Three || Boss

393 17 0
                                    

•03•

Andrea's POV

“Nakita mo ba yung bagong boss natin? Kyaaaaa! Ang gwapo niya!”

“Oo nga! Anak daw siya ng CEO, waaaaah! Mukhang binata pa!”

“Dumaan siya kanina dito kaya nakita ko siya! Kyaaaaa! Sana wala pa siyang girlfriend!”

“Uy!”

“Ay! Mia naman!”

“Hahaha!” inis na tinignan ko si Mia. Nakakarami ng gulat sila pareho ni Charlie sa akin ah.

“Ang tsismosa mo kasi, hahaha. Ano? Narinig mo, may bagong boss daw tayo! Kyaaaaa!” kinikilig na sabi niya. Eh? Ako pa tsismosa? Eh siya nga ang may alam eh.

“Aba'y malay ko diyan.” sabi ko. Andito kami sa harap ng elevator at nag iintay.

“Saan nga pala si Charlie?” tanong ko sa kanya at tinuro niya naman yung coffee shop.

“I said Charlie to treat us some coffee and there hahaha.” mabuti naman. Inaantok kasi ako, god! Wala pa ata akong tulog! Si Allen kasi nagpagawa pa ng assignments!

“Uy! Tulala ka na naman! Anong meron diyan?” turo niya sa shop dahil doon ako napatulala. Namula naman ako ng may maalala.

Gosh! Yung kahapon!

“W-wala inaantok lang ako.” pagsisinuwaling ko.

“Here's the coffee!” dumating si Charlie na may dalang dalwang Espresso at—waaah! Cappuccino!

“Pedeng akin na lang yung Cappuccino?” nagniningning na matang tanong ko.

“Hahaha, just what I thought. Tama ang hula ko, gusto mo 'to.” binigay sa akin ni Charlie yung kape.

“Paano mo nalaman?” takang tanong ko sa kanya. Sinimulan kong inumin yung kape. Hmm! Sarap!

“Wala lang hehe.” natawa na lang kami sa kanya at pumasok na sa elevator. Maraming tao kaya pahirapan kami sa pagsakay.

*ting!*

Bumaba na kami sa elevator at saktong 9:00 na ng makadating kami.

“Good morning employees!” masiglang bati ni Ma'am Era.

“Good morning ma'am!” sagot namin. Nagderetso ako sa cubicle ko, as usual malayo at saka nilagay ang gamit ko sa mesa.

“I wish naka-kain kayo ng maayos! Now, ang task niyo ay gumawa ng imaginary fiction na magpapakilala sa company natin.” napatigil ako sa paghigop ng kape. Imaginary fiction?

“You need to draw and print a picture na magugustuhan ng mga tao including our company!”

Paano naman yun?

“Don't worry guys. Pag napasa niyo na ang print ngayon ay igug-group ko kayo into 3 groups para pagsasamahin ang ideas niyo and you're going to report it to me.” ahh, ganun pala yun.

“Wait ma'am! Ano po bang meaning ng P'thy?” takang tanong ng isang employee dito. Sus, dito nagtatrabaho tapos di alam ang P'thy? Ano nga ba yun? Hehe.

“It's Photography. Tungkol iyon sa Pictures, and Drawings.” napatango naman kami sa sinabi ni Ma'am.

“Ok! Start working now!” umupo na si Ma'am kaya bumalik na ako sa pwesto ko. Inubos ko na yung kape at nag simula ng gumawa ng drawing.

Young BossWhere stories live. Discover now