Chapter 06

10K 249 11
                                    

[ Catriona's POV ]

Nagising ako na habol-habol ang aking paghinga na parang tumakbo ako sa isang malayong karera. Tinignan ko ang paligid ko, nandito pa rin ako sa kama.

Panaginip lang pala. Panaginip nanaman!

Nailing pa akong muli sa sarili ko. Ilang beses ko ng nai-imagine si Sir Alessandro. Masyado na atang tumataas ang pagpa-pantasya ko sa kanya.

Hinawakan ko ang noo ko at bahagyang nag-isip. Siguro isang sex lang kasama siya ay matitigil na lahat 'tong mga kalokohan na naiisip ko.

Bahagya pa akong natawa sa kalikutan ng isipan ko.

Naalala ko tuloy yung panaginip ko kagabi. Mula sa nakita kong wala siyang shirt na suot at tanging pantalon lang pati ang pagsabi niya na isa siyang bampira hanggang sa paghalik niya sa mga labi ko.

Natutop ko ang aking bibig. Kahit panaginip lang ang mga iyon ay di ko maipagkakailang nasarapan ako sa halik niya.

Nadala siguro ako sa nakita kong eksena nung lumabas siya sa kotse ni Mam Nathalie kaya tuloy hanggang sa pagtulog ko ay dala-dala ko ang imahe niya.

Bumangon ako sa hinihigaan ko para dumiretso na sa banyo upang maligo. Napangiti pa ako ng mapadaan sa aking full view mirror ng bigla akong napahinto sa paglalakad.

Teka.

Bumalik ako sa salamin at tinignan ko ang sarili ko. Napahakbang pa ako paatras dahil sa napansin ko. Maraming tanong tuloy ang bumagabag sa aking isipan. Ang mga nangyari kagabi.. ang bampira.. ang paghalik...

Dahil mula sa full view mirror ay nakita ko ang pantulog ko na may mantsa ng kape sa may bandang dibdib gaya ng pagkaka-mantsa nito sa panaginip ko kagabi.

Ibig bang sabihin hindi panaginip iyon?!

Napahawak ako sa mga labi ko. Imposible. Imposibleng mangyari iyon.

Kinalma-kalma ko ang sarili ko. Naglakad-lakad ako ng back and forth sa kwarto ko ng may biglang maalala ulit ako.

Nagmadali akong tumakbo pababa papunta sa kusina at doon ko nakita ang mga nagkalat na bawang at sibuyas sa sahig kung saan nakatayo si Sir Alessandro kagabi habang pinagbabato ko sa kanya ang mga iyon.

Pati ang kutsilyo na hawak ko kagabi ay nasa sahig pa rin at malapit kung saan niya ako hinalikan.

Oh my freaking cheesecakes!

Nag sleepwalking lang ba ako kagabi? Hindi siguro? Bakit may mga bawang sa sahig?! Kung panaginip ang mga nangyari kagabi, bakit may mga ganito?!

Nag sleepwalking lang ba ako kagabi? Hindi siguro? Bakit may mga bawang sa sahig?! Kung panaginip ang mga nangyari kagabi, bakit may mga ganito?!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Prince of Lust: The Seven Deadly SinsWhere stories live. Discover now