Chapter 25

4.2K 77 23
                                    

                  [ Asmodeus' POV ]

Matapos kong magpaalam kay Catriona ay naisipan ko na magtungo kay Balaam upang ipaalam ang kabiguan kong maisama siya.

Alam kong mabibigo ako at mahirap na balikan pa siya pero magbabaka-sakali ako na mabigyan ng isa pang pagkakataon.

Sa twing naaalala ko siya at ang mga ngiti niya, lalong lumalakas ang loob ko.

Ang kailangan ko lang ay makuha si Catriona. Kapag nabuo ko na ang marka ko sa kanya at buong puso siyang sumama sa akin ay mas magiging madali ang lahat.

Mahal na mahal ko siya sa puntong ayaw ko siyang madaliin.

Nang makaharap ko na si Balaam ay agad kong sinabi sa kanya na hindi ko naisama si Catriona. Ang pagkadismayado ay bakas sa kanyang mukha.

"Binigyan na kita ng pagkakataon Asmodeus ngunit hindi mo naisama ang mortal na sinasabi mo." Sambit ni niya.

"Paumanhin kung nabigo ako. Hinihingi kong muli ang inyong basbas para maisama ko siya rito." Pakikiusap ko, "hindi pa siya handa nung huli kaming nag-usap. Siguro sa susunod na.."

"Magtigil ka Asmodeus!" Singhal ni Balaam na halos dumagundong ang buong pasilyo ng kaharian, "Inuulit ko. Hindi ko nais na sayangin ang pwersa natin para lang sa isang digmaan ng dahil sa pag-ibig mo sa isang mortal."

Napapitlag ako sa mga tinuran niyang iyon. "Nakikiusap ako-"

"Huli na at tapos na ang pagkakataon na iyon. Maaari kitang alisin sa posisyon na kinaroroonan mo ngayon at gawin kitang Monium kung hindi ka susunod Asmodeus. Kapag naging isa kang Monium ay hindi ka na makakapaglakbay pa sa mundong iyon kailanman." Pagpapatuloy ni Balaam habang ako ay nananatiling nakayuko, "Naging maayos ang iyong serbisyo bilang prinsipe ng kahalayan simula noong una pa lamang kaya inaasahan ko na maaayos mo ang mga ito sa lalong madaling panahon, Asmodeus. Makakakaalis ka na."

Yumuko ako ng bahagya bago tuluyang tumayo at naglakad paalis. Labag man sa loob ko pero pinilit ko na labanan ang galit na nararamdaman ko dahil baka mas lumala pa ang mga bagay.

Wala akong magagawa kung iyon ang ipag-utos sa akin ni Balaam. Kailangan kong sumunod, sa ngayon. Dahil mas hindi ko kakayanin kung hindi ko muli pang makikita si Catriona.

"Wag mo sanang sayangin ang tiwala ko sa'yo Asmodeus ng dahil lang sa isang mortal." Napahinto ako sa paglalakad sa mga tinurang iyon ni Balaam, "Sa ngayon ay ipinagbabawalan kita na magtungo roon hangga't hindi kita pinahihintulutan." Matapos iyon ay dali-dali na akong naglakad palabas ng kastilyo.

••• *** •••
Lumipas ang ilang araw at pinilit kong libangin ang sarili ko para kahit papaano ay hindi ko maisip si Catriona. Madalas ay nagtutungo ako sa Dostem kasama si Satan para maglaban at magpalipas ng oras.

Kidlat laban sa apoy.

"You okay, bro?" Hingal na sambit ni Satan ng makalapit siya sa akin matapos niyang ilagan ang huling sugod ko, "Lalong lumalakas ang mga atake mo sa'kin." Saka siya tumawa.

" Saka siya tumawa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Prince of Lust: The Seven Deadly SinsWhere stories live. Discover now