Thirty Seven || Break Up

170 6 0
                                    

•37•

Andrea's POV

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang kaya ko. Hindi ko na mapahid ang mga luhang tumutulo. Hindi ko na nga alam kung nasaan ako.

Ahhhhh!

Gusto kong sumigaw! Masakit pala! Masakit na yung taong mahal mo sasaktan ka! Sh*t! Ganto pala kasakit yun! Tama nga sila. Tama nga yung mga humuhugot na masakit palang masaktan! Aaaaaaahhhh!

Napa upo ako sa sahig at napahagulgol. Tinakpan ko ang mukha ko at doon hindi ko na napigilan ang luha ko.

Kahit gusto ko maging malakas, hindi ko na kaya.

Hindi ko na napansin yung mga taong naglalakad sa gilid ko. Nasa isang field pala ako. Hindi ko na napansin na nandito ako.

“Andrea!”

Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang boses na yun. Pesteng puso 'to oh! Ikaw kasi! Tumibok ang puso mo sa kanya! Ngayon nasasaktan ka!

“A-andrea.” hindi ko napansin ang paglapit niya. Naka tungo ako habang tumutulo ang luha ko.

“A-andrea... S-sorry.” bulong niya sa akin. Umupo ito para makita ang mukha ko pero lumayo ako sa kanya.

“H-huwag mo kong l-lapitan.” kahit hirap ay nasabi ko sa kanya. Lumayo ako at tumayo.

“B-buko I'm sorry, I'm really  really sorry.” sinubukan niya ulit lumapit pero lumayo ulit ako.

“B-bakit hindi mo sinabi?” tanong ko sa kanya. Naka tungo ako dahil ayokong makita ang mukha niya. Masasaktan lang ako.

“B-bakit di mo sinabi sa akin na may fiancé ka? O-ok lang naman sa akin eh. P-pero sana h-hindi mo ko s-sinaktan, sana hindi mo tinago sa akin 'yung t-totoo.” nagsimula ulit mag tubig ang mga mata ko.

“H-hindi ko siya fiancé. S-sila ni Dad ang may gusto nun, sila ang may gusto na magpakasal ako. I don't f*cking want a fiancé!” sabi niya.

“H-huwag ka na magsinuwaling pede ba?” inis na sabi ko sa kanya.

“I'm not lying Buko! Hindi ko gusto ang magpakasal! Hindi ko gusto lahat ng gusto nila para sa akin!”

“Breydon pwede ba?! Wag ka ng magkunwari na ayaw mo ang lahat dahil sinabi na ni Haley lahat sa akin! Pinlano mo lang na paibigin ako at saktan ako! Para saan Breydon? Para saan!” hindi ko na napigilan at na isigaw ko na yan sa kanya. Oo! Sabi ni Haley na plano niya lang na saktan ako!

“W-what? That's not true! Hindi kita planong saktan! Mahal kita Andrea! Hindi kita kayang saktan!”

“Tama na! Wag mo na akong lokohin ulit! Sabihin mo lang sa akin kung bakit mo ko sinasaktan ng ganito? M-may nagawa ba ako sa iyo ha? Ha?!” bumuhos ulit ang mga luha na kanina ko pang pinipigilan. Gusto ko makita niyang malakas ako, kaso hindi ko kaya. He's my strength but—he's also my weakness.

“H-hindi kita planong saktan. Paniwalaan mo naman ako.” tila nagising ang diwa ko ng marinig ko ang boses niyang yun. U-umiiyak ba siya? Hindi ko na napigilan at tumingin ako sa mga mata niya.

He's crying.

Kasabay ng luha niya ang pag patak ng ulan. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag alisan ng mga tao.

“M-mahal na mahal kita Andrea. I love you that much that's why I can't wait another time to see you. I love you that much that's why I can't help myself from saying your name. I love you that much that's why I can't erase your face on my mind. I love you that much that's why I can't bare to see you crying. And—” tumingin siya sa mga mata ko, “Mahal na mahal kita kaya hindi ko kayang makita na nasasaktan ka dahil sa akin.”

Sabay sabay na tumulo ang luha ko tulad ng ulan.

“B-but you hurt me.” bulong ko habang naiyak.

“I'm sorry. Kahit hindi ko gusto I'm s-sorry.” sinubukan niyang lumapit pero lumayo ako.

“Please Andrea, it's raining. Ayokong magka sakit ka.” I laughed sarcastically.

“Baka magkasakit ako? Ano bang pakelam mo sa akin Breydon? Tama na! Wag mo na akong bigyan ng rason para maloko mo ulit!” tumalikod na ako at handa na sanang tumakbo hilahin niya ako at yakapin ako sa likod.

N-no Breydon...

“B-buko... My Buko... Please, don't hurt me like this... Ikaw na lang ang meron ako. Ayokong mawala ka.”

“M-may pamilya ka Breydon. Wag mo ibase sa akin ang lahat.” pinipilit ko maging bato ayoko ng manghina dahil sa kanya.

“P-pero ikaw lang ang totoo. Buko, d-dahil sayo kaya ako gumigising araw araw ng may ngiti sa labi. Kapag nawala ka, ano ng silbe ng buhay ko? A-andrea please...” pinikit ko ang mata ko at pinipilit magpakatatatag.

“Kaya mo ng wala ako Breydon.”

“N-no... No.” nilagay niya ang mukha niya sa balikat ko at doon umiyak.

“Breydon, bitaw.”

“N-no...”

“Bitaw!” hindi pa rin siya bumibitaw kaya napilitan akong tanggalin ang kamay niya. Pero nung mahawakan ko ang kamay niya ay hinawakan niya rin ang kamay ko.

“N-no. Hindi kita bibitawan.”

Kailangan mo Breydon.

“Wag mo na kong pahirapan Breydon! Bitaw na!” inis na sigaw ko sa kanya.

Ginawa ko ang lahat para bumitaw siya pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa—

Pinaharap niya ako at hinalikan ang labi ko.

“Hmmmmp!” pinipilit kong alisin ang bibig niya pero hinawakan niya ang mukha ko at hinahalikan ako.

“Hmmmp—Breydon ano—ba!” tinulak ko siya kaya napalayo siya sa akin.

“Wag na wag mo na akong guguluhin pa! Please lang mawala ka na sa buhay ko!” tumalikod na agad ako at tumakbo palayo.

Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.

I love you Breydon,























I'm sorry.

Young BossWhere stories live. Discover now