Thirty Five || Tell

157 11 0
                                    

•35•

Andrea's POV

My Boss:

Sorry My Buko hindi kita mahahatid ngayon. I have a lot of things to do. Babawi ako bukas, take care. I love you :3

7:14 PM

Feeling ko mas naging malungkot ako sa text ni Breydon. Eh bakit ba ako malungkot? Kasi naman! Nawala ang lucky charm ko! Simula bata pa ako nasa akin na yun tapos nawala? Ah! Inalala ko ang huling time na hinawakan ko yun at ang naaalala ko ay yung nasa CR ako.

Isip Andrea, isip...

Baka naman itinago—

“Ah!”

Naalala ko na! Hindi ko siya tinago! Hindi ko alam kung saan ko siya nilagay basta ang alam ko hawak ko lang siya! Ayts! Baka nabitawan ko! Andrea naman!

“Ms andito na po tayo.” napatingin ako kay manong driver nung magsalita ito, napatingin ako sa labas ng taxi at nasa hospital na kami. Nagbayad ako kay manong driver at bumaba na sa taxi. Pumasok ako sa hospital at sumakay sa elevator.

*ting!*

Lumabas na ako sa elevator at tinungo ang room ni Papsie.
“Naka uwi na ako!” pinasigla ko ang boses ko at pinihit ang pinto.

“Andrea.”

“Anak.”

“....”

Yan ang bati sa akin nila Mamsie, Papsie at Allen. Of course si Allen wala na namang sinabi. Pumasok na ako sa loob at nilagay ang gamit ko sa may sofa at umupo sa kama ni Papsie. “Musta ang gwapo kong Papsie?” tanong ko.

“Ang anak ko talaga napaka bola.” natatawang sabi ni Papsie. Kung titignan ko ang mukha ni Papsie may itsura talaga siya—malamang mana kami kami diyan ni Allen eh! Medyo nababawasan na nga lang yung kay Papsie kasi may sakit siya.

“Totoo naman Papsie. Diba Mamsie?” tanong ko kay Mamsie at naka ngiting tumango ito. Nag aayos kasi ng pagkain si Mamsie.

“Ah Mamsie, Papsie at Allen.” tawag ko sa kanila. Nagsimulang kabahan ang dibdib ko. Ghad! Sasabihin ko na kasi na boyfriend ko na ang Boss! Baka magulat sila waaaaaah!

“Bakit/Why?” sabay na tanong nilang tatlo. Napalunok naman ako. Ayyys! Bakit ka ba kinakabahan ako?

“E-eh kasi...”

“Ano 'yun anak?” tanong ni Mamsie.

“A-ah ganto kasi 'yan—”

“Sabihin mo anak.” sabi naman ni Papsie. Oh ghad! Pinapakaba lalo nila ako!

“U-uhm kasi—”

“Ate ang tagal naman sabihin mo na nga.” inis na sabi ni Allen at inirapan ko naman 'to. Panira lang eh?

“I-ito na nga!” sabi ko at huminga ng malalim.

“B-boyfriend ko na po k-kasi si B-breyd—”

“ALAM NA NAMIN.”

O___________O

“H-ha?!”

Anong sabi nila?

“Alam na namin anak, sinabi na ng boss mo.”

“A-ano?!” gulat na tanong ko. Kelan sinabi ni Breydon? Waaaaah!

Young BossWhere stories live. Discover now