Thirty One || Sick

178 6 0
                                    

•31•

Andrea's POV

“Breydon! Ang bigat mo naman!”

“W-whatsh? Why do you keepsh calling mysh namesh? Mahalsh mo talaga akossh!”

“Para kang tanga.” hindi ko mapigilang sabihin sa kanya. Andito kami sa labas ng bar nila at dinadala siya sa kotche niya. Ihahatid ko lang naman siya sa condo niya—oo, condo! Ayaw niya sa bahay nila may monster daw dun.

“Umayos ka nga ng tayo! Ayan kasi, iinom iinom hindi mo naman pala kayo!” para kasi siyang lasing maglakad, eh lasing naman talaga! Aysh ang Boss naman na ito oo!

“I cansh!” malakas na sabi niya at nabingi naman ako. “Wag ka sumigaw!” sabi ko sa kanya. Thanks god at nasa harap na kami ng sasakyan niya. Dinala ko agad siya sa passenger seat at sinara agad ang pinto. Lumipat ako sa kabilang pinto at sumakay doon.

Waaaaaahhhh! Hindi ako maalam mag drive eh! Pero natuto ako kay Papsie dati nung may kotche pa kami, oo meron kami dati naibenta lang. Osya! Kailangan ko ng madala ang boss na sa kasalukuyan ay tulog. Ayts!

Nang makarating kami sa Condominium kung saan siya nakatira ay naka hinga naman ako ng maluwag. Yass! Walang masamang nangyari, walang gasgas ang kotche! Yehey!

“Breydon?” tumingin ako kay Breydon na sa kasalukuyang tulog. Ginising ko siya sa pamamagitan ng pagpalo sa pisngi niya ng mahina.

“Breydon.” tawag ko dito. Habang naka pikit siya hindi ko mapigilang titigan ang mukha niya.

Ang gwapo talaga.

Swerte ko naman na may isang Breydon Scherzy sa buhay ko. Napaka gwapo naman!

“Hmm?” biglang nagmulat ang mata niya kaya agad na napalayo ako sa kanya. “N-nasa condo mo na tayo, tara na.” bumaba ako sa driver seat at pumunta sa side niya. Binuksan ko ang pinto at tinulungan siyang maka alis sa pwesto niya. Ays pag lasing ba parang may sakit!

Pagka alis niya doon aya agad na isinara ang pinto at inalalayan siya sa paglalakad. Unlike kanina, medyo ma-ayos ayos na naman siya dalhin kasi mukhang nahimasmasan na siya. Pagtapak namin sa elevator ay tinanong ko kung saan ang floor niya.

“7th floor.” maiksing sagot niya habang naka akbay sa akin. Payakap na nga siya pero hindi ko lang pinapayagan, aba magkayakap na naglalakad? Try niyo!

“Eh? Iisang kwarto lang dito?” tanong ko sa kanya.

“Yeah, I rent this floor.” sagot niya habang naka pikit. Tumango naman ako at tinry na binuksan ang pinto kaso may pasword pala! Hay nako!

“Breydon, anong pasword mo?” tanong ko sa kanya. Tinuro niya naman ako. Huh? Ako?

“Anong ako?” takang tanong ko sa kanya.

“692856.” sagot niya at agad na nilagay ko naman pass code. Pagbukas ko doon ay para palang bahay ang narentahan niya. May kwarto, kusina, sala, cr at iba pa.

Dinala ko siya sa may isang pinto dito at binuksan iyon, tama nga ako kwarto yun. It's a combination of grey and black kaya ang ganda sa paningin. Nang maihiga ko siya sa kama niya ay nag inat naman ako. Ugh! “Ang bigat mo Breydon ah!” bulong ko habang nag iinat.

“Hmm A-andrea...” napatingin ako sa kanya ng tawagin niya ang pangalan ko.

“Oh?” lumapit ako sa kanya at umupo sa tabing kama niya.

“I love you.” napatitig ako sa sinabi niya. Naramdaman kong namula ang pisngi ko, hindi pa rin ako sanay na sinasabihan niya ako ng ganito. Napangiti ako at hinawakan ang pisngi niya.

“Mahal din kita.” sagot ko at hinalikan ang pisngi niya ng naka pikit. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at nanlaki ang mata ko ng makitang naka mulat na ang mata niya.

“B-breydon?” tanong ko dito. Nagulat ako ng hilahin niya ang batok ko at—halikan ako.

Naka mulat ang matang tinignan ko ang ang mata niyang naka pikit habang ang labi niya ay hinahalikan ako. Nang laliman niya ang halik ay napapikit ako at sinabayan ang halik niya. Hawak ng kanang kamay niya ang batok ko samantalang hawak ng kaliwang kamay niya ang mukha ko. Nilagay ko naman ang kamay ko sa pisngi niya at hinalikan siya katulad ng halik niya sa akin. So naka higa siya samantalang ako ay naka yuko sa kanya.

God Breydon! God!

———

*cough!* *cough!*

*sniff*

*cough!* *cough!*

Nagising ako ng may marinig akong pag ubo at pag singhot. Agad na napatayo ako sa pagkakahiga ko sa sofa at napatingin sa orasan ko! 9:20 AM. Ayts! God! May trabaho pa ako! Dederetso na sana ako sa pinto ng kwarto ng—

*cough!* *cough!*

Napatingin ako sa lalaking nasa isang kama at—umuubo?! Agad na lumapit ako kay Breydon at hinawakan ang noo niya.

“Nilalagnat ka!”

Oh bakit naman nilagnat 'to? Hindi naman umulan kahapon ah!

“I-I'm always getting s-sick, when I d-drink a lot.” nahihirapang sabi niya. Ayts! Painom inom pa kasi eh! Tinignan ko ang itsura niya, naka upo siya sa may headboard ng kama niya at—naka palit na siya ng damit? Paano?

“Hayyss! Sige magluluto ako ng pagkain mo, may gamot ka ba dito?” tanong ko sa kanya. Hindi ko pwedeng iwanan to eh!

“W-wait. You're not going w-work?” tanong niya. Ubo siya ng ubo grabe!

“Hindi na. Wait saan mga towel mo dito?” tanong ko sa kanya. Sinimulan kong mag ikot sa kwarto niya at binuksan ang mga cabinet at walk and closet niya.

*cough!* *cough!* “T-there.” turo niya sa may isang cabinet na kahoy. Binuksan ko naman ito at nakita ko naman na maraming mga towel dito. Kumuha ako ng isa dito at hinagis yun sa kanya.

“Magluluto lang ako Breydon.” dumeretso na ako sa pinto niya at lalabas na sana ng magsalita siya.

“T-thanks My Buko!” napangiti naman ako bago lumabas sa kwarto niya.

Pumunta ako sa kusina niya at naghanap ng mga pedeng lutuin. Hmm, lugaw na lang. Mabisa yun sa may sakit diba? So ayun nga. Habang nagluluto ako ay kinuha ko ang phone ko sa may bulsa ng pantalon ko. Tinawagan ko si Mamsie at sinabing nasa bahay ako ni Breydon, inasar ba ako? Tss. Kinamusta ko rin si Papsie at si Allen. Nang matapos ang call kay Mia naman ako tumawag.

[Hello Andrea! Bakit di ka pumasok sa trabaho?] tanong niya agad pag sagot niya.

“U-uh emergency lang.” pagsisinuwaling ko. Hindi ko pedeng sabihin na nasa condo ng Boss ako. Balita na naman 'yan.

[Ano 'yun? Ok ka lang ba?]

“Oo naman. Pa sabing naman kay Ma'am Era.”

[Sure.]

“Sige, bye na ah.”

[Bye! Ingat!] ibinaba ko na ang phone ko nag patuloy na sa pagluluto.

Habang nagluluto hindi ko mapigilang maalala yung kagabi.
Ayyyytttss! Matapos ba naman akong halikan, tulugan ako? Oo, naka tulog siya. Ayos na rin yun kasi mukha ngang bangag siya kagabi.

Young BossWhere stories live. Discover now