Thirteen || The Lionel

251 12 0
                                    


13

Andrea's POV


“Welcome sa Restaurant namin!” masayang sabi ni Aira pagpasok namin sa Li-el Restaurant. Binati siya ng mga crew at waiter dito.

“Tara dito.” pumunta siya sa kabilang side ng restaurant kung saan may mirrored room na kita ng mga nasa labas at nasa loob ng restaurant. “VIP ba 'to?” tanong ko. Tumango naman ito, oh diba sabi ko.

“Waiter!” malakas na tawag niya sa waiter. Umupo naman kami nila Mia at Charlie sa upuan, it's a four chair rounded in a large table.

“Yes Ma'am Aira?” tanong nung waiter.

“Give me the best dishes here kasama na ang best drinks!”

“Right away ma'am.” umalis na ang waiter at tumingin naman ako sa mga kasama ko.

Wow!

Ang yaman pala ni Aira? Bakit nagtatrabaho pa siya sa P'thy Company?

“Ah Aira, can I ask?” thanks to Mia mukang yun din ang itatanong niya.

“Of course.” naka ngiti nitong sabi.

“Kung sa inyo itong restaurant na to. Does it mean mayaman kayo?” she asked.

“Yes. Actually we have several restaurant branches in all over the world. And, we have company too.”

Lumaglag ang panga ko sa sinabi niya!

Ano? May company din sila?! Eh bakit siya nagtatrabaho?

“Then why are you working on the other company?!” nagulat ako ng sabay sabay kaming magtanong tatlo kay Mia.

Ngumiti lang siya ng malungkot. “Well... I have my reason.” ramdam ko ang lungkot ng boses niya kaya nanahimik na kami.

“Here's the order ma'am.”

W-WOW!!!

A-ANG DAMING PAGKAIN! WAAAAH!

“Oh here's the food!” masaya na ulit na sabi ni Aira. Nagkatinginan naman kaming tatlo at ang mga nasa isip namin is Ang dami! sobra! Ang sasarap at ang dami!

“Kain na tayo guys!” agad na sumunod kami kay Aira dahil true! Gutom na rin kami. Nagsimula na kaming kumain and it's so delicious! Parang professional chef ang nagluto talaga. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay may tumunog na phone.

“Oh it's mine! Excuse me.” tumayo si Aira ta lumayo ng kaunti sa amin.

“Hello!” muntik na akong matawa dahil ang lakas lakas naman ng boses niya eh lumayo pa siya. I saw Mia and Charlie giggling too.

“What? Nakabalik ka na?! Bakit hindi mo sinabi? Sana nag pasundo ka kay Manong!” kahit anong gawin namin ay sobra talagang lakas ng boses niya. Buti na lang at hindi rinig sa labas kasi nasa VIP kami.

“Oo na, oo na! Hindi ka nagbago! Ganyan pa rin ang ugali mo! Ate mo ko no!”

Nagkatinginan ulit kaming tatlo. Ate? Means kapatid niya yun?

“Ibababa ko na! Masyado kang istorbo, oo dumeretso ka na sa bahay. Bye!” binaba niya na ang phone at bumalik sa upuan niya.

“Lil' Brother or Lil' Sister?” tanong agad ni Charlie. Tumingin siya kay Charlie at—nag blush siya. Uhuh! Alam na this, hehe.

“He's my lil brother.” sagot niya ng hindi makatingin dito.

Nagpatuloy naman kami sa pagkain at habang nakain ay may pumasok na customer sa restaurant. Hindi ko naman usually napapansin eh kaso familiar kasi sila sa akin. Yes, sila kasi they're two.

Tinignan ko sila at nilinawan ang mata ko.

W-what?

The Boss! And...

Haley Briax?!

———

“Did you see our boss kanina sa restaurant namin? He's so handsome!” tumingin ako sa nag ta-type na si Aira. Gamit namin ang laptop niya sa pag gagawa ng power point.

“Yes he is, right Andrea?” tanong sa akin ni Mia. Ngumiti na lang ako sa kanya. I don't know, simula nung makita ko siya with Haley biglang nagbago aura ko genen?

“But who's the girl na kasama niya?” tanong ni Aira. She's 20 years old na pero ang ingay niya pa rin, haha.

“That's Haley Briax, an employee from Master Department.” si Charlie ang sumagot.

“Ahh. Baka girlfriend.” sabi ni Aira. Mia and Charlie look at me! Sabay pa talaga!

“W-why?” tanong ko. Bakit sila naka tingin sa akin?!

“Sa tingin ko hindi. May ibang type ang boss.” sabi ni Mia na bumalik sa kanyang ginagawa.

“Yeah I agree.” sagot din ni Charlie. Hmmp! This two ah! Nagsisikreto na sila sa akin.

“Hmm. U-uh guys, bili lang akong kape ah inaantok na kasi ako.” pagtayo ko ay sinabi ko agad 'yan.  Huwag niyong isipin na umiiwas ako sa topic! Hindi! Hindi talaga!

“Sure! Can you buy me too?” tanong ni Aira. Tumango naman ako at nagpabili na rin sila Mia at Charlie.

Habang hawak ang pera ay sumakay na ako sa elevator at bumaba sa entrance kung saan andun ang coffee shop.

3:15 PM. Hapon na rin pala kaya pala inaantok na ako. Hayys! Habang naglalakad ako napansin ko wala man lang tao! Mga staff at mga tao sa shop lang ang nandito. Pagpasok ko sa Coffee Shop ay wala man lang customer, meron pala mga dalwa lang at yung mga nasa counter lang.

“One Cappuccino, one Latte, one Espresso and one Iced Coffee please.” sabi ko sa babaeng nasa counter. Inulit niya ang sinabi ko at nag excuse na.

Habang nag aantay ako ng order ay napatingin ako sa dalwang babae na paalis na. Ays, ano ba yan? Iniwan talaga nila ako ah. Napatingin ako sa counter at wala namang tao.

Ayys ano ba yan!

Iniwan tala—

“Andrea.” napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko.

“B-boss.” sabi ko. Andito pala ang boss, siguro bibili din ng kape.

“Hmm kumain ka ba ng maayos kanina?” tanong niya. Tumango naman ako at dahil sa tanong niya ay may naalala ako, yung kasama niya mag lunch kanina.

“I miss you.” feeling ko bumilis ang tibok ng puso ko ng sabihin niya yun ng nakatingin sa mata ko.

“H-huh?” tanong ko. Ano daw? I miss you? Huh?!

“I said I miss you.” aba'y inulit pa! Ang tibay!

“H-hahaha! Nagbibiro ka naman hahaha! P-paano mo ko mami-miss eh nagkikita naman tayo hahaha!” irit ko ng tawa. May pagka weird din pala tong si Breydon ano?

“I'm serious. Hindi ko nakita ang mukha mo simula 7 hanngang 3, I miss your face.”

“B-breydon.” tanging nasabi ko. Hindi ko kayang magbiro kasi ang seryoso ng mukha niya!

“Andrea...” lumapit siya sa akin at halos mapa igtad ako ng hawakan niya ang pisngi ko.

“Bakit komportable ako kapag kasama kita? Bakit gumagaan ang pamiramdam ko kapag nandyan ka?”

H-hindi ko alam.

Hindi ko talaga alam!

“Andrea—”

“Here's your order madame.” agad na napatingin ako sa babaeng nasa counter. Nagulat naman si Breydon kaya binaba niya ang kamay na nasa pisngi ko.

“T-thank you.” sagot ko at mabilis na nagbayad at kinuha ang order. Tinignan ko muna si Breydon—

Ang awkward!

—bago ako lumabas ng shop na yun.

Napahawak ako sa puso ko...

What the hell was that?!

May crush ba ako sa kanya?!

Young BossWhere stories live. Discover now