Forty One || Sacrifice

153 5 0
                                    

•41•

Andrea's POV

“T-teka san na 'to?” napatingin ako sa bintana ng sasakyan. Madilim na dahil gabi na at puro puno na lang at poste ang nakikita ko.

“Relax, Andrea.” sabi niya sa akin. Kanina pa kami nag ba-byahe pero wala pa rin kami sa pupuntahan namin. Napatingin ako sa relo ko, 9:13 PM na. Mahigit dalwang oras na akong nasa kotche niya. Oh gosh, hindi pa nga ako natawag kay Mamsie eh. Baka nag aalala na yun. Pero tinext ko na siya na may pupuntahan lang ako.

=_________________=

Akala ko mabilis lang 'to, matagal pala. Pero—pag naiisip ko na makikita ko si Breydon, napapangiti ako. God! Makikita ko na siya, miss na miss ko na siya.

“Ano bang pangalan mo?” tanong ko sa kanya. Hindi ko pa pala alam ang pangalan niya.

“Nyx.” maikling sagot niya. Nyx? Parang narinig ko na yan ah! Tapos— napatingin ako sa mukha niya.

“Ah! Ikaw yun!” turo ko sa kanya. Tama! Siya yung nasa bar! Yung lumabas nung kausap ko si Breydon. Siya yun diba? Divaah?

“Alin?” natatawang tanong niya. “'Yung sa bar! Ikaw yung lumabas nung kausap ko si Breydon, diba?” tanong ko sa kanya. Napa isip naman siya at maya maya ay napatango.

“Ah, yeah. That's me.” sabi niya.

“Uhm.” sabi ko, nakakahiya man pero magtatanong na talaga ako. “N-nasaan si Breydon?” tanong ko sa kanya.

“He's here.” naguluhan ako sa sinabi niya at nanlaki ang mata ko ng pumasok siya sa malaking gate. Pagpasok doon ay nag drive muna siya papunta sa iisang bahay na nandito. Bigla niyang tinigil ang sasakyan.

“Nasan tayo?” tanong ko ulit sa kanya.

“Laguna.” sagot niya at nanlaki naman ang mata ko. “L-laguna?” gosh! Ang layo na pala namin! Nasa Laguna na kami!

“San Pablo Laguna, to be exact.” sagot niya ulit. Nanlaki naman ulit ang mata ko! Hindi pa ako nakakapunta dito! Bumaba siya sa kotche at pinagbuksan ako.

“This is our private house in Laguna. Let's go?” tumango ako sa kanya at sumunod ng magsimula siyang maglakad patungo sa malaking pinto ng bahay.

“Naaksidente si Breydon.” napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko iyon.

“A-ano?” tama ba ang rinig ko? N-naaksidente si Breydon?

“A-asan siya?! A-ayos lang ba siya?!” bigla ay hindi ako napakale!

“Calm down, calm down.” pagpapakalma niya sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko. “He's fine now.” naka hinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

“A-anong nangyari? Bakit siya na-aksidente? A-ayos na ba talaga siya? B-bakit siya nandito?” sunod sunod na tanong ko.

“I think it's better kung siya ang magsasabi sa'yo.” hinawakan niya ang braso ko at hinila ng marahan papunta sa hagdanan. Umakyat kami ng hagdan at naglakad patungo isang floor. Akala ko ay yun na ang room pero dumeretso kami sa pinaka dulo na room. Malaki, malawak ang bahay na ito.

“He's always here. Gabi gabi ay nandito siya, kung hindi umiinom ay nag gigitara habang—naiyak.” parang tinusok ang dibdib ko sa sinabi niya.

S-sinaktan ko siya. S-sorry Breydon, sorry.

“Isang araw uminom siya ng —he's crying at panay ang tawag niya sa pangalan mo. So, I do something to lessen his pain. Hinanap kita.” napangiti ako sa sinabi niya.

“Thank you, Nyx.” sinsero kong sabi.

“It's my pleasure. Hindi ko kayang nakikita siyang ganyan.” sabi niya tapos binuksan niya ang pinto. Pinapasok niya ako at nginitian bago isara ang pinto.

Pagkaharap ko sa buong kwarto ay nahigit ko ang hininga ko. Nakita ko siya. Naka upo sa upuan, sa harap ng parang veranda at may hawak na gitara nakatalikod siya sa akin.

“Naalala ko pa...
Nung pinapangarap pa lamang kita...”

Nagsimulang mag tubig ang mata ko. B-breydon.

“Dadalaw tuwing gabi...
Masilayan lamang ang iyong mga ngiti...”

Nagsimula akong maglakad ng dahan dahan palapit sa kanya...

“At ika'y sasabihan...
Bukas ng alas syete sa dating tagpuan...
Buo ang araw ko...
Marinig ko lang ang mga himig mo...”

Naglakad lang ako habang pinipigilan sa paglatak ang luha ko.

“H-hindi ko m-man alam kung n-nasaan ka...
W-wala man tayong k-kumunikasyon...
M-maghihintay sayo b-buong magdamag...
D-dahil ikaw ang buhay k-ko...”

Nagulat ako ng mag crack ang boses niya sa pagkanta.

Oh god, he's crying.

“K-kung inaakala mo...
N-na ang p-pag ibig ko'y m-magbabago...
I-itaga mo sa bato..
D-dumaan man ang maraming pasko...”

Malapit na ako sa kanya at rinig na rinig ko na ang boses niya na naiyak.

“K-kahit pa di mo na abot ang sahig...
K-kahit pa di mo na ako maririnig...
I-ikaw pa rin,
A-ang buhay ko...”

Hindi ko na napigilan. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa likuran.

“B-breydon, a-andito na ako. A-andito na ang buhay mo.” bulong ko habang hindi na mapigilan ang pag patak ng luha ko. Naramdaman ko naman na natigilan siya. Binaba niya ang gitara at humarap sa akin.

“A-andrea... I-is that you? B-buko?” tanong niya sa akin. Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya.

“O-oo ako 'to. A-ako si B-buko, a-andito na ako.” bulong ko habanh naiyak. Nakita ko naman ang pagpatak ng luha sa mata niya. Ghad! I miss him! Na miss ko ang mukha niya!

“B-buko!” niyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko din siya.

“I-I'm s-sorry, I'm sorry...” bulong niya sa akin.

“Sssshhh.” bulong ko sa kanya.

“A-ako dapat ang m-mag sorry. H-hindi kita pinagpaliwanag. I-I'm sorry Breydon.” sabi ko sa kanya. Ramdam kong hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.

“I-I m-miss you s-so much.” bulong niya at napa ngiti naman ako. “M-miss na miss din kita.” bulong ko at niyakap siya ng mahigpit.

“A-andrea.” bumitaw siya sa yakap at hinawakan ang dalwang pisngi ko. Nilagay niya ang noo niya sa noo ko.

“Mahal na mahal kita.” napangiti ako dahil sa sinabi niya. Parang musika sa aking tenga ang sinabi niya.

“Mas mahal kita Breydon.” naka ngiti kong sabi. Ngumiti din siya at nilapit ang mukha niya sa akin.

W-wait—

He kiss me.

Hinalikan niya ako ng malalim at ramdam na ramdam ko ang pangungulila niya sa akin. Hinapit ko ang ulo niya palapit sa akin at hinalikan din siya pabalik.

I smiled beneath our kiss.

Breydon...

I will fight for you...
















I will sacrifice.

Young BossWhere stories live. Discover now