Five || Breydon

357 20 1
                                    


•05•

Andrea's POV


“So, do you know me?”

“Boss ka namin.” sagot ko habang humihigop ng Cappuccino.

“No. Not that, I mean my name? My age? And others.” napakunot ang noo ko.

“Bakit naman ako magkaka-alam tungkol sayo? Hindi naman kita ka-ano ano.” sagot ko at napatigil din dahil napagtanto ang sinabi ko.

“S-sorry boss.” napatungong sabi ko. Para namang kaibigan mo yan Andrea eh!

“It's ok. Can I have a favor?” napatingin naman ako sa kanya.

“Ano?” tanong ko.

“Can you call me Breydon when we are alone? And can I call you Andrea too?” nalunok ko yung ininom kong kape ng marinig ko iyon.

“P-po?” tama ba ang narinig ko?

“Tawagin mo kong Breydon pag tayong dalawa lang. And tatawagin din kitang Andrea. It's very awkward.” napakunot ang noo ko.

“H-hindi pwede, b-boss kita. Kailangan kitang tawaging boss.” sagot ko sa kanya.

“Andrea.” tumaas ang balahibo ko ng marinig ko yun.

Tinawag niya ba ako sa pangalan ko?

“Y-yes?” tanong ko.

“Call me Breydon please?” napalunok ako ng marinig ko yun. Parang sira naman tong si Boss!

“E-ehh?” yan lang ang nasabi ko dahil hindi ako komportable sa tingin niya! Wah! Langyang boss 'to!

“Promise when you call me Breydon, pede ka ng umalis.” parang pumalakpak ang tenga ko dahil sa narinig ko. Yun lang pala eh!

“Breydon.” agad na sabi ko at lumaki ang ngiti sa labi niya.

“You can go now.” sabi niya. Agad na tumayo ako at nagderetso sa pinto niya. “B-bye boss.” aalis na sana ako ng maabutan niya ang braso ko.

“What did you say?”

“Bye boss?” patanong na sagot ko.

Kumunot naman ang noo niya, “Diba Breydon.” sagot niya.

Tss, grabenish tong boss nato!

“B-bye Breydon.” sagot ko at agad na lumabas. Grabe! Ang pula ng pisngi ko, waaaah!

Is that the true Breydon Schery? Our Boss? The Young Boss?

Ah! Death defying!

———

“Bakit daw ang aga ng awas?”

“We don't know. Pasa mo na yung task mo, para maka alis na tayo.”

“Oo oo.” nagderetso ako sa cubicle ko at nag print ng dinrawing ko kanina. Pinasa ko ito sa table ni Ma'am Era at saka dumeretso kila Mia. Maaga natapos ang trabaho namin. 4PM pa lang at kakalabas ko lang doon sa office ng b-boss.

“Tara mag Mall guys?” tanong ni Mia habang nag aayos ng sarili.

“That's a good idea. Andrea? Sasama ka?” tanong sa akin ni Charlie. Nag isip naman ako, hmm... Wala naman akong gagawin eh. Edi? Gora na!

“Count me in.” naka ngiti kong sabi. Nag ayos na rin ako ng sarili ko, simpleng lipstick lang at konting powder saka sinuklay ang orig na straight na buhok ko. Hindi naman ako mahilig mag make up eh. Inayos ko rin ang white dress ko at blazer na black.

Young BossWhere stories live. Discover now