Eighteen || Special

232 14 0
                                    


•18•


Andrea's POV


Napatingin ako kay Breydon na serysosong nag da-drive. Ano kayang problema nito? Ayos naman to kanina. May ideyang pumasok sa isip ko but I'm not going to clarify it. Paanong mag -toot- siya eh kaibigan ko lang siya?

Uh! Bakit ba iniisip mo yan Andrea?

“We're here.” napatigil lang ako sa pag iisip ng magsalita siya. Tumingin ako sa bintana ng sasakyan niya at nandito na nga kami. Bumaba naman ako sa kotche at inantay siya na makalapit sa akin.

“Andrea I need to tell you something.” bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko nung saktong sabihin niya iyon.

“A-ano yun?” may ngiti pang tanong ko, tinatago ang kaba ko.

“I-I...”

Ano namang I yan?! Waaaah!

“I?” tanong ko sa kanya. Nakikita ko kasi na kinakabahan siya at lalo na ng i-rub niya ang kamay niya sa buhok niya.

“Hoy ok ka lang?” tanong ko sa kanya.

“Look Andrea,” nagulat na lang ako ng hawakan ng isa niyang kamay ang pisngi ko at ang isa naman ay sa braso ko! “Y-you're... Special to me. I'm not treating you as a friend or as an employee, you're s-special to me.”

A-ano? S-special?

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya! Anong special? Special ano ako?

“S-special? Paanong special?” tanong ko, gusto ko lang linawin ang sinabi niya sa akin.

“Mahalaga. Mahalaga ka sa akin Andrea. Every time that you're around lahat ng sistema ko kumakalma. Kapag nandyan ka, nawawala lahat stress ko. And—” tumingin siya sa mga mata ko, “Kapag nasa harapan kita, bumibilis ang tibok ng puso ko.”  napatulala lang ako sa sinabi niya.

B-bakit? Bakit ganun?

“I don't want to end this Andrea.” nabigla ako ng yakapin niya ako.

“Not at all. Not with them. N-not with my parents.” mas lalo akong nagulat ng maramdaman kong parang umiiyak siya! Waaaah! Bakit siya umiiyak?!

“B-breydon? Ayos ka lang?” nag aalalang tanong ko habang hinihimas ang likod niya. In short, niyakap ko din siya.

“N-no I'm not. I'm not o-ok.” sabi niya at hindi ko naman alam ang gagawin ko! Paano ba pakalmahin ang isang Scherzy?! Waaaaah! Hindi ko alam! Yakap lang ang alam ko!

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit. “Kahit ano pa yang problema mo Breydon, tandaan mo na lang na... lagi akong nandito para sa'yo.” sabi ko sa sinserong boses.

“I-I wish you're always h-here. B-but I think, h-hindi mangyayari 'yun.” ano bang mga sinasabi niya? Waaaah!

“Breydon andito ako palagi. Siguro iniisip mo kung busy ako 'no? Edi tawagan o puntahan mo ako. Lagi naman ako nandito para sayo.” ok sobrang lalim na ng mga sinasabi ko sa kanya para lang mapakalma siya!

“A-andrea..” nabigla ako ng lalo siyang umiyak! Waaaah! Ano bang gagawin ko para tumahan to?! Waaaaah!

“P-promise me... Ano man ang mangyari, hindi ka aalis sa tabi ko.” he said.

Inalis ko naman ang yakap ko sa kanya and I held his face. Hinawakan ko ang pareho niyang pisngi gamit ang dalwa kong kamay at pinunasan ang mga luha niya. Uh! Bakit ang gwapo pa rin kahit naiyak?

“Promise! Hindi kita iiwan! Hinding-hindi. Hindi bilang kaibigan mo o empleyado mo. Bilang... Special mo.” sabi ko habang naka ngiti. Nakita ko naman ang pag ngiti niya at ang sumunod na nangyari ay hindi ko na namalayan!

He k-kiss me!

Hindi ko alam kung anong gagawin! Nakatigil lang ako habang ang pareho naming labi ay magkalapat! Magkalapat lang talaga! No movements!

“Andrea I'm not going to say the words, I'm just going to show it to you. At kapag dumating ang oras na handa na akong sabihin sa'yo ang mga salitang 'yun... sasabihin ko agad sa'yo...” sabi niya sa pagitan ng paglapat ng aming labi. Waaaah! Ramdam ko ang pag galaw ng labi niya sa labi ko!

“My hero.” he said and finally kiss me! Waaaaaahhhh! What should I do now! Hindi ko alam waaaaaaahhhh!

Naramdaman ko na lang ang lips niya na gumagalaw na sa labi ko! Waaaaah! He even hold my waist para mapalapit sa akin! And when he do it napahawak naman ako sa mga braso niya! Waaaah!

Patuloy pa rin siya sa paghalik at hindi ko pa rin alam ang gagawin! Waah! Ano nga bang napanood ko sa k-drama? Paano nga ba sumagot sa halik? Waaaaah!

“Andrea kiss me back..” he said at hindi naman ako nakasagot.

“H-hindi ako m-maalam.” pag amin ko at natawa naman ito. “Then I will teach you.” he said before kissing me again.

Nilagay niya ang kamay ko sa may leeg niya at hinapit pa ako palapit. Habang hinahalikan niya ako hindi ko namalayan na sumasagot na pala ako! Waaaah! Naalala ko na ba kung paano ang ginagawang pag halik sa mga k-drama! But I think it's not. Instinct na daw talaga ng tao ang sumagot sa halik kahit hindi pa maalam! And most nakapikit na ako! Waaaah!

Waaaaaaaaaaahhhhh!!! Hindi ko mapigilan ang pamumula ng pisngi ko sa ginagawa niya! First time ko 'to mga bess waaaah!

“There.” dahan dahan niyang nilayo ang labi niya kaya napa mulat agad ako!

“G-grabe.” yan lang ang nasabi ko. What the hell? G-ganun pala ang kiss?! Nakakamatay!

“Now you know how to kiss.” sabi niya ng may ngiti sa labi. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ang mga pisngi ko at ang noo ko.

“I'm not yet ready to say it Andrea, but you know it right? tanong niya at napatango naman ako.

Yeah I know. Alam ko na ang nararamdaman niya para sa akin.

“If you know it, then please... don't make me jealous.” sabi niya. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko, nagseselos siya? Kanino?

“Pasok na. Gabi na masyado.” he said at natauhan naman ako. Tinignan ko ang oras at mahigit isang oras pala kami sa labas!

“A-ah oo. S-sige goodnight.” nauutal pa na sabi ko at tatalikod na sana ng hilahin niya ulit ako.

“Hindi ako maalam manligaw and I'm sorry for that.” natawa ako sa sinabi niya. Syempre Boss eh haha.

“A-ayos lang.” sabi ko. “Sige goodnight na.” sabi ko at tatalikod na sana ulit ng hilahin niya na naman akooooo! Ano baaaaaaaa!

“It's hard. I'm starting to miss you already.” feeling ko namula ang pisngi ko doon! Waaaaah! Enebe yeeern!

“Kuha ka na lang ng pictures ko sa fb, marami doon para hindi mo ko ma miss hehe.” sabi ko at natawa naman siya.

“Papasok na talaga ako Breydon ingat ka.” binitawan ko na ang kamay niya at tumalikod na. Hindi ko na naman naramdaman ang paghila niya kaya dumeretso na ako sa gate.

Malapit na ako papasok sa amin pero lumingon pa ako. Nakita ko siyang naka ngiting naka tingin sa akin.

Tinaas ko ang kamay ko at nag finger heart sa kanya.

Ngumiti siya at natawa pa ata. At least nasabi ko ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng daliri ko.

“Goodnight!” tumalikod na ako sa kanya at patakbong pumasok sa bahay namin. Pagsara ko ng pinto at agad na napasandal ako dito.

Napahawak ako sa puso ko...

Oh my god.

I think...




He's also special to me.

Young BossWhere stories live. Discover now