Twenty Nine || Problem Starts Now!

175 7 0
                                    

•29•

Andrea's POV

Oh my god! Kung nung una naming power point ay kinakabahan ako. Mas double ang nararamdaman ko ngayon! Wah! Iba't ibang CEO na kasi ang makakapanood sa power point namin!

“Goodluck to us.” hanga rin ako kay Aira eh. Hindi man lang siya kinakabahan, hindi ba? She's always smiling at parang wala lang sa kanya ang presentation na to.

“U-uh cr lang ako.” hindi ko na inantay ang sagot nila dahil nagderetso na ako sa cr. At 'yun, kinuha ko ulit ang lucky charm ko.

‘Please save me...

I'm waiting for you,

My hero...’

Matapos kong sabihin yun ay nagbigla ako ng tumunog ang phone ko! Ah ah naman eh! Kinakabahan na nga eh tapos mang-gugulat pa! Tinignan ko ang phone at nakita kong tumatawag si—

*ehem!*

Breydon.

“B-breydon.” hindi ko pinahalata na kinakabahan ako.

[You're nervous? You're so great Buko don't be.] sabi niya at nabawasan naman ang kaba ko.

“S-salamat, pero—eeeeehhhhh! Kinkabahan talaga ako eh! Ang daming CEO at Boss dun!” kinakabahan na sabi ko.

[Hahahaha, you can do it. Do you want a hug? Ah sorry, I can't gave you one. I'm on a meeting.]

“Meeting?! Tapos natawag ka?” tanong ko sa kanya. Iba rin tong boss na to eh!

[Of course. Mamaya hindi na kita matatawagan. Breath in, breath out. Go Andrea! My buko!] natuwa naman ako sa cheer niya.

“Thank you.” sinsero kong sabi sa kanya.

[I need to hang up. Bye, I love you.]

*toot* *toot * *toot*

Napatitig naman ako sa sinabi niya. I-I love you? Kyaaaaa! Hindi pa ako sanay!

“Andrea! Uy tara na, magsisimula na tayo.” nataranta naman ako sa sinabi ni Mia kaya lumabas na agad ako doon.

“Andyan na 'yung mga CEO at Boss!” bulong sa akin ni Mia at kinalma ko naman ang sarili ko. Pagpasok namin sa loob ng room ay mas lalo ata akong kinabahan!

Nakita ko ang CEO, si Breydon na ngumiti pa sa akin. Isa pang CEO na sa tingin ko ay ibang company at may mas bata pa siyang kasama na sa tingin ko ay Boss din tulad ni Breydon. Tapos! Si—










IAN?!

B-BOSS SI IAN?!

Nanlalaki ang matang tinignan ko siya at ngumiti naman ito sa akin. Napatingin ulit ako kay Breydon at hindi na maipinta ang mukha niya, ugh selos na naman ang boss ko!

“So first I will introduce our visitor today. You all know the CEO Bryan Scherzy and his son the Boss Breydon Scherzy.” sabi ng isang babae na nasa unahan namin. Napatingin ako kay Aira, nagtatanong kung bakita andito si Ian pero nginitian niya lang ako.

“Next is CEO of J-Ace's company. Mr Heon Morein and his son Vince Morein.” pakilala niya doon sa naka-upo doon sa may kanan ng CEO at Boss.

“Now, we're sorry to tell you that the CEO of L'nel Company can't come today but we have his son. The Boss, Mr Ian Lionel.” pakilala niya kay Ian at napa lunok naman ako. Boss pala tong si Ian! Hindi man lang nagsasabi.

“CEO's and Boss's look at the front as I introduce the group from Art Department.” tumingin sila sa amin at napangiti naman kami.

“First Mr Charlie Pries, Ms Mia Pasqual, Ms Andrea Zheon and Ms Aira Lionel.” pakilala niya sa amin.

“So let's start now?” we nodded at ayun, nagsimula na kami.

———

“Kyaaaaaaaaaaa! Napuri ulit tayo!”

“Oo nga! Kyaaaaaaa!”

“Congratulations to us.”

Hindi na namin alam kung paanong talon ang gagawin naming tatlo pero si Charlie ay naka tayo lang.

“Wait guys. Puntahan ko lang si Ian.” sabi ni Aira at tumango naman kami. Umalis si Aira at naiwan naman kaming tatlo dito sa loob ng room pa rin.

“Tara sa coffee shop guys?” sabi ni Mia at tumango naman kami. So yun na nga lumabas kami ng room.

“Oh, Hi guys.” nakita nami si Ian na nakatingin sa papalayong si Aira. San papunta 'yun? Binati rin namin siya.

“Congratulations. You all did great.” sabi ni Ian at napa ngiti naman kami.

“Thank you. San papunta si Aira?” tanong ni Mia.

“Uh CR.” sabi niya.

“Can I talk to Andrea?” gulat na napatingin naman ako kay Ian ng kausapin niya sila Mia at Charlie.

“Oo naman. Tara Charlie!” hinila ni Mia si Charlie papunta sa elevator. Binigyan ko na lang sila ng masamang tingin! Bigay baga ako sa Boss na 'to!

“Congratulations Andrea. I didn't know that you we're great.” sabi ni Ian nung maiwan kaming dalwa.

“S-salamat. Eh ikaw nga! Hindi mo sinabi na Boss ka pala!” sabi ko sa kanya at tumawa naman siya.

“Actually kaka hired ko lang. Wala si Dad so ako ang namumumo ngayon sa L'nel.” tumango naman ako sa sinabi niya.

“Andrea.” napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko at hindi na ako nagulat kung sino 'to.

“Mr Scherzy.” bati ni Ian kay Breydon. Nagkatinginan naman silang dalawa pero—bat ako yung naiilang?!

“Hey Mr Lionel.” bati din ni Breydon sa kanya. Uh, help guys?

“Ian!” thanks god! Dumating si Aira galing sa cr!

“Ow Andrea, Boss.” bati niya sa akin at kay Breydon. I gave her a look na nagsasabing paalisin-mo-muna-si-Ian-look at mukhang na gets niya naman.

“Ah let's go to the coffee shop Ian. Tara!” hindi na nakapalag si Ian ng hilahin siya ng ate niya. Ngumiti na lang siya sa akin ng nasa loob na siya ng elevator so ngumiti din ako bago 'to magsara.

“Such a sweet smile? Tch.” napaharap naman ako kay Breydon ng magsalita ito. Uh, ang Boss ko selos na naman!

“Selos ka na naman eh!” sabi ko sa kanya.

“I can't help it Andrea. You're that so attractive, lahat mapapalingon sayo.” himig na himig ko ang selos niya kaya lumapit ako sa kanya and hug him.

“Ikaw din naman ah. Sobrang gwapo mo kaya ang dami ko ngang ka-agaw sa iyo eh.” bulong ko habang naka yakap sa kanya.

“Tss.” inalis niya ang yakap ko at hinawakan ang parehong pisngi ko.

“Hmmmppp!” nagulat ako ng pisilin niya ito pareho!

“B-breyshoon!”

“You're so cute!” nang-gigil na sabi niya sa akin.

*tsup!*

Nagulat naman ako ng halikan niya ako sa labi!

“B-breydon!” sigaw ko sa kanya. Nasa kompanya kami!

“Why? Pa hug Buko.” hindi niya pinansin ang sigaw ko at niyakap na lang ako.

“I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, I love —”

“Breydon! Tumahimik ka nga!”

“I love you, I love you, I love you, I love you—” hindi ko na siya pinagsalita, bumitaw ako sa yakap at agad na hinalikan siya sa labi!

And there!

That's the only thing na magpapatahimik sa kanya!

And—

Aish!













That's the problem.

Young BossWhere stories live. Discover now