Chapter 23 - Issue

3.9K 126 9
                                    

Zoey




NANDITO kami ngayon sa airport para ihatid si Kelly. Ngayon na kasi ang flight niya para bumalik sa states dahil bakasyon lang talaga ang ipinunta niya dito.

"Oh ano pang ginagawa mo dito? Yumakap ka na kay Kelly." Sabi ko sa katabi kong si Sab.

Kanina pa kasi siya tahimik at nakatanaw lang kay Kelly at Chuck kasama ang magkakaibigan na magkakayakap. Kanina habang nasa sasakyan kaming lahat at kahit na kinakausap siya ni Kelly ay oo at hindi lang ang sinasagot niya tapos nakahawak lang siya sa kamay ni Kelly at kahit inaasar siya nito ay hindi niya pinapatulan ang pang-aasar nito.

Tinanong ko pa si Kelly kung may nangyari ba, wala naman daw at maayos pa sila kagabi.

Naisip na lang siguro ni Kelly na masama ang pakiramdam ni Sab kaya naman nung sumandal si Sab kanina kay Kelly ay yinakap na lang pabalik ni Kelly si Sab. Sweet nga nila eh, alam na kung saan ang punta ng dalawa kung sakaling tama ako.

Napansin ko namang tumingin sa direksyon namin si Kelly at tinawag niya kami.

"Oh ayan na tinatawag ka na." sabi ko kay Sab.

"Mamiss ko siya sobra." sabi ni Sab.

"Oh bakit sa akin mo sinasabi yan? Ikaw wag ka na mag emote diyan mag paalam ka na ng maayos." sabi ko.

"Ito na nga eh. Naman eh nag eemote pa yung tao." sabi ni Sab.

Lumapit na kaming dalawa kina Kelly at agad kaming sinalubong ni Iris.

"Ano tapos ka na mag emote Sab?" pang-aasar ni Iris.

"Iris!" Suway ko sa kanya.

"Buti nga" sabi naman ni Sab.

Natawa na lang tuloy si Iris sa sinabi ni Sab.

"Hindi niyo ba ako yayakaping dalawa?" singit ni Kelly.

"Ako pa-hug!!!" maligalig kong sambit at patakbong lumapit kay Kelly na natatawa-tawa pa dahil sa sinabi ko. "Remembrance sa taong pinagselosan ko ng malala. Pero mabuting kaibigan ko na ngayon."

"I'm so happy na nakilala ko kayo ni Sab. Paki ingatan si Sab habang wala ako huh. Ayoko mawalan ng best buddy."

"Aba-aba best friend ko kaya yang inaangkin mo." Natatawa ko pang sabi. "Pero seryoso akong bahala kay Sab basta babalikan mo yan, dahil ayokong makitang malungkot ang best friend ko. Pupuntahan talaga kita sa US para kaladkarin pabalik dito kapag kinalimutan mo kami." pagbabanta ko sa kanya pero syempre katuwaan lang yun.

Nakarinig naman kami ng tawanan sa mga kaibigan namin.

"Willing akong tumulong na kaladkarin si Kelly pabalik dito." sabi ni Iris na hinapit akong lumapit sa kanya.

"Tutulong din ako." sakay ni Harold Kay Iris.

"Ako na naman nakita niyo. Kayo mamimiss niyo talaga ako ng sobra." Sabi naman ni Kelly.

"Lalo na si Sab." sabi naman ni Chuck.

Napatingin tuloy kaming lahat Kay Chuck.

"Kanina ka pa tahimik Sab?" tanong ni Shey sa sissy ko.

"Ay naku Shey, Asa kapang sumagot yan kanina pa nga ako tanong ng tanong diyan pero wala ako napapala." Turan ko.

Hanggang sa hindi na nakatiis si Kelly at kinausap na talaga niya ng masinsinan si Sab.

"What's wrong ba? May masakit ba sayo? You want medicine?" kausap sa kanya ni Kelly. Habang kami ay tahimik na pinapanood yung usapan nung dalawa.

Umiling-iling lang si Sab bilang sagot, hanggang sa napansin na lang namin na nangingilid na yung mga luha sa mata ni Sab.

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now