Twelve || Rain

273 10 0
                                    


•12•

Andrea's POV


“Andrea ito payong oh.”

“Salamat mamsie.” kinuha ko kay mamsie yung payong na binigay niya sabay tingin sa langit sa labas ng bahay namin.

Hindi ba dapat suspended din sa trabaho? Parang school days lang ang peg divah? Suspended ang klase kasi naulan.

“Lakad na Andrea habang hindi pa lumalakas!” para namang pinagtutulukan ako ni mamsie paalis eh!

“Sabihin mo kung babalik pa yung boss—”

“Mamsie naman eh!” asar na sabi ko at tumawa lang ito. “Mag iingat ka.” tanging sabi ni mamsie nung lumabas na ako sa pinto. Nagderetso ako sa gate at sa labas ng subdivision namin at nag antay ng taxi na masasakyan.

Hayys! Yan ang ayaw ko kapag naulan eh! Bukod sa mababasa ka at ang gamit mo, pahirapan pang sumakay ng taxi!

Oyas!

Mga ilang minuto ay may dumating na taxi at sumakay naman ako dito.

“Ah miss, this is a private taxi—”

“Please na naman kuya, naulan kasi! Baka ma late na rin ako sa trabaho ko.” humarap ako kay kuyang nasa tabi ko at halos lumuwa naman ang mata ko!

Ang gwapo naman nito syet! Oppa!

“O-ok.” tanging na sabi niya. Ngumiti na lang ako at tumingin sa bintana na nasa gilid ko.

Matapos ang mahabang byahe ay nasa P'thy Company na rin ako. Bababa na sana ako sa taxi nung tawagin ako ni kuyang oppa.

“Po?” tanong ko. Nagbayad na naman ako kay manong ah!

“I'm Ian.” inabot niya ang kamay niya at naguluhan naman ako. Nagpapakilala ba siya sa akin? Ho my ghaddd!

“U-uh Andrea.” sagot ko at nakipag kamay.

“Nice to meet you Andrea.” sabi niya at ngumiti naman si ate niyo! “Nice to meet you din.” sagot ko. Lumabas na ako sa taxi at binuksan ang payong ko.

Tumawid ako sa kalsada kaso malapit na sana ako sa building ng may humarang na kotche sa daan ko!

Ay buset! Malapit na ako eh!

Tinignan ko ang walang hiyang humarang sa daan ko at nakitang kotche to ng isang familiar.

Ahh!

Si Boss!

“Hey Ms Zheon! Pede bang pasilong si payong mo? I don't have one.” sabi niya sa malakas na boses. Lumapit naman ako sa kotche niya at sa bintana kung saan siya nakadunghay.

“Weh? Wala kang payong? Wag ako uy, ang yaman mo wala kang pambiling payong.” sabi ko. Posible bang wala yan? Hmmp!

“I left my umbrella Andrea. Just share me your umbrella.” sabi niya. Eh kasya ba kami sa payong ko?

“O-oy! Mababasa ka!” agad na dinaluhan ko ng payong si Breydon ng bumaba siya sa kotche niya. Ang kulit naman eh!

“Pinayungan mo naman ako.” naka ngiti niyang sabi at ang pula naman ng mukha ko for sure! Ang lapit ng mukha niya gosh!

“T-tara na nga!” kunwaring inis na sabi ko at umandar na papunta sa entrance.

“Bakit kasi hindi sa parking lot dumeretso eh...” bulong ko pero narinig niya.

“Why? Gusto ko ng kape. Kaya dito ako dumaan instead na sa parking lot.” sagot niya. Tss, matalino talaga to eh.

Maya maya pa ay nasa entrance na kami kaya agad na binaba ko naman ang payong ko. Nilagay ko ito doon sa lagayan.

Young BossWhere stories live. Discover now