Chapter 02

14.8K 232 4
                                    

                 [ Catriona's POV ]

I am hella bored on listening to our prof while he is discussing a particular topic about personalities. Sa topic hindi ako naiinip, sa professor namin, Oo.

The way he discuss some things ay medyo parang nakaka-hele at nakaka-antok. Walang kabuhay-buhay.

Totoo nga ang sabi ng ilan na minsan nasa tamang delivery din para mas lalo mo itong maintindihan. Ito kasing prof namin binabasa lang ang kung ano ang nasa librong hawak niya, para kaming binabasahan ng storytime books kaya inaantok ako.

I yawn out loud ng hindi ko namamalayan kaya nakuha nito ang atensyon ng prof namin na si Mr.Trinidad.

"Excuse me, Ms. Catriona? Did you just yawn?" Narinig kong sabi niya habang inaayos niya ang kanyang salamin sa mata.

"Medyo lang po Sir. Sorry." Guilty ako. Ano ba ang magagawa ko? Alangan namang tumanggi pa ako e kitang kita naman.

"This is an unacceptable attitude. I'm discussing and you yawn na parang pinagmamalaki mo pa."

What is wrong with this teacher? Ang init ata ng dugo nito sakin kalalaking tao?!

Napansin ko na sinisipat niya ako mula ulo hanggang paa. Laging ganito itong teacher na 'to sa twing siya ang nagtuturo. Lagi akong sinisipat ng may pagkahalong manyak kaya naiirita rin ako sa kanya.

"Well.. apparently, Sir, you are not discussing. You are reading what's on the book. There's a big fat difference." Sagot ko sakanya.

Narinig ko na nagbubulungan ang ilan sa mga kaklase ko.

Di ko maintindihan kung bakit sa dinami dami ng papansinin nitong prof na 'to e yung paghikab ko pa. Aminado naman ako na mali ang ginawa ko at di ko yon sinasadya. Nagpa-sorry pa nga ako pero siya pa itong naglitanya.

Ibinaba niya ang hawak niyang libro at tumingin sakin ng naniningkit ang kanyang mga mata. Kahit na malakas ang lamig ng aircon sa classroom ay makikita mong pinagpapawisan siya sa leeg at noo, idagdag mo pa ang halatadong baskil niya sa kulay dark gray na long sleeve niyang suot at ang halos pumutok na niyang butones sa bandang tiyan dahil sa sobrang laki nito.

"Get out, Ms.Amberden."

Pagkarinig ko sa sinabi niyang yun ay tinitigan ko siya ng matiim sa mga mata at saka walang anu-ano ay kinuha ko ang mga gamit ko saka lumakad papunta sa pintuan.

Pagkadaan ko kay Sir Trinidad ay napansin kong huminga siya ng malalim. Inaamoy niya ako.

Creep.

As soon na nahawakan ko ang doorknob ay nagsalita siyang muli, "Go to the teacher's office exactly at two o'clock in the afternoon. Pag di ka dumating, I'll take this attitude of yours to your grades and let's see kung sino ang mas mahihirapan." Sabi niya at halatang nakangisi ito habang nagsasalita.

Di na ako sumagot. Lumabas na lang ako ng room saka medyo pabagsak na sinara ang pinto.

I need to go to my favorite spot to clear my mind sa nakaka-iritang pangyayari.

Kung meron mang pinaka-magandang spot para tambayan sa Uni ay hindi ang canteen o library. Cliché ng maituturing pero makatotohanan ang mga napapanood ko sa mga anime na ang mga bida ay madalas tumambay sa rooftop. Malayo sa ingay at makakapag unwind ka talaga.

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsWhere stories live. Discover now