Twenty || Talk

246 9 0
                                    

•20•

Andrea's POV

“You're not going here?”

“H-huh? Ah...” papasok ba ako sa office niya at kakain kasama siya? Eh galit nga siya eh! Ayoko naman na may kasamang galit habang nakain! Ang sama sa lasa,  pwe!

Walang salita na hinila niya na lang ang kamay ko at pinapasok sa office niya. Sinara niya ang pinto at pina upo ako sa sofa.

“Andrea I'm sorry.” napatingin ako sa kanya ng mag sorry ito. Hawak niya pa rin ang kamay ko at nilalaro ito.

“It's not my intention to get jealous. It's just that, if I'll get jealous I don't have the rights. You're not my girlfriend and I'm just your Boss.”

Eh? Boss lang ba tologoooo?

Ayts! Ano ba yan Andrea!

“E-eh anong gagawin ko? Anong gagawin ko para... hindi ka na magselos?” tanong ko. Ah, kay Ian pala siya nag selos. Siguro nakita niya kami kaninang umaga sa coffee shop.

“Nothing. Basta huwag kang lumapit sa Ian Lionel na 'yun.”

“E-eh?!” tanong ko at natawa naman ito. Finally! Tumawa na rin siya!

“Hahaha it's a joke. Wala, wala kang gagawin. Basta ang alam ko...” lumapit siya sa akin at niyakap ako. Nagsimula na naman magwala ang puso ko.

“... akin ka.” naistatwa ako sa sinabi niya kaya nung umalis siya sa yakap ay hindi ko naramdaman.

“Hey?” tanong niya at dun naman ako natauhan. “O-oh?” tanong ko.

He smiled, “Let's eat. Gutom na ako.” sabi niya at sumang ayon naman ako. Gutom na rin ako eh hehe.







“Ah so friend mo si Haley?” tanong ko habang sumusubo ng kanin. Nakain na kami ni Breydon at the same time ay nag kukwentuhan na rin. Nag order siya from a luxurious restaurant at ang sasarap naman grabee!

“Yeah from Highschool until now.” sagot niya habang nakain din. Aba aba aba, hindi ko kasi sinabi yung tungkol sa kaninang umaga. Hindi naman ake selosa—slight lang hehe.

“Uh ok.” sabi ko na lang at kumain ng kumain na hindi ko naman alam ang pangalan haha.

“You? Where do you met that Ian Lionel?” tanong niya at si Ian siguro ang tinutukoy niya.

“Sa taxi.” maikling sagot ko. Natatawa naman ako sa itsura niya dahil tinatago niya na naiinis siya hahahaha!

“How?” kalmadong kunwaring sabi niya.

“Uhm ganto kasi yun, umaga nun at naulan edi mahirap makasakay sa taxi. Tapos may taxing dumaan at sumakay agad ako, hindi ko alam na private taxi pala yun. So there, naka sakay siya sa taxi at nakilala ko siya.”

“Bakit hindi mo ako tinawagan?” tanong niya. Huh? Alin?

“Huh?” tanong ko sa kanya. Uminom ako ng buko juice—muahahaha pinahanap ko pa talaga ito hahahaha! Ang bait talaga ni Breydon ayieeeeee enebe!

“That day that it was raining. Bakit di mo ko tinawagan sana sinundo kita.” napa iwas naman ako ng tingin sa sinabi niya.

“Boss kita at empleyado ako. Ang sama naman kung susunduin mo ko.” bakit feeling ko masakit yung sinabi ko? Kasi naman eh empleyado lang talaga ako. Ayts!

“Andrea.” nagulat ako ng hawakan niya ang mukha ko at pilit na pinahaharap sa kanya.

“Wala akong pake kung empleyado ka lang. Remember? You're special to me.”

Young BossWhere stories live. Discover now