Thirty One || Sick

174 7 0
                                    

•31•

Andrea's POV

“Breydon! Ang bigat mo naman!”

“W-whatsh? Why do you keepsh calling mysh namesh? Mahalsh mo talaga akossh!”

“Para kang tanga.” hindi ko mapigilang sabihin sa kanya. Andito kami sa labas ng bar nila at dinadala siya sa kotche niya. Ihahatid ko lang naman siya sa condo niya—oo, condo! Ayaw niya sa bahay nila may monster daw dun.

“Umayos ka nga ng tayo! Ayan kasi, iinom iinom hindi mo naman pala kayo!” para kasi siyang lasing maglakad, eh lasing naman talaga! Aysh ang boss naman na ito oo!

“I cansh!” malakas na sabi niya at nabingi naman ako. “Wag ka sumigaw!” sabi ko sa kanya. Thanks god at nasa harap na kami ng sasakyan niya. Dinala ko agad siya sa passenger seat at sinara agad ang pinto. Lumipat ako sa kabilang pinto at sumakay doon.

Waaaaaahhhh! Hindi ako maalam mag drive eh! Pero natuto ako kay Papsie dati nung may kotche pa kami, oo meron kami dati naibenta lang. Osya! Kailangan ko ng madala ang Boss na sa kasalukuyan ay tulog. Ayts!

Nang makarating kami sa Condominium kung saan siya nakatira ay naka hinga naman ako ng maluwag. Yass! Walang masamang nangyari, walang gasgas ang kotche! Yehey!

“Breydon?” tumingin ako kay Breydon na sa kasalukuyang tulog. Ginising ko siya sa pamamagitan ng pagpalo sa pisngi niya ng mahina.

“Breydon.” tawag ko dito. Habang naka pikit siya hindi ko mapigilang titigan ang mukha niya.

Ang gwapo talaga.

Swerte ko naman na may isang Breydon Scherzy sa buhay ko. Napaka gwapo naman!

“Hmm?” biglang nagmulat ang mata niya kaya agad na napalayo ako sa kanya. “N-nasa condo mo na tayo, tara na.” bumaba ako sa driver seat at pumunta sa side niya. Binuksan ko ang pinto at tinulungan siyang maka alis sa pwesto niya. Ays pag lasing ba parang may sakit!

Pagka alis niya doon ay agad na isinara ang pinto at inalalayan siya sa paglalakad. Unlike kanina, medyo ma-ayos ayos na naman siya dalhin kasi mukhang nahimasmasan na siya. Pagtapak namin sa elevator ay tinanong ko kung saan ang floor niya.

“7th floor.” maiksing sagot niya habang naka akbay sa akin. Payakap na nga siya pero hindi ko lang pinapayagan, aba magkayakap na naglalakad? Try niyo!

“Eh? Iisang kwarto lang dito?” tanong ko sa kanya.

“Yeah, I rent this floor.” sagot niya habang naka pikit. Tumango naman ako at tinry na binuksan ang pinto kaso may password pala! Hay nako!

“Breydon, anong password mo?” tanong ko sa kanya. Tinuro niya naman ako. Huh? Ako?

“Anong ako?” takang tanong ko sa kanya.

“692856.” sagot niya at agad na nilagay ko naman pass code. Pagbukas ko doon ay para palang bahay ang narentahan niya. May kwarto, kusina, sala, cr at iba pa.

Dinala ko siya sa may isang pinto dito at binuksan iyon, tama nga ako kwarto yun. It's a combination of grey and black kaya ang ganda sa paningin. Nang maihiga ko siya sa kama niya ay nag inat naman ako. Ugh! “Ang bigat mo Breydon ah!” bulong ko habang nag iinat.

“Hmm A-andrea...” napatingin ako sa kanya ng tawagin niya ang pangalan ko.

“Oh?” lumapit ako sa kanya at umupo sa tabing kama niya.

“I love you.” napatitig ako dahil sa sinabi niya. Naramdaman kong namula ang pisngi ko, hindi pa rin ako sanay na sinasabihan niya ako ng ganito. Napangiti ako at hinawakan ang pisngi niya.

Young BossWhere stories live. Discover now