" Takang tanong ni Arkin.

"Anong oras na?" pagmamadali ko.

Napatingin ako sa wall clock at nasa 3:30pm na, dapat ay nakauwi na si Zoey.

Nakatulog kasi ako kanina habang nag momovie marathon kami nila Arkin.

Usapan namin ni Zoey ay dederetso siya sa bahay after niyang makipag-usap kay Ken.

"Wait, okay ka lang ba? Kanina habang natutulog ka para kang nanaginip ng masama, kaya ginising agad kita." Nag-aalalang tanong niya.

"Sobrang sama! Napanaginipan kong may gagawing masama si Ken kay Zoey! Kaya halika na, samahan mo kong hanapin sila at baka kung ano pa ang gawin ng lokong yun!" Mabilis akong bumangon pero pinigilan ako ni Arkin.

"Huminahon ka nga Iris, it's just a dream! Kung ano-ano kasi yang iniisip mo." sabi ni Arkin.

Napakunot noo tuloy ako sa sinabi niya.

"Kumain ka muna. Nagpahanda ako kay Shey ng meryenda, nandito na yun maya-maya." sabi pa niya.

"Umalis nga pala sina Tita at Tito kanina at hinabilin ka nila sa akin kaya sa ayaw at sa gusto mo susundin mo'ko." dagdag pa niya.

"Pero Arkin kailangan ako ni Zoey!" pagmamatigas ko.

"Can you chill?" Seryosong sabi ni Arkin.

Bigla tuloy akong napalunok ng laway ng di oras. Sabi ko nga eh mag chi-chill lang ako.

Kinuha ni Arkin yung phone niya at nag dial.

"Here's our food!" biglang sulpot ni Shey. "Oh anong nangyari? Parang ang seryoso niyo?" Dagdag pa niya.

Pagkakataon ko na'tong mag sumbong, alam kong hindi makakahindi si Arkin kay Shey.

"Shey! Samahan mo ko! Hanapin natin si Zoey, ayaw akong samahan ni Arkin eh." nagpaawa-awa na ako kay Shey, sana lang tumalab!

Nagkatinginan yung dalawa muna, bago binalik sa akin ni Shey ang kanyang pansin.

"Ano ba nangyari? Hindi ba sabi mo kanina makikipag kita si Zoey kay Ken?" tanong niya.

Kiniwento ko naman ang lahat-lahat kay Shey.

"Wait, so sa tingin mangyayari yung napanaginipan mo?" Tanong ni Shey.

Mabilis akong tumango-tango.

"Arkin na-contact mo ba si Zoey?" tanong ni Shey kay Arkin.

"Hindi niya sinasagot yung mga calls ko kanina pa." sagot naman ni Arkin..

Bigla akong nag panic sa sinabi ni Arkin.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko, baka may nangyari ng masama kay Zoey." Mabilis akong tumayo sa inuupuan ko at hinanap ang phone ko.

"Kung ayaw niyo ko samahan, pwes ako na lang ang maghahanap sa kanya." sabi ko.

"Wait sasama kami." sabi ni Arkin. "Shey tara" aya niya kay Shey.

"Sabi ko na nga ba hindi mo'ko matitiis." Sabi ko kay Arkin at mabilis na yumakap sa kanya.

Nakarinig naman ako ng mahinang tawa mula kay Shey.

"Basta after nito walang iyakan huh." sabi naman ni Arkin sa akin.

"Huh?" Takang tanong ko.

"Ah wala yun Iris, wag mo pansinin yang si Arkin, Tara bilis umalis na tayo." biglang aya ni Shey.

Hinila na lang ako ni Shey, at tsaka parang napansin kong pinanlakihan ng mata ni Shey si Arkin.

Weird talaga nitong dalawa ngayon.













































DUMIRETSO kami sa bahay nila Zoey at nagbakasakaling makita siya pero nabigo kami.

"Wala po bang nabanggit si Zoey sa inyo Nay Ayda?" Tanong ko.

"Wala Hija eh, basta ang sabi niya kanina magkikita sila ni Ken." sagot ni Nay Ayda.

Napayukom ako ng kamao ng marinig ang pangalan ni Ken, hindi talaga dapat pinagkakatiwalaan ang isang iyon.

Shocks! Anong ng gagawin ko? Nanginginig na yata ang buong katawan ko dahil sa galit para kay Ken at takot para kay Zoey.

Hinding-hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyaring masama sa kanya.

"Kasalanan ko 'to eh, dapat hindi ako pumayag na kausapin niya si Ken." sisi ko sa sarili ko.

"Iris, huminahon ka muna. Malay mo naman nag-enjoy yung dalawa sa pag-uusap at nakaligtaan lang yung oras." sabi ni Shey.

"Tama ang kaibigan mo, anak. Wag ka muna mag-isip ng masama hindi makakabuti yun." ani ni Nay Ayda.

"Pero Nay Ayda-" ani ko.

Biglang tumunog yung phone ko kaya naagaw nito ang attention ko.

"Si Sab!" ani ko at mabilis na sinagot yung tawag.

"Hello Sab?" tawag ko sa kanya.

Pero humihikbing Sab ang sumagot sa akin.

"Sab? Sab please sumagot ka naman oh." nag-aalala ko ng tanong.

Patuloy lang kasi siya sa paghikbi.

"Si-si Zoey, may nangyari.." mangatal-ngatal na sabi ni Sab...

"ANONG NANGYARI?" sigaw ko, hindi narin ako mapakali.

"Let me talk to Sab." agaw ni Arkin sa phone ko.

Natulala na lang ako at pinanood si Arkin na kausapin si Sab, feeling ko nga ay si Zoey lang ang naririnig ko at tinatawag ang aking pangalan. Bumalik kasi sa akin yung napanaginipan ko.

Paano kung naging totoo ang lahat ng iyon?

"Iris!!! Iris!!!" sigaw ni Arkin at inalog-alog narin ako.

Tila nagising ako sa sigaw at ginawang iyon ni Arkin.

"Sabi ni Sab, kelangan natin magpunta sa school." si Akin.

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.

"Sa school? Anong gagawin natin sa school?" Takang tanong ko.

"Doon huling nakita si Zoey." sabi ni Arkin.

"Is-Is she okay?" nangangatal kong tanong.

Pero hindi sumasagot si Arkin, malungkot lang siyang nakatingin sa akin. Humarap ako kay Shey at Nay Ayda pero malungkot na tingin lang din ang binibigay nila sa aking sagot.

"Iris, halika na, pumunta na tayo sa school." Aya ni Shey.

Tumango na lang ako pero yung luha ko hindi na matigil sa pagtulo.

Ayoko ng ganitong feeling, yung walang alam sa nangyayari sa taong mahal mo. Feeling ko napakawalang kwenta kong tao.

Bago ako pumasok ng sasakyan ay narinig kong nag sorry si Arkin.

"I'm sorry" mahinang sabi niya pero sapat para marinig ko.

Nagkatiningan pa kami at parang binigyan niya talaga ako ng tingin na humihingi ng patawad at iniwas din ang tingin ng tinawag siya ni Shey para mag drive.

Bakit siya nagsosorry? Seryoso sobrang weird ng kinikilos ni Arkin at Shey kanina pa.

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now