Two || Paper

486 19 1
                                    

•02•

Andrea's POV

Pag nga naman gutom ka, hindi mo na mamamalayan kung nasaan ka...

Huhuhu! Hindi akalain na mahal pala ang pagkain dito sa Kuya J's restaurant! Si Jerecho Rosales naman eh!

“Ano Andrea may pang bayad ka ba? Hahaha! Pede naman kitang ilibre.” natatawang sabi ni Charlie at natawa din si Mia.

Nag pout ako, “Wag niyo nga akong minamaliit! May pera ako no.” sagot ko habang kinukuha ang wallet ko sa bulsa ng dress ko. Oo hindi ako naka skirt katulad nila, aba naman bata pa naman ako saka pede din namang naka dress basta may blazer daw.

“Wait lang.” nilabas ko ang wallet ko at kumuha ng pera. Pero pagkakuha ko ay may nahulog na papel sa sahig kaya kinuha ko ito.

Please, save me...
I'm waiting for you...
My Hero.’     

Biglang nag flashback sa isip ko yung unang time ng makita ko ang papel na to.

“Mamsie dali na po! Gutom na po talaga ako! Mamsie...”

“Hay ikaw na bata ka! Bawal nga ang pagkain dito sa loob ng fun house! Kung gusto mong kumain, tara na at lalabas na tayo dito.”

“Mamsie naman... Tignan niyo po oh.” turo ko sa machine.

“Malapit na po akong matapos Mamsie dito oh, tapos nakita niyo po to?” turo ko naman sa nga ticket.

“Pag marami na po ako nan, makukuha ko na yung sketch pad na prize Mamsie! Hindi ka na po bibili sa store! Kaya mamsie... Bili na po kayong food.”

“Oo na, oo na wag kang aalis diyan ha?”

“Opo!” umalis na si Mamsie at patuloy lang ako sa paglalaro.

Nang makarami na ako ng ticket ay kinuha ko ito at umalis na sa upuan, patalon na bumaba ako sa mataas na upuan. Dala dala na ang ticket ko ay nagderetso ako sa counter.

Hala! Hindi ko abot yung taas, huhuhu.

“Here little girl.” sabi sa akin ng bantay sa counter at binigyan ako ng upuan. Nginitian ko si ate at binigay lahat ng ticket. Tinansya niya lahat ng ticket at may kulang pang isa para sa sketch pad ko!

“Huhuhu, b-bakit po ganun? Huhuhu.” naiiyak na sabi ko.

“Kulang kasi ang ticket mo baby, maglaro ka pa.” sabi sa akin ni ate.

“W-wala na po kaming pera, huhuhu.” naiiyak na sabi ko.

Inikot ko ang paningin sa loob para hanapin si Mamsie at nadako ang paningin ko sa papel kung nasaan ako naglalaro kanina.

“A-ayun!” agad na bumaba ako at kinuha ang papel. Pag kuha ko ay pumunta ulit ako sa counter at binigay ang papel.

“Ay baby, hindi to ticket look.” bigay niya sa akin at tinignan ko naman ito.

Please, save me...
I'm waiting for you...
My hero.

“P-po?”

“Pero dahil isa na lang naman. Ibibigay ko na sayo ang gusto mo.” napatingin agad ako kay ate at nagtatalon!

“Yeyy! Salamat po!”

At simula nun, itinago ko na ang papel sign as my lucky charm.

“Andrea!”

“Ay!” bumalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Mia at—

Aray! Nauntog ako sa mesa!

Young BossWhere stories live. Discover now