Chapter 6 - Jealous

5.5K 173 3
                                    

Zoey



"Thanks Ken" paalam ko sa manliligaw ko. Pagbaba ko ng kotse niya ay iniabot niya pa sakin yung mga bulaklak na ibinigay niya sakin.

"My pleasure Babe, sa uulitin." sabay wink niya.

Di ko alam pero bigla na lang pumasok sa isipan ko si Iris. Yung wink ni Iris na nakapagtulala sakin at kahit na si Ken ang gumagawa ay yung wink parin ni Iris ang tumatak sa aking isipan.

"Stop calling me Babe, ilang beses ko ba uilitin Ken?"

"Chill, ikaw kasi ayaw mo pa'kong sagutin, ang tagal ko ng nanliligaw pero parang wala paring progress."

Tinaasan ko siya ng isang kilay.
So kasalanan ko pa? Sinabi ko bang ligawan niya ko? Buti nga pinayagan ko pa siya nung nagtanong siya. Oo crush ko siya noon kaya nga napapayag niya ko agad pero habang tumatagal na nakikilala ko siya ay masasabi kong dapat pala pinag-isipan ko muna ang lahat.

"You know what Ken, kung ayaw mo na fine! Pwede mo namang ihinto ang lahat ng 'to walang pipigil sayo."

Nag walk out na'ko, pero mabilis siyang nakababa sa car at nahawakan ang braso ko.

"Wait, ito naman di na mabiro. I'm willing to wait okay? Please? Give me a chance na ipakita sayo kung gaano kita kamahal."

"Ken mabuti pa sa susunod na tayo mag-usap, pagod na'ko at inaantok narin kaya next time na lang okay?"

Binitawan narin ako ni Ken at di na muling nagpumilit pa na kausapin ako.

"Mapapasakin karin at pag nangyari yun pagsasawaan kita."

May ibinulong pa si Ken pero hindi ko na gaanong narinig kaya binalewala ko na lang at nagpatuloy na pumasok ng bahay.







PAGPASOK ko ng bahay ay wala man lang sumalubong sakin na ipinagtaka ko.

Ang tahimik din , nagpalakad-lakad ako hanggang sa may marinig akong tumutugtog.

Oh! Wait I know that song.. Yung intro ng Out of my league ang naririnig ko.

Dali-dali akong nagpunta sa music room, half of my way ng marinig ko ang malamyos na boses ni I-Iris.

Napahinto ako sa paglalakad.

Ngayon ko na lang ulit siya narinig na kumanta ng live.

Muli akong napahawak sa dibdib ko, sa tuwing maririnig ko kasi ang boses niya ay bumibilis ang kabog ng puso ko.

Kaya nga sinusungitan ko siya para lumayas siya sa harapan ko. Isa yun sa mga dahilan kung bakit ganito ako makitungo sa kanya.

Naiinis talaga ko sa kanya dahil hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

Patuloy lang siya sa pagkanta at ng makarating ako sa music room tahimik ko siyang pinagmasdan.

Nakapikit pa ang mga mata nito habang kumakanta.

Napangiti tuloy ako ng di oras.

'Cause she's all that I see and she's all that I need and I'm out my league once again. 🎶

Nagulat pa ako ng makitang nakatingin na pala sakin si Iris..

Patuloy parin siyang kumakanta at ang mga kasama niya ay walang kaalam-alam sa tinginan na nagaganap sa aming dalawa.

Nang mapansin niyang wala akong balak sungitan siya at matamang pinanonood ang pagkanta niya ay biglang sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now