Nine || Lunch with him

321 12 0
                                    


•09•


Andrea's POV


“Teka! Bakit tayo nandito?” tanong ko habang napatigil pa sa paglalakad.

“Why? We're going to eat right?” tingin niya sa akin na napatigil din sa paglalakad.

“Oo nga. Pede naman sa harap na lang ng building niyo divah?” sabi ko.

“No. I'm not comfortable with the food.” dumeretso na siya sa paglalakad pero napatigil din ng makitang hindi ako naglalakad.

“Hey. Tara na!” hinila niya na lang ang braso ko papunta sa kotche niya.

“W-wait!” wala na. Nahila niya na ako sa kotche niya.

Weh? Nagpahila ka kaya!

Enebe! Eh! Stop it nga!

So ngayon nasa kotche niya ako at hindi ko alam kung saan dako paroon kami papunta.

“Oy! 30 minutes na lang ang meron! Baka naman malate ako 'nan.” paalala ko sa kanya pero ngumiti lang siya. Okie, ang gwapo.

“Just tell them that you're with me.” sabi niya pero napangiwi ako.

“Ayoko nga.” iwas ko ng tingin at tumingin na lang sa mga nadadaanan namin.

Ayokong magka issue with the boss. Maraming tsismisan ang mangyayari diyan, hmmp!

“Matagal pa ba?” tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at napa tingin ulit sa unahan.

“Just wait, malapit na.” sagot niya. Napatingin naman ako sa kanya.

Bakit kaya may sobrang gwapo sa mundo ano? Akala ko sa imagination lang meron nan. Even though meron talagang gwapo, yun lang mapapansin ka ba?

“Don't gave me such stare. Kinikilig ako.” nanlaki ang mata ko ng sabihin niya yun at napa iwas ng tingin!

W-what the hell?

“Kinikilig?” mahinang tanong ko pero narinig niya yun.

“Yeah.” sagot niya at napa-nganga ako!

Kinikilig? Ang boss?!

Saka lalaki pa siya!

“Nagbibiro ka ba Breydon?”

“Ah. So nice to hear my name from you. Please repeat, please..” napa angat ang kilay ko sa inaasta niya ngayon. Parang hindi boss!

“A-ayoko nga.” pagmamatigas ko.

Omo!

Nagulat ako ng itigil niya ang kotche at tumingin sa akin ng naka ngisi.

“Repeat it...” unti unting lumalapit ang mukha niya kaya napa sandal ako sa headboard nitong kotche.

“H-hoy! H-huwag kang lumapit!” pigil ko sa kanya na hinarang pa ang kamay ko. Pero hindi siya nagpatinag dahil hinawakan niya ang dalwang kamay ko at binaba sabay lapit ulit!

Homygaaaad!

Anong ginagawa niyaaaaa!!

“Andrea...” tumaas ang balahibo ko ng tawagin niya ang pangalan ko!  Unti unti nang lumalaput ang mukha niya kaya napapikit ako pero—

*click!*

Napatingin ako sa tabi ko ng bumukas yung pinto ng kotche. “We're here.” ngumisi ulit siya at bumaba na sa kotche.

Young BossWhere stories live. Discover now