Chapter 38

3.1K 58 3
                                    

It's not easy when your partner cheated on you. You will keep on asking yourself why he did that, how did it happen, when did it started and who that person is.

Who deserves to be cheated on, by the way? No one!

And why the hell they cheat? For satisfaction? For ego? For self-love?

It is not easy. Never. Ever. Nakakasira ng utak isipin ang lahat ng iyon at ang unang-una na magiging reaction ng ating katawan ay ang umiyak.

Catriona grew up na kumpleto ang pamilya pero bukas sa kamalayan niya ang mga nagaganap sa paligid niya kaya ganon na lang ang tingin niya sa isang relasyon. Mas madali pa rin kasi yung walang attachment at walang pusong involve.

It is like you are playing with fire but with a safe distance. Mararamdaman mo ang init pero hindi ka mapapaso.

One bitter fact na ang prince of lust is also symbolizing fire. Catriona got caught on it and now she is suffering the burns na naidulot ng pag-ibig na iyon.

Nagsimulang humakbang papalapit si Catriona kay Mammon. Hindi niya alam, pero nandun pa rin yung pakiramdam niya na comfort na naibibigay ni Marcus noon.

"Marcus..." mahinang sambit ni Catriona. Bahagyang nangangatal pa ang kanyang mga labi pagkakita niya sa dati niyang kaibigan.

Although, iba ang pisikal na itsura niya noon ay nakikita pa rin ni Catriona sa mga mata nito ang mga mata noon ni Marcus.

These guys both betrayed her, yes, pero iba ang epekto ng betrayal na ginawa ni Asmodeus kay Cat.

Marcus did betrayed their friendship dahil gusto niya na makuha si Cat while Deus did that for selfish sexual things while they're in a relationship.

Lumingad si Mammon sa paligid na tila may hinahanap bago muling magsalita, "Si Asmo?" Takhang tanong niya.

Pagkasambit niyang iyon ay agarang pumatak ang luha sa mga mata ni Catriona.

"Nakakainis naman kasi." Napahinto si Catriona sa paglalakad, "Naalala ko nanaman yung nadatnan kong pangyayari kanina." Mapait na ngiting sambit niya.

Si Mammon na ang lumapit sa kanya at ng hahawakan niya na sana sa magkabilang braso si Catriona ay nag atubili ito kaya't bahagya muna siyang tumikhim. Alam niya na wala na siyang karapatan pang lumapit kay Catriona kung tutuusin. Kahit mahal niya pa rin ang babae na nasa kanyang harapan ay kailangan niyang pigilan ang kanyang sarili dahil natuldukan na ang lahat ng iyon sa Dostem.

Catriona made her choice and she didn't choose him.

Ang mga mumunting luha ni Catriona ay nagtuloy-tuloy na tila wala ng katapusan. Hindi tuloy alam ni Mammon ang kanyang gagawin. He wanted to touch her pero hindi na pwede.

"Catriona?" Anas ni Mammon. "Anong—"

Bago pa man matapos ni Mammon ang kanyang sasabihin ay isang mahigpit na yakap ang ginawad sa kanya ni Catriona. Noong una ay gulat pa siya sa mga nangyari ngunit ng marinig niya ang paghikbi ng dalaga ay itinaas na rin niya ang mga kamay niya upang yakapin ito.

"Marcus.." Catriona said.

"Anong nangyari, Cat? Bakit nandito ka sa labas ng kastilyo ni Balaam?"

"Si Deus.." sagot niya habang nakabaon ang kanyang mukha sa dibdib ng binata.

"Si Asmo? Bakit anong nangyari?"

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon