Thirty Eight || Hug

162 5 0
                                    


•38•

Andrea's POV

“Ayos ka lang anak?”

“Opo naman Papsie.” pinilit kong ngumiti kay Papsie para magkaroon siya ng lakas. Mamaya na kasi ang heart surgery ni Papsie kaya kailangan niya maging malakas.

“Sigurado ka anak?”

Tumigil ako sa pag aayos ng gamit ko at ngumiti kay Papsie. “O-of course Papsie. Ano ba naman tanong yan Papsie!” pinilit kong pasiglahin ang tono ko. At gumana naman dahil ngumiti na si Papsie.

“Halika nga rito.” tinawag ako ni Papsie kaya lumapit ako sa kanya. Nabigla ako ng yakapin ako ni Papsie.

“Lalaban ako para sa inyo Andrea.” bulong ni Papsie. Napa ngiti naman ako at napayakap din sa kanya.

“Dapat lang Papsie!” sabi ko at natawa naman ito. “Syempre, gusto ko pang makita kang ikasal kay Breydon.” napatigil ako sa pag ngiti ng marinig ko iyon. Pinilit kong maging normal kay Papsie.

“Hehehe.” nasabi ko. Kumalas ako sa yakap. “Sige Papsie, labas lang ako ah. Magpahinga na po kayo diyan.”

“Sige anak.” nginitian ko muna si Papsie bago ako lumabas ng kwarto niya. Paglabas ko sa kwarto ni Papsie ay napa upo ako sa silya na nasa labas.

Tatagan mo Andrea! Para sa kanila.

“Anak.”

“Mamsie, Allen.” umupo si Mamsie sa tabi ko samantalang si Allen ay pumasok sa kwarto ni Papsie.

“Ok ka lang Andrea?” napatitig ako sa tanong ni Mamsie.

Ayokong sabihin sa inyo dahil may problema pa tayo. Kaya ko na 'to.

“Oo naman Mamsie! Bakit naman hindi?” ngumiti ulit ako para maniwala si Mamsie. Kahit gusto kong umiyak at mag sumbong sa kanya, hindi pwede. Hindi pa pwede.

“Wala lang. O sya papasok na ako ah?” tumayo na si Mamsie at tumango naman ako. “Susunod na lang po ako.” sabi ko. Pumasok na si Mamsie sa loob at naiwan ulit ako.

Habang naka upo tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko ito.

My Boss:

Andrea. Please.

8:25 PM

N

apapikit ako sa message na yun. Hindi ko yun pinansin at pinatay na ang screen.

*imakkum!* *imakkum!*

My Boss:

I love you, Buko. Please, forgive me.

8:26 PM

I

nis na pinatay ko ulit ang screen. Ayaw niya ba akong tantanan?

*imakkum!* *imakkum!*

My Boss:

I need you Andrea. I need you Buko, please.

8:27 PM

My Boss:

I need you...

8:28 PM

My Boss:

Andrea...

8:29 PM

I

nis na pinatay ko phone at tinago sa bulsa ko. Tumayo na ako at saka lumabas ng hospital na yun. Maglalakad lakad muna ako.

Habang naglalakad lakad nagulat ako ng may tumabi sa akin.
“Can I join you?” tanong nito.

“Yes.” sagot ko. Si Ian.

Nagsimula na kaming mag lakad ni Ian at nag tanong na rin siya. “Are you ok?” tanong niya.

“Oo naman.”

“Kahit hindi?”

“Kahit oo.” tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Bakit ba tanong kayo ng tanong? Ok lang ako 'no.” I'm such a liar.

“Your face is telling me that you're not ok.” sabi niya. Napabuntong hininga na lang ako at napatigil sa paglalakad. “So kung hindi ako ok? May gagawin ka ba?” tanong ko sa kanya. Inaasar ko lang naman siya pero nagulat ako sa sagot niya.

“Yes. I will do everything to make you happy.” sabi niya ng seryoso.

“Joke lang naman.” bawi ko sa kanya.

“I'm serious.” mukha nga siyang seryoso. Paktay ka Andrea.

“Ok.” umupo ako doon sa may malapit na bench at sumunod naman siya.

“H-hindi ako ok.” simula ko. Hindi naman siya nagsalita so nagpatuloy ako. Ito na eh.

“N-nasaktan ako.” bulong ko ulit. Nakatungo ako at nakatingin sa mga paa ko.

“N-naloko ako.” nagsimulang magtubig ang mata ko. “P-pinagkatiwalaan ko siya.” bulong ko.

“P-pero ano? Manloloko pala siya. N-nagpaloko ako.” hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko.

“S-sana pala sa simula pa lang hindi na ako n-nagtiwala. S-sana hindi ako nasasaktan ng ganito.” patuloy lang ako sa pagsasalita habang tumutulo ang luha ko.

“M-masakit eh hehe. M-masakit pala ang m-masaktan. S-sana hindi ko na l-lang siya m-minahal, sana h-hindi ko na lang—”

Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niya akong hilahin at yakapin.

“Go on. Cry on my shoulder.” hindi na ako nakapag salita at umiyak na lang ako ng umiyak sa balikat niya.

A-ang sakit. Ang sakit sakit.

———

Uy sorry ah, nabasa ko pa yung damit mo.”

“Hahaha it's ok.” ngumiti ako sa kanya bilang pagpapasalamat. Ang bait naman ni Ian. Hinayaan niya akong umiyak sa balikat niya.

“Are you ok now?”

“Hm oo. Thanks sayo.” naka ngiti kong sabi sa kanya. “Sorry Andrea but I really need to go now. See you next time.” nginitian ko siya bago ako nag wave sa kanya.

“Bye!” sigaw ko pa sa kanya habang naglalakad siya papalayo. Nilingon niya naman ako at nginitian. Napangiti na lang din ako at tumalikod na papasok sa loob ng hospital.

Nang makarating ako sa room ni Papsie ay tulog na silang lahat. Umupo naman ako sa sofa at kinuha ang phone ko. Napagpasyahan ko na buksan na ito. Pagbukas ko ay may message agad na dumating.

My Boss:

Andrea... Save me.

8:30 PM

Kanina pa ito na isend dahil 9:30 na ngayon. Bigla na lang akong kinabahan.

S-sh*t ano yun?

Hindi ko na lang pinansin at pinatay na ang screen at humiga na sa sofa. Matutulog na lang ako. Matapos kong magdasal ay nagkumot na ako at pinikit ko na ang mata ko.

Thanks Ian.

Young BossWhere stories live. Discover now