Fifty One || Korea

190 4 0
                                    

•51•

Andrea's POV

[Seoul, South Korea]

“Joh-eun achim! joh-eun halu doeseyo!” (Good morning! Have a nice day!)

Bati ko sa bawat nakakasalubong ko pauwi sa bahay namin dito sa Busan, South Korea. Oo, nasa Korea na kami nila Mamsie. Meron kasing bahay dito si Papsie kaya dito kami nag desisyong mag bakasyon. Bakasyon lang to 'no, hehe.

“Mamsie, Papsie I'm here na!” pagpasok ko sa pinto ay lumapit ako kila Mamsie na nasa sofa. “San si Allen mamsie?” tanong ko matapos ko makipag beso sa kanila.

“Ayun nasa kwarto niya.” Ah, nasa kwarto pala. Tumango na lang ako at dumeretso sa kusina. Nagugutom na ako hehe.

Alam niyo ba dito na lang ako sa bahay namin nakakapag salita ng tagalog. Sa labas kasi puro english at hangul na ang sinasabi ko, kaya pahirapan na hahaha. Saka dito sa loob ay nakakapagluto ako saka si Mamsie ng Filipino foods like egg, hotdog, tuyo at ang favorite kong menudo. Sa labas kasi ay mga Korean delicacies ang pagkain hahaha.

“Ako na diyan anak, tumaas ka na sa kwarto mo at alam kong pagod ka.”

“Thanks Mamsie.” nginitian ko muna si Mamsie bago tumaas sa kwarto ko. Pagpasok ko dito ay inilapag ko ang coat ko at jacket. Oo doble doble ang suot pag nandito ka sa Korea—kyaaaaa! Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako. I want to see those korean idols and kpop boy band BTS waaaaaah!

*ring!* *ring!*

Kinuha ko ang phone sa bulsa ng pants ko at tinignan kung sino ang tumatawag.

[How's our friend?]

“Ian!” bati ko. Si Ian pala ang natawag. Hayy kamusta na kaya sila? Sila Ian, Aira, at Charlie?

[So how are you? Malamig ba diyan?—Andrea! How are you?!—shut up Aira.] natawa ako dahil feeling ko nasa likod niya lang si Aira.

“Ok naman ako dito. Yes it's so cold! Hahaha. Kayo? Kamusta na kayo? Miss ko na kayo!” totoo, miss ko na sila.

[We missed you too. We're fine here. Walang bago.] sagot ni Ian.

“Ah ganun ba? Hehehe.” sagot ko. Tinignan ko ang orasan ko. 8:15 in the morning na so 7 na sa kanila. A head kasi sila ng 1 hour diba.

[Be ready Andrea. Baka may bisita ka na diyan mamaya.]

“Huh?” hanu daw?

[Nothing hahaha. Ow sorry Andrea, I need to hang up na. Next time na lang. Bye!]

“Ah sige. Bye!”

Pagbaba ko sa phone ay sabay higa ko din sa malambot kong kama. Tumingin ako sa ceiling at pag tingin ko doon ay may ala-alang pumasok sa isip ko.

“Ikaw ang buhay ko, Andrea...”

Napatayo ako sa na-alala ko. Oh my god Andrea! Isang buwan na ang nakakalipas pero hindi mo pa rin siya nakakalimutan! Ay grabe, grabe mahal ko pa rin siya, grabe, grabe! Napa upo ako sa kama. Sana pala nagka amnesia na lang ako nung na aksidente ako 'no? Para nalimutan ko siya.

Flashback

“Ian salamat sa pagdala sa akin sa hospital. Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan.”

“You don't need to do something. Basta magpahinga ka lang diyan. Paparating na rin ang mga magulang mo.” umupo si Ian sa tabi ng kama ko dito sa Hospital. Sabi ni Ian ay na coma ako for two days at ngayon lang ako nagising.

“A-ah Ian.”

“Yes?” tanong niya. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

“P-pede bang huwag niyo 'tong sabihin kay B-breydon?”

“Why?” tanong niya. Napatingin ako sa kawalan.

“Ayokong malaman niya na, na aksidente ako. Aalis na din naman kami.”

“What? Aalis kayo?”

“Oo. Pupunta kami sa Korea para doon mag celebrate ng pasko at new year. Hindi ko na siya makikita.” bulong ko. Nagsimulang magtubig ang mata ko.

“Please Ian?” tumingin ako sa kanya.

“O-ok, ok.” sagot niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

Makaka move on din ako sayo Breydon.

End of Flashback

Mkaka move on daw. Tsk, isang buwan na ang nakakalipas di pa rin ako maka move on. Ayos! Hmp!

Tumayo na ako sa kama at nagpalit ng jogging pants at long sleeve na makapal. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin. Muhahaha, mukha akong Kpop muhahaha! May few bangs na kasi ako hahaha. Hindi full ah mukha naman akong bata nun hahaha. So ayun, pag check ko sa sarili ko ay bumaba na ako para kumain.

———

“Mamsie, Papsie saan pala tayo mag pa-pasko saka new year?” tanong ko habang nakain kami. Lunch na din kasi.

“At, gusto ko sa Lotte World.”

“Huh? Saan 'yun?” tanong ko. Saan naman 'yung Lotte World na sinasabi nito?

“Sa 240 Olympic-ro, Jamsil 3-dong, Songpa-gu.”

Humarap ako kay Papsie, “Papsie san 'yun?” tanong ko sa sinabing place ni Papsie.

“Ah alam ko kung saan 'yun Andrea, medyo malayo nga lang pero gusto niyo ba dun?” tanong ni Papsie.

“Yes Papsie!” sagot ni Allen. Oh sige dun na lang hehehe.

“Anak gusto mo bang pumunta sa N Seoul Tower?”

Waaaaaaah! N Seoul Tower?!

“Oo Mamsie! Gusto ko dun! Diba para sa lovers yun Mamsie? Punta kayo ni Papsie!” sabi ko. Waaah! Pangarap ko ding makapunta dun eh! Sabi ko gusto kong pumunta dun kasama ang magiging b-boyfriend ko. Hayyys!

“Pinag isipan ko na 'yan anak. Bukas pupunta tayo doon dahil Christmas Eve na rin bukas.” ganun kabilis? Grabe malapit na pala ang pasko!

“At sa pasko Lotte World!” excited na sabi ni Allen. Napangiti naman ako.

Mukhang magiging masaya 'to ah!

•••

A/N: I want to go to Korea, waaaah! >///////<

Young BossWhere stories live. Discover now