Nineteen || Kontrabida's

230 9 0
                                    


•19•

Andrea's POV


Para akong tanga habang naglalakad sa hallway ng labas ng building habang hawak ang bag ko.

“Hmm~” nag hum pa ako ng kanta dahil pag gising ko kaninang umaga ay ang ganda talaga ng feeling ko! Bukod kasi sa nangyari kaga—ayieeeee enebe hehehe. Yung nangyari ka—ayieeee kinikilig talaga ako eh! Basta oo yung nangyari kagabi!

“Good morning kuyang janitor!” binati ko pa yung janitor na naglilinis ng napaka kintab na sahig dito.

Napatigil naman ito sa paglilinis at napatingin sa akin. Ngumiti ito at nag ok sign bago nagpatuloy sa ginagawa niya. Naglakad ulit ako at wala na atang makakasira ng magandang—

Binabawi ko na!

Yung tipong panira 'yung nakikita ko ngayon? 'Yung may isang lalaki at babae na nag uusap ng sobrang saya? Ayos eh 'no.

Nakikita ko lang naman ang 'Boss' at si Haley na masayang nagkukwentuhan.

“Uy girl! Ang gwapo talaga ng Boss! Kyaaaaa!”

“Oo nga! Swerte siguro ng magiging girlfriend niya!”

Hmm swerte nga. Teka! Nanliligaw ba siya?

“Kita mo yun girl? Si Haley from Master Dep yun diba? Sila kaya?! Kyaaaa noooo!”

“No! Aniyo! Hindi naman siguro sila couple! Magkaibigan lang sila 'no!”

'Sana nga.'

Naglakad na lang ako papunta sa coffee shop at nilampasan ang mga babae na nagdadaldalan at yung boss at si Haley. Baka naman nag uusap lang right? Right?

“One cappuccino and one slice of buko cake p—”

“One espresso please.” napatingin ako sa bastos na lalaking nag interrupt ng sinasabi ko at kilala ko 'to!

“Ian?!” tanong ko, ngumiti naman siya. Ow anong ginagawa niya dito?

“Hello Andrea. Hmm you're work here?” tanong niya. Napatingin ako sa likod niya kung andun si Aira pero wala naman. Imbis ay napatingin ako sa mga employees na nakatingin sa kanya at pinagbubulungan siya. Why not? He's attractive.

“Uhm oo. San si Aira?” tanong ko.

“Uh I don't know. Maaga siyang umalis.” sabi niya napatango naman ako.

“Ma'am, Sir what's your order again?” napatingin kami sa babae na naghihintay ng order namin. Natawa naman kami ni Ian at nag order na.

Pagtapos namin mag order ay humanap kami ng pwesto at ang napili niya—oo niya kasi siya ang pumili, ay yung malapit sa may pader na salamin. Ibig sabihin kita kami sa labas.

“Ikaw? Wala ka bang trabaho?” tanong ko habang nakain ng cake.

“Hmm wala. Ayoko pang mag trabaho, tch. Nandyan lang naman trabaho Andrea, mag e-enjoy muna ako. And one more thing, I'm a fresh graduate from America. So, masyado pa akong bata para magtrabaho.” nabilaunan naman ako sa sinabi niya kaya naghanap agad ako ng tubig! Wah!

“Here!” abot niya sa akin ng tubig. Agad na ininom ko naman ito.

“W-whooo! Galing ka sa America? Wow!” namamangha kong sabi. Natawa naman siya.

“Yeah. How about you? I'm sure you're a fresh graduate too pero ba't ang aga mo mag trabaho?” tanong niya kaya ngumiti ako malungkot.

“Kasi kailangan ko, kailangan ng papsie ko.” sabi ko.

Young BossWhere stories live. Discover now