Twenty Five || Hospital

210 11 0
                                    

•25•

Andrea's POV

“Papsie isa pa, ahhh.”

“Busog na ako anak.”

“Isa na lang Papsie, ahhh.” natatawa namang ngumanga si Papsie kaya sinubo ko na ang kanin at ulam na nasa kutsara.

“Baka naman paglabas ni Papsie dito ate mataba na siya.” sabi sa akin ni Allen habang gumagawa siya ng assignments niya. Lahat kami nasa hospital para bantayan si Papsie. Allen doing his assignment while Mamsie is looking on us and me feeding Papsie.

“At least malusog.” sabi ko at kinuha ang tubig para painumin si Papsie.

“Andrea ikaw ba nakakain ka na?” tanong ni Mamsie at tumango naman ako. Galing ako sa trabaho dahil kaka-awas lang namin.

“Papsie ano busog ka na po?” tanong ko kay Papsie at ngumiti naman ito. “Syempre naman anak.” sabi nito at napa ngiti naman ako.

“Mamsie CR lang ako.” tumayo ako sa kama ni Papsie at nag deretso sa pinto.

“Wait ate!” pigil ni Allen kaya tumingin ako sa kanya. “Oh?” tanong ko. Problema nito?

“Darating ba si Kuya Boss dito?” nanlaki naman ang mata ko ng tanungin ni Allen yun! Anong kuya boss? Bakit pupunta dito yun?

“A-anong sinasabi mo diyan? Mag aral ka nga!” binuksan ko na ang pinto at agad na sinara yun! Anong sinasabi nun! Baka naman narinig yun ni Papsie! Ghad!

Inalis ko na yun sa isip ko at nag deretso sa CR. Pagpasok ko doon ay ginawa ko na ang gagawin ko at paglabas ko ay may naka-bangga ako.

“Sorry!” agad na paghingi ko ng sorry. “It's ok mi—Andrea?” napatingin ako ng tawagin niya ang pangalan ko.

“Oh Ian!” tawag ko sa pangalan niya. Oh si Ian! Ian Lionel!

“Andrea. What is your doing here?” tanong niya.

“Ah binabantayan ko lang ang Papsie ko. Ikaw?” tanong ko sa kanya.

“Same here.” sabi niya. “Papa mo din?”

“Yeah. Ate Aira is also here.” sabi niya at natuwa naman ako! Andito si Aira?

“Nasaan siya?” excited na tanong ko at tinuro niya naman yung kwarto—na kasunod lang kung amin!

“Daebak! Magkasunod lang ang kwarto.” namamangha kong sabi.

“Really?” naka ngiti niya ding tanong at tumango naman ako.

“Do you want to see ate?” tanong niya at tumango naman ako. Pumunta kami sa room ng Papa niya, kaso may lumabas na doon.

“Aira!” tawag ko ng makita ko ito. Nakita kong galing sa pag iyak ang itsura niya!

“A-andrea?” tawag niya at naka ngiti na tumango naman ako.

“Andrea!” nagulat ako ng yumakap ito sa akin!

“Ah iwan ko muna kayo.” pumasok si Ian kung saan lumabas si Aira. Tinignan ko naman si Aira na nakayakap sa akin.

“Ok ka lang?” tanong ko sa kanya. Umalis siya sa pagkakayakap at hinila ang kamay ko.
“Let's talk outside.” sabi niya at nagpahila na lang ako.

“Ayos ka lang ba?” nang maka upo kami sa bench na malapit sa Hospital ay tinanong ko agad siya. She nodded her head pero namamasa ang mata niya.

“My D-dad, may cancer siya.” nagsimula ulit tumulo ang luha niya kaya niyakap ko agad ito.

Hindi ko alam kung paano mag comfort kaya niyakap ko na lang siya.

“I-I think m-mas lumala ang s-sakit niya dahil s-sa akin.” mas lalo siyang umiyak ng sabihin niya yun.

“B-because of me lumala ang sakit niya. K-kung sinunod ko lang sana a-ang gusto niya.” sabi niya habang naiyak. I carries her back para gumaan ang pakiramdam niya.

“Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring masama kay Dad.”

“Ok lang yan. Hindi naman siguro dahil sayo kaya lumala ang sakit ng Dad mo.” sagot ko.

“N-no, I think it's because of me. D-dad want me to manage his company a-and—I complained.” patuloy lang ako sa pakikinig sa kanya.

“Kaya pumasok ako sa ibang company para malaman ni Dad na ayoko ng trabaho na gusto niya para sa akin. I want to be a employee, I don't want to be a Boss.”

“Siguro para sa ikabubuti mo rin yung gusto ng Dad mo.” sabi ko sa kanya. Kaya pala sa P'thy Company siya nag trabaho.

“D-dad.” bulong niya at napa iyak pa. Huwaaaa! Pano ba mag comfort? Waaah!

“Ate.” nagulat kami ng biglang sumulpot si Ian. Bumitaw sa pagkaka yakap si Aira.

“Mom wants to talk to us.” sabi niya sa seryosong tono. Tumango naman si Aira at pinahid ang luha niya.

“W-we have to go, bye Andrea.” niyakap ulit ako ni Aira at yumakap din ako. “Happy lang!” pang cheer ko sa kanya at ngumiti naman ito. Tumayo na siya at lumapit kay Ian.

“Bye Andrea.” naka ngiting sabi ni Ian at ngumiti din ako. “Ingat kayo.” sabi ko sa kanila at tumalikod na sila bago naglakad palayo.

Napahinga naman ako ng malalim at umupo sa bench. Hayys, ang dami talagang problema sa mundo noh? Grabe lang.

“Andrea!”

“Aydiyosko!” napahawak ako sa puso ko ng may tumunghay na mukha sa may gilid ng mukha ko!

“Breydon!” inis na hinampas ko ito at natawa naman ito. Umalis siya sa likod ko at umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa itsura niya at—nakapangbahay?!

Naka black shirt at board short lang ito pero naka rubber shoes. Bakit ang gwapo?!

“I'm embarrassed Buko, don't look at me that way.” nag iwas siya ng tingin at—tama ba ang nakikita ko? NAG BLUSH SIYA?!

“Nag blush ka ba?!” natatawa kong sabi at nag iwas siya lalo ng mukha, parang nakatalikod na nga siya sa akin!

“Hahahaha! Ang cute mo!” hindi ko mapigilang kurutin ang pisngo niya!

“A-aww—ouchh Bukoshhh!” hindi maipinta ang mukha niya dahil sa kurot ko. Natatawang tinaggal ko naman ito at namumula naman ang pisngi niya! Ayy! Sensitive ang balat! Ang puti kasi!

“Ay sorry! Ang cute mo kasi eh!” sabi ko at hinawakan ang dalawang pisngi niya, pinahid ng kamay ko ang mapula niyang pisngi—para namang mabubura to haha.

“You're so beautiful.” napatigil ako sa pagpahid sa mukha niya at napatingin sa mata niya na sinusuri ang mukha ko.

I blushed.

Then, ngumiti ako sa kanya. “Gwapo ka eh.” sabi ko.

“Hmmmmmp!” nabigla ako ng yakapin niya ako.

“I can't get enough of you. Why Andrea? Why my Buko?” tanong niya habang pinang-gigigilan ako. Napangiti naman ako at niyakap din siya.

“Hmm hindi ko alam eh.” sagot ko. Buko, buko, buko! Ano ba kasi yang buko na 'yan?

“Buko?” tanong ko sa kanya. Umalis ako sa pagkaka yakap sa kanya.

“Ano ba kasi yang buko na 'yan?” tanong ko sa kanya. He smiled at hinalikan ang pisngi ko.

“Hm, it's for you to find out, Buko.” oh there you are again.

“Eyyshh.” sabi ko na lang at tumayo na. Nilahad ko ang kamay ko sa kanya.

“Let's go Blss!” sabi ko sa kanya at hinawakan niya naman ang kamay ko, again my favorite intertwined holding hands.

At ayun pumasok kami sa loob ng hospital...

ng naka ngiti.

Young BossWhere stories live. Discover now