Four || Nervous

389 14 0
                                    

•04•

Andreya's POV

“Oh god! Ang gwapo niya pala talaga...”

“He's one of a gorgeous man!”

“Ang gwapo niya...”

“May girlfriend na kaya siya?”

“Employees quiet!” pagpapatahimik ni Ma'am Era sa ka employee ko. At ako?

SANA LAMUNIN NA AKO NG LUPAAAA—AY HINDI! NG GLASS FLOOR NA ITO!! NAKAKAHIYA! SIYA PALA ANG BAGONG BOSS NAMIN! WAAAAAAH!

“Andrea, look at the center...” napabalikwas ako ng bumulong si Mia. Edi tumingin ako sa gitna pero ang gulat ko ng naka tingin sa akin yung boss!

P-patay kang bata ka!

“Ah-hehe... H-hello p-po? H-hehe.” kinakabahan na sabi ko. Nangunot naman ang noo nito bago ngumisi at tumingin sa iba.

“Hello.” ngumiti siya, “A pleasant afternoon for everyone, I'm Breydon Scherzy your new Boss.” nagpalakpakan sila pagka-salita ng boss kaya naman nakipalakpak na rin ako.

Oh god, kinakabahan talaga ako!

B-boss! How old are you?” may nagtanong mula sa employee namin kaya binigyan ni Ma'am Era ng death glare.

“Don't ask our boss such question —”

“It's ok Ma'am Era, I can answer.” naka ngiti ngunit seryosong sabi ng boss. Napatili naman ang iba sa amin dahil ngumiti ito.

Omegeddd! Sana umalis na si Sir! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Kinakabahan na ako ng todo!

“Hey, are you ok?” kahit sa tanong ni Charlie ay nabigla ako.

“H-huh? A-ano?” tanong ko pabalik sa kanya. Tumawa naman siya,

“I think you're not.” bulong na lang niya. Hindi ko na lang siya pinansin at tinignan ang boss sa unahan.

“I'm 19.”

Seriously?!

“Oh, ang bata niya pa...”

“Such a young boss.”

“Binata pa siya! Kyaaa!”

“Quite! No more question now.” sabi ni Ma'am Era kaya natahimik ulit ang floor.

19 talaga siya seryoso? K-kaya pala mukha pa siyang bata! And worst! Ka age ko pa siya!

“Andrea ka age mo oh.” bulong ni Mia sa akin pero hindi ko siya pinansin, eh sa kinakabahan ako eh!

“Boss you can go now. Need to check the  photograph department right?” sabi ni Ma'am Era kay Boss. Parang pinapa alis niya na ah? Wag muna! Ang gwapo pa—ay oo pala! Oo! Paalisin niyo na yan, huhuhu.

“Hmm no. I want to check the employees in this department, ONE by ONE.”

O-oh no...

Mas lalo ata akong kinabahan sa sinabi ng Boss. Anong one by one?!

“A-alright sir.” sagot ni Ma'am Era.

Nagulat kami ng tumalikod ito at dumeretso sa elevator ng nakapamulsa. “Started from the girl that seating on the first cubicle, go to my office.” sumakay na ito pagkasabi noon at pag sara ng elevator.

Young BossWhere stories live. Discover now