Chapter 39

3K 60 7
                                    

"Here..." sabay abot ni Mammon ng isang basong alak kay Catriona.

Catriona just look at the blue liquor and turns her head down, "no, thank you. Ayokong ipaubaya sa alak ang sakit na nararamdaman ko ngayon." Tanggi niya habang nakaupo at nakayuko.

Kahit na anong gawin niya ay hindi matanggal-tanggal sa kanyang isipan ang eksenang nadatnan niya sa flower house.

"It will make you feel better." Pag-aalok ni Mammon ulit. "Wala akong kilala na tumatanggi sa alak lalo na kapag wasak ang puso."

Iniangat ni Catriona ang kanyang ulo saka niya muling pinagmasdan ang alak na hawak ni Mammon.

Iniangat ni Catriona ang kanyang ulo saka niya muling pinagmasdan ang alak na hawak ni Mammon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

The cold liquor is indeed tempting. Sino nga ba ang makakatanggi talaga? Hindi nga ito ang sagot but somehow it can ease the pain even for the mean time.

Sa kahit konting oras lang ay tila gustong kalimutan ni Catriona ang mga sakit na nasa puso niya.

Hindi dapat nangyari ito. Hindi dapat ako niloko ni Asmodeus.
Catriona murmured to herself.

But what's done is done. Hindi na maibabalik pa ito. Sinaktan siya ni Asmodeus sa emosyonal na paraan.

Tumayo si Catriona saka niya kinuha ang baso ng alak sa kamay ni Mammon. A tight lip smile escaped on her lips before she drank the liquor.

Bahagya pa siyang napapikit ng gumuhit sa kanyang lalamunan ang alak. "Woa! I never thought na hindi lang pagkain ang masarap dito sa impyerno kundi pati alak din."

Mammon chuckled to what she said, "smooth. Right?"

Tumango si Catriona bilang pag sang-ayon, "will you please give me some more?"

"It will be my honor." Nakangiting sambit ni Mammon sabay salin niya ng alak sa baso nito.

                          *** ••• ***
Makalipas ang ilang oras....

"Ano nga ulit ang pangalan ng alak na to?" She squints her eyes while looking at the liquor bottle. It has no brand name and yet Catriona keeps on searching for it.

"Aegis." Nakangiting sagot ni Mammon. Natutuwa siyang pagmasdan ang kakulitan ni Catriona ngayong medyo nakainom na ito.

Ito ang side ni Catriona na mas carefree siya at mas cute tignan.

"Aegis." Pag-uulit niya. "Naalala ko tuloy yung battle spell sa Mobile Legends."

"Oh that one. Naalala ko nga yon. I used to play that game too." Sambit ni Mammon, "Alam mo na, para maki-blend sa mga mortal, kailangang gawin ang madalas na ginagawa nila. And Claude is the man."

"Kaya lagi kitang nakikita noon na nakikipagkumpulan sa mga kaibigan mo dun sa ilalim ng puno." Natatawang sambit ni Catriona, "puro ML kasi nasa isip." Sabay inom niya ng alak. "Well... my main hero is Rafaela. Wala lang," she shrugged her shoulders, "I love using her lalo na walang madalas na gumagamit sa kanya kasi sobrang lambot nga daw. Na mas prefer nila si Estes. Pero tumigil na rin ako. Hindi ko na siya ginamit mula nung ni-revamp siya. Di ko kasi gusto yung bagong passive niya. Well.. that was a long time ago. Nawili na rin akong gamitin si Angela kasi para sakin ayos na ayos pag okay din ang support. Kaso tinigilan ko na rin."

"Bagay naman sayo si Rafaela dahil mukha ka rin namang anghel."

Napalingon si Catriona kay Mammon at nagkatitigan sila ng ilang segundo. "Literal talaga?" Saka napahagalpak ng tawa si Catriona, "imaginin mo, mga demonyo tayo tapos sasabihin mong mukha akong anghel? Hindi ba bawal sa atin na magsabi ng ganyan? mga anghel o anupaman?"

"Nope. And I'm serious." Umayos ng pagkakaupo si Mammon saka siya umusog papalapit kay Catriona, "iyang ganda mo ay maihahalintulad sa mga anghel. At walang batas na nilalabag dahil minsan din kaming naging anghel."

"Oo nga pala." Catriona sighed and face palmed herself saka siya ngumiti.

Tila huminto ang mundo ni Mammon ng dumako ang kanyang mga tingin sa mga labi ni Catriona.

Those lips that he misses. The one that he is always dreaming about.

Kung pwede nga lang niyang halikan ang babae na nasa kanyang harapan ay ginawa na niya. They're both completely drunk and he could use it as an advantage kaso may kung anong pumipigil kay Mammon na gawin iyon.

Hindi iyon dahil sa sinabi ni Balaam na malalahong parang bula ang di tumupad sa usapan, he didn't care about that.

All he cared about is Catriona. His respect for her feelings. Mas iniintindi niya yon kesa sa kung anong bagay ngayon. Yes, nag sex na sila ng ilang beses noong nagpapanggap pa siyang mortal ang kaso nangyayari iyon dahil sa kagustuhan din ng dalaga. Hanggang sa di niya namamalayan at nahuhulog na ng malalim ang kanyang loob kay Catriona. She was a gift from Leviathan before, yes, pero ng makilala niya na ito at makasama palagi ay napamahal na ito sa kanya.

Ayaw niyang samantalahin ang pagkakataong nakainom si Catriona ngayon.

"Kaya nga perfectly made si Deus e." Sambit ni Catriona na pumutol sa mga iniisip ni Mammon, "kasi isa siyang anghel dati." Biglang lumungkot ang mga mata ni Cat saka siya napayuko, "ang walang ka kwenta-kwentang si Asmodeus."

Tuluyan ng lumapit si Mammon kay Catriona upang yakapin niya ito. Unti-unting namasa ang dibdib ni Mammon dahil sa mga luha ni Catriona. Dahan dahan niyang hinahaplos ang buhok nito dahil ito lang ang alam niyang mumunting paraan para maibsan kahit kaunti ang nararamdaman ng babaeng mahal niya.

"Salamat Marcus." Hikbi ni Catriona, "salamat kasi nandyan ka pa rin."

"Di naman kita magagawang iwanan, Catriona." Bulong ni Mammon.

Iniangat ni Catriona ang kanyang mukha at doon ay nagtama ang kanilang mga tingin hanggang sa bumaba ang kanyang mga mata sa labi ni Mammon.

Napalunok si Mammon sa mga titig na iyon ni Cat. Unti-unti ay tila nalulunod siya sa mga titig ng mga matang iyon.

"Do you want me to kiss you, Cat?"
——————- 955 words —————-
Author's Note:
A short update!

Ito na ata pinaka maikling chapter sa mga sinulat ko? Hahahaha!

Thank you sa comments and votes. 💕💕

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsWhere stories live. Discover now