Eight || Fighting!

316 9 0
                                    


•08•


Andrea's POV

Nang makuntento na ako sa CR ay lumabas agad ako. Hindi pa ako nakakarating sa table namin ng may nabangga na naman ako.

“Sorry!” agad na sabi ko at pinunasan yung damit niya. Omo! Nabasa ko ang damit niya!

“Look where you're going nga?! Nabasa mo ako!” inis na sabi niya at kinabahan naman ako. Tsk! Maarte pa nga ang nadale ko! 

“P-papunta lang naman ako sa table nam—”

“I don't care! Mag ingat ka kasi!” maarteng sabi niya. At ayun winner si ate, naagaw niya na ang atensyon ng lahat dito sa loob ng shop.

“Hey, what's happening here?” bigla na lang sumulpot yung boss namin.

“B-boss.” sagot nung babae. Napa face palm lang ako, ang plastic mo ate.

“That girl! Hindi nag iingat nabasa niya tuloy yung dress ko! My effin god!” maarteng sabi nito na nakatingin pa ng masama sa akin at ng bumalik sa boss ang tingin niya ay parang maamong higad, tss.

“Nabasa lang naman...” bulong ko pero mukhang narinig nito.

“What did you say?! Hindi mo ba alam na mas mahal pa tong damit na to sa buhay mo?!” inis na sabi niya at napaamang naman ako.

“Weh di nga? Alam mo ba yung presyo ng buhay ko...” bulong ko pa ulit at narinig na naman niya.

“Oh shut up—”

“Stop it.” natigil siya sa pagsasalita ng magsalita ang boss.

“Say sorry.” baling niya sa akin. Napa buntong hininga na lang ako at nag salita ng labas sa ilong.

“Sorry.” agad na sabi ko at aalis na sana ng hilahin nung babae yung braso ko, ano na naman?

“Lumuhod ka! Mag sorry ka habang naka luhod!” maarteng sabi nito. Napataas ng todo ang kilay ko! Ano daw? Luhod?!

“What are you? A queen?” inis na tanong ko sa kanya. I'm starting to get annoyed.

“No! But you need to do that! Hindi na nga kita pinagbayad ng damit ko kasi alam kong mahirap ka lang naman!” nag init ang tenga ko sa narinig ko.

“You're a low class girl—”

“Oo alam ko. Mahirap lang kami pero parang mas mahirap ka sa ugali mo. Yeah you have that expensive dress and so gorgeous self but your attitude? I pity you. Mayaman ka nga ang sama naman ng ugali mo.” sabay talikod ko sa kanya, kaso humarap ulit ako.

“One more thing, I do the mistake once and I said sorry twice. It's not fair right? Pero dahil mabait ako...” lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng sweet smile. “I'll forgive you.” sabay alis at labas ng shop na yun.

Hmmp! Wag nila akong subukan, tss.

———

“Ms Zheon come here.” napatigil ako sa paglalakad papunta sa cubicle ko ng tawagin ako ni Ma'am Era.

Nako! Ayan na Andrea! May pasagot sagot pa kasi dun sa babae eh!

“I heard that you fight—”

“Oo na po! Oo na po! Nakakainis naman kasi siya! Siya po ang nagsimula Ma'am! Sumagot lang naman ako kasi nang bu-bully na siya eh!” sagot ko agad kay Ma'am dahilan para matigil siya sa pag sasalita.

“I know you just fight for your feeling. But remember? She is from Master Department. Unfortunately mas mataas siya sayo kaya dapat nag ingat ka sa mga sinabi mo.” agad na napatungo ako sa sinabi ni Ma'am Era. No! Baka matanggal na ako sa trabaho! Huhuhu!

Young BossWhere stories live. Discover now