Ten || Save Me

299 11 0
                                    


•10•

Andrea's POV

“Saan ka galing kanina Andrea? Akala ko ba susunod ka sa amin?”

“Sorry guys ah. N-naligaw ako hehe.”

“Naligaw? Are you kidding me Andrea? Sa harap lang ang Kuya J's 'no.”

“Ah hehe.” napa iwas na lang ako ng tingin dahil sa sinabi ni Mia. Ano ba ang sasabihin ko?

Buti na nga lang kay Ma'am Era naka iwas ako eh, draabeeehh!

“Ang pagkaka-alam ko Ms Zheon, 1:00 pm ang break time natin.” napatungo lang ako sa harap ni Ma'am Era.

Yan na nga ba sabi ko eh! Si Breydon kasi—oops! Si Boss kasi eh!

“I-ito po, pakinggan niyo.” nahihiyang kinuha ko ang phone ko at pinunta sa records. Pinakinig ko kay Ma'am ang pina record pa ni Breydon. Oo! Sabi niya pag pinagalitan ako, iparinig ko lang daw to. Tss, may utak.

“Hey Ma'am Era, I know you can recognize my voice. I had lunch with Ms Zheon. Sorry if she's late.” binaba ko na ang phone ko at tinago na. Tinignan ko si Ma'am Era.

“You're with B-boss?” tanong nito. Napatango naman ako.

“O-ok. Go back to your work.” napa ngiti ako at bumalik na agad sa cubicle ko. Aba nga naman! Ayos ayos din si Boss ah!

“Hoy! Andrea baba na.” agad na napatingin ako at kay Mia. Naka baba na pala sila sa elevator at ako na lang ang wala.

“A-ah hehe.” bumaba agad ako dahil doon.

“Suspecting...” bulong ni Charlie at napa ngiwi naman ako.

“Ayy! Tara sa coffee shop! Gusto ko buko cake hehe.” pag iwas ko at tumakbo agad sa shop. Uwian time na namin, at nag crave ako sa buko grabe!

“A-a-ayyy!”

Oh my gosh! Save me lord!

Hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari, basta napapikit na lang ako at ang alam ko nadulas ako sa sahig ng mirrored at—













Nagmulat ako ng tingin dahil naramdaman kong may naka yakap at sumambot sa akin.

“B-boss.”

“Are you ok?” ang lapit ng mukha ni Breydon sa akin and I think 2 inch na lang ang layo ng mukha niya sa akin kahit hininga niya na amoy ko na. Napatitig ako sa mga mata niya.

“Andrea!” napatayo ako bigla ng marinig ang sigaw mi Mia at napa ayos ng damit ko.

“Ayos ka lang?” tanong ni Charlie napatango ako. Tumingin ako kay Boss.

Nakita kong seryoso siyang naka tingin sa akin. “T-thank you b-boss.” sabi ko at agad na naglakad palabas ng building.

Pinagtitinginan kaya kami! At ayoko nun, baka magka issue pa kami ng boss.

“Andrea!” nung nasa labas na ako ay napalingon ako kila Mia at Charlie na naka sunod sa akin.

“Aalis ka na ba agad? Diba kakain ka pa ng buko cake.” sabi ni Mia. Napangiti naman ako sa kanila.

“Hmm tara na lang sa ibang shop, hehe.” tumango naman sila kaya umalis na kami doon sakay ng taxi.

———

Young BossWhere stories live. Discover now