Forty Five || Over

141 6 0
                                    

•45•

Andrea's POV

“D-dad.”

“My son! How are you? Masaya ba ang tumakas? Masaya bang maging suwail na anak?

“Pabayaan niyo na kami.” hinawakan ni Breydon ang kamay ko at itinago sa likod niya. Napatingin ako sa kasama ng CEO, si Nyx na hawak ng mga body guard at si Haley.

“Breydon sumama ka na sa amin.” sabi ni Haley sabay tingin ng masama sa akin.

“No.” matapang na sagot ni Breydon.

“Ms Zheon. Hindi ba't may kasunduan tayo? Hmm. It looks like you sacrifice.” nanghina ako sa sinabi ng CEO. Nagkatinginan naman kami ni Breydon. It's about my family.

“Andrea, be strong.” bulong niya at napapalunok na tumango ako.

“Family or Breydon?”

“Dad!” sigaw ni Breydon sa Dad niya. Nanghina naman ako sa narinig ko.

“I will repeat it Ms Zheon, Family or Breydon?”

Parang echo na paulit ulit sa tenga ko yun. Unti unti ay napabitaw ako sa kamay ni Breydon.

“Kung hindi mo lalayuan si Breydon... then I have no choice, sisirain ko ang pamilya mo.”

N-NO...

“W-wag.” sabi ko. Tumingin ako kay Breydon na nakatingin sa akin.

“No Andrea.” sabi niya sa akin. Napatungo ako habang binibitawan niya ang kamay niya—pero hindi niya ito binibitawan.

“B-breydon..”

“Andrea... sabi mo lalaban tayo.”

“G-gusto ko. P-pero hindi pwede... Hindi pwedeng ipaglalaban kita pero masasaktan ang pamilya ko.” bulong ko. Habang naka tungo ako ay ramdam kong tumulo ang luha ko nakanina ko pa piniligilan.

“Andrea lumayo ka na kay Breydon. Tanggapin mo na lang ang totoo.” napatingin ako kay Nyx ng sabihin niya yun. P-pati ba siya tutol na sa amin ni Breydon?

“Nyx! What the hell are you saying?” inis na tanong ni Breydon kay Nyx.

“I'm sorry Bro.” napatungo si Nyx.

“Stop this drama Breydon, come with us now.” seryosong sabi ng dad niya.

“No! Ayoko!” pagmamatigas ni Breydon. Napahinga naman ako ng malalim bago magsalita.

“B-breydon please? P-para sa pamilya mo, para sa pamilya ko. I-itigil na natin 'to.” buong lakas na kinuha ko ang kamay ko mula sa kanya at tumakbo palayo. Unti unting bumagsak ang mga luha galing sa mata ko.

“ANDREA!” sigaw ni Breydon pero hindi ako lumingon. Naghanap ako ng masasakyan at ng may makita ako ay sumakay na ako.

I'm sorry Breydon...

———

Walang tigil sa pag tulo ang luha ko habang sakay nitong tricycle. Wala pala namang taxi dito sa San Pablo, huhuhu. Kinuha ko yung wallet ko at tinignan yung picture namin ni Breydon. Tumulo na naman ang luha ko.

Ako na ata ang pinaka tanga na babae. Sinabi ko na ipaglalaban ko siya kahit anong mangyari. Pero ano? Tanga tanga ko.

“Miss saan po ba kayo bababa?” napatigil ako sa pagda-drama ng magtanong ang tricycle driver.

“U-uh sa terminal po nitong San Pablo, pa Maynila po. A-alam niyo po ba kung saan yun?” tanong ko.

“Ay miss kahit saan ka naman pumara ng bus ay sa maynila ang deretso.”

“A-ah sige po. Bababa na po ko. Ito po bayad.” nag abot ako ng bayad at bumaba na sa tricycle. Nung umalis ang tricycle ay napalingon ako kung nasaan ako.

Saan 'to?

Madilim tapos puro puno dito—wala pang nadaan na tao! Waaaah!

Nagsimula akong maglakad kung saan. Basta naglakad lang ako ng naglakad. Kinuha ko ang phone ko.

Calling Aira...

[Hello?]

“A-aira? Ikaw ba 'yan?” bakit parang lalaki siya?

[Andrea? Is that you? This is Ian!] parang nagka pag asa ako ng marinig na si Ian to.

“I-ian? Ian! Please, sunduin mo naman ako. P-please andito ako sa—” lumingon muna ako para maghanap ng lugar kung nasaan to. “—sa ****** sa San Pablo City Laguna. P-please Ian sunduin mo ko dito..” pagmamaka-awa ko sa kanya.

[Alright. I will be there, just wait, ok?]

“O-oo. Salamat.” sagot ko. Binaba ko na ang tawag at tinago ang phone ko.

Kahit malayo 'to, pupuntahan niya talaga ako. Salamat Ian.

———

*

pluk!* *pluk! *pluk!*

Naka-upo ako sa sahig nitong daan at nakatulog ng magising ako sa patak ng ulan.

Oh god, naulan!

Napatayo ako at napasilong sa isang waiting shed.

Asan na ba si Ian?

Saktong sakto pag pwesto ko ay may ilaw akong nakita na galing sa malayo. Palapit ng palapit ay nakita kong isa itong sasakyan.

“I-Ian?” tanong ko sa sarili ko. Maya maya ay tumigil ito sa harapan ko at bumaba ang sakay nito.

“I-Ian!” napatakbo ako palapit sa kanya at napayakap.

“Andrea? Basa ka na, let's go inside.” inilalayan niya ako papasok sa kotche at pinatay ang aircon.

“Are you ok?’ tanong niya sa akin. Tumango naman ako.

“O-oo naulanan lang. A-ahm ano tara na umalis?” pagpilit ko sa kanya. Naguguluhan na tumango siya at pinaandar ang sasakyan.

Simula ngayon...

Kakalimutan ko na si Breydon.

Magiging malakas na ako.

••

Chimneyaa : Hehehe. Hello, vote at comment please? >///<

Young BossWhere stories live. Discover now