Chapter 07

9.5K 152 10
                                    

Author's Note:

😈 Photo of Leviathan on multimedia.

Itong chapter na 'to ay ang pangyayari dalawang taon ang nakakaraan noong unang makita ni Asmodeus/Alessandro si Catriona.

Si Catriona Amberden ay 15 years old pa lamang noong mga panahon na iyon.

                        ••• *** •••
                 [ Asmodeus' POV ]

Sa loob ng isang pribadong silid-kainan kami nagpupulong kasama ang anim na tulad kong prinsipe at si Balaam, ang aming pinuno. The ruler of Hell.

Tinatalakay namin ang walang katapusang paksa tungkol sa kung paano namin mas palalawakin ang kasamaan sa mundo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tinatalakay namin ang walang katapusang paksa tungkol sa kung paano namin mas palalawakin ang kasamaan sa mundo. Kung paanong mas lalo pa naming pasisidhiin ang negatibong pananaw ng mga mortal base sa aming mga hawak na larangan. Kung paanong ang sampung utos ng Diyos ng mga mortal ay hindi nila susundin.

Ang kasamaan sa mundo ay awtomatikong nandiyan na. Ang kailangan lang namin ay lalo itong pasamain at huwag hahayaan ang mga Anghel na bumulong sa mga mortal na gumawa ng mabuti. Kailangan ay nandoon din kami o ang aming mga alagad na demonyo upang labanan ang bulong ng kabutihan.

Kada isang tao ay may isang Anghel at Demonyo na nakatalaga sakanya na nananahan sa kanyang isipan. Bumubulong kung ano ang gagawin.

Hindi nag-aaway ang Anghel at Demonyo upang manaig ang bulong nang isa. Hindi. Hindi kami naglalaban gamit ang mga espada at kumikinang na sirkulo para mabago ang pag-iisip ng isang tao laban sa sulsol ng demonyo. Nagkakaroon lang ng malaking digmaan sa pagitan ng langit at impyerno sa twing nawawala sa balanse ang mundo.

Ang tungkulin ng Anghel at Demonyo ay bumulong at nasa tao na kung alin ang susundin niya do'n base sa sarili niyang kagustuhan.

Napakasarap sa pakiramdam na makita ang bawat tao na gumagawa ng masama. Kung paanong ang mukha ng Anghel na nagbabantay sa kanya ay bumabakas ang lungkot sa twing tataliwas sa mabuting gawain ang kanyang inaalagaang mortal.

Doon pa lang, panalo na kami. Ang mga tao ay sadyang marurupok, matataas ang ihi, mga sakim, mga inggit, mga tamad, mga matatakaw sa kapangyarihan at puno ng galit ang kanilang puso.

Sa madaling salita, mas madaling gumawa ng kasalanan kesa sa kabutihan.

Paulit-ulit man namin itong gawain pero ito ang nagsi-silbi naming silbi sa mundo.

Ininom ko ang wine matapos kong kainin ang isa pang pirasong karne. Medyo naiinip na ako't gusto ko ng magpunta sa mundo ng mga mortal para makipag-sex muli sa mga ito.

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon