Chapter 13 - What to do?

5.2K 167 0
                                    

Zoey




"Whaaaaat!!!!" ang eksaheradang sigaw ng best friend kong si Sab.

Nakwento ko kasi sa kanya yung mga naging ganap samin ni Iris.

HINDI KO NA KASI ALAM ANG GAGAWIN KO, DAHIL MABABALIW NA ATA AKO SA PINAG-GAGAGAWA SA'KIN NI IRIS!

"NAG KISS KAYO?" Muling sigaw ni Sab.

"Sige isigaw mo pa, paulit-ulit? Sinabi ko na nga di ba?"

Nagpalinga-linga ako sa paligid baka kasi may makarinig sa pinag-uusapan namin dito sa garden.

"Lokong Iris yun, hindi man lang sinabi sakin na may nangyari na sa inyo. Ughhh! Pag nakita ko yun makakatikim siya sakin." Gigil na gigil pang sabi ni Sab.

Samantalang ako ay napanganga na lang sa sinabi niya. Maka-may nangyari naman itong isa akala mo may ginawa kaming kababalaghan.

"Seriously Sis? Yan talaga ang naging reaction mo? Wala ka man lang bang payo na ibibigay sakin? Or itatanong kung paano nangyari lahat?" Usal ko.

"Para saan pa Sis? Alam ko naman nang matagal mo ng trip yang si Iris, ayaw mo lang aminin diyan sa sarili mo. At payo ba kamo? Simple lang, sagutin mo na si Iris." cool na sabi ni Sab.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Seryoso ka ba diyan? Gulong-gulo na nga ako eh! Tapos gusto mong sagutin ko si Iris? Eh di lalong nagulo ang buhay ko?"

"Ikaw lang naman ang magulo, aminin mo kasi sa sarili mong may gusto ka kay Iris para maliwanagan ka. Sige ka kapag si Iris napagod at naliwanagan? Ikaw din, iiwan ka niyan at ikaw maiiwang luhaan."

Bigla naman akong nakaramdam ng takot sa sinabi ni Sab.

Makakaya ko ba? Noong hindi nga siya umuwi ng isang gabi halos siya ang hinahanap-hanap ko kada-oras.

What if tuluyan na niya akong iwan?

Narinig ko na lang na nag ring yung phone ni Sab.

"Oh Hey Kelly!!!" masayang bati ni Sab sa tumawag sa kanya.

Napataas naman ako ng isang kilay at nawala yung takot ko at napalitan ng inis ng maalalang si Kelly yung babae na kung makadikit kay Iris ay wagas.

Napaikot mata na lang ako at itong si Sab naman ay pinandilatan ako ng mata.

"Yup! Wait na lang kita mamaya sa bahay." Huling sinabi ni Sab bago niya ibinaba ang kanyang phone.

"So may new bff ka na niyan? At talagang may pa-wait na lang kita mamaya sa bahay pa? Pano naman ako?" with paawa effect pa sa boses ko niyan para tamaan ang magaling kong best friend.

"Oh! So sasama ka mag bar mamaya?" Excited na tanong ni Sab.

"WHAT? NO WAY!" mabilis kong pagtanggi.

"See? Kung makapag emote ka diyan kanina tapos ngayon ang bilis maka-NO WAY!" sabay ngisi niya ng nakakaloko.

"Ughhhh sis naman eh bakit kasi lagi mo kasama yang si Kelly?"

"I dunno, basta ang alam ko lang ay magaan ang loob ko sa kanya. At tsaka kapatid siya ni Chuck, di ba mas okay kung close kami ng kapatid niya? Baka dahil doon magustuhan narin ako ni Chuck."

Napailing-iling na lang ako. Patay na patay talaga siya kay Chuck.

"Sab, kahit anong gawin mo hindi ka magugustuhan nun. May mahal ngang iba diba?"

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now