Twenty Eight || 143

174 6 0
                                    

•28•

Andrea's POV

[Anak huwag mo ng alalahanin ang 10 thousand para sa opera ng Papsie mo. Nagawan ko na ng paraan 'yun.]

[Anak?]

[Andrea?]

[Andrea!]

“O-oh m-mamsie? Ano po 'y-yun?” nabalik ako sa ulirat ng magsalita si Mamsie sa phone ko.

[Siguro pagod na pagod ka na anak. Oh siya matulog ka na diyan, bukas ka na bumisita sa Papsie mo.]

“A-ah hindi na mamsie. Pupunta po ako diy—”

[Hindi. Diyan ka na muna, bukas ka na pumunta dito. Ayos lang naman ang Papsie mo.]

“A-ah sige po.” walang magawang sabi ko. Nasa bahay namin ako dahil may mga gagawin ako para sa trabaho ko. Pero sa hospital pa dapat ako matutulog kaso parang ayaw na akong makasama ni Mamsie—joke lang hehe.

[Sige na kumain ka diyan at magpahinga ha. Goodnight na.]

“Goodnight po, goodnight din kay Papsie at Allen. Muah!” binaba ko na ang tawag at binaba ang phone ko.

Biglang tumahimik ang paligid ko at dahil doon ay naalala ko na naman ang nangyari kanina.

Kasama niya si Haley. At hindi niya man lang sinabi sa akin. Hayys bakit nga ba? Dati naman mag te-text siya kapag may gagawin siya eh, o kapag may kasama siya.

*dingdong!*

Napalingon ako sa pinto ng may mag dingdong doon. Lumapit ako sa pinto at binuksan yun. Nakita kong may nakatayo sa labas ng gate namin.

Breydon.

Nagsimulang kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Oh ayan ka na naman puso, tumitibok ka na naman sa kanya. Pinigilan ko ang emosyon ko at umaktong nagulat. “O-oh! Breydon? Anong ginagawa mo dito?” nagsimula akong lumapit sa gate.

Nang makalapit ako ay binuksan ko ito at nakita ko ng malapitan ang itsura niya. Seryoso. Yan ang itsura niya.

“B-breydon?” tanong ko dito. Hindi naman to nagsalita.

“B-breydon uy? Bakit ka nandito?” tanong ko ulit. Nagulat ako ng hilahin niya ako at yakapin.

“Huwag kang umarte na parang walang nangyari.” seryosong sabi niya. Nanghina naman ako. Ano bang gagawin ko? Ano bang dapat?

“A-alin? Oh. N-nakita kita with Haley. A-ano naman? A-anong pake ko dun?” sabi ko. Umalis siya sa pagkaka-yakap sa akin.

“You're jealous and I'm jealous too.” seryoso niyang sabi.

“O-oh tapos?” tanong ko. Ano naman kung nag selos ako? At saka—nagselos siya? Kanino? Ah! Kay Ian.

“Stop this Andrea! Tell me your feelings, tell me your feelings for me. I need clarification.” medyo pasigaw na sabi niya.

A-ano?

“A-ano bang sasabihin ko ha Breydon? Ano?!” tanong ko sa kanya. Kailangan ko muna malaman kung mahal niya din ako! Ayokong masaktan!

“Sabihin mo na mahal mo ko Andrea!” sigaw niya at napatigil naman ako.

“M-mahal? Eh hindi ko nga alam kung mahal mo ko eh! Mahal mo ba ako o pinaglalaruan mo lang ako!” sigaw ko sa kanya. Tama na ang biruan, gusto ko na ng katotohanan!

“Andrea f*ck!” napahilamos siya sa buhok niya. “Hindi kita pinaglalaruan! Alam mo naman na may nararamdaman ako sa'yo diba?”

“Oo alam ko Breydon! Pero hindi kasi pedeng alam ko lang! Kailangan kong marinig 'yung nararamdaman mo! Kailangan—”

Young BossWhere stories live. Discover now