Chapter 04

11.4K 177 13
                                    

                 [ Catriona's POV ]

Kung meron mang puyat ngayong araw 'to, ako na yon. Taas-kamay at buong puso ko pang aaminin.

Humikab-hikab pa akong pumasok sa banyo upang maligo. Habang sinasabon ko ang sarili ko ay bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi. Yung panaginip ko kagabi.

Of all the man that I've slept with, si Sir Alessandro pa ang napanaginipan ko gayung hindi ko pa siya ganon ka kilala lalo na't di pa kami nag sex.

Yung ginawa niya sa panaginip ko kagabi ang nagpa-bagabag sa utak ko ngayon. The way he looked into my eyes with full of lust. The way my heart skipped a beat right after he holds my hand. The way he licked my wet middle finger. Argh!

Bumuntong-hininga ako. Nakaramdam nanaman ako ng init ng katawan kaya ipinihit ko sa 'cold' ang shower ko. Damn that dream.

Pag labas ko ng banyo napansin ko sa bintana ng kwarto ko na malakas ang ulan sa labas. Naalala ko nung isang araw na nakita ko sa weather forecast na ngayon ang dating ng ulan at magtutuloy-tuloy ito hanggang dalawang araw.

Kinuha ko ang aking black and white striped sweater sa closet. Napagpasyahan ko na mag sweater pagpasok sa school dahil paniguradong malamig niyan sa classroom.

Matapos kong magbihis ay sinuklayan ko na ang mahaba kong buhok saka ako naglagay ng moisturizer sa mukha at cherry flavored lipbalm sa aking mga labi. Sinipat ko ang sarili ko sa salamin bago nag spray ng pabango sa likod ng tenga at nga pulso ko.

Hindi ako yung tipo ng babae na kilay is life sa twing papasok sa school lalo na't natural na makapal na ang mga kilay ko. Mas gusto ko pang manatili na lamang itong ganito. Kung aayusin ko man ito, siguro pag may party lang o occasion. Kinuha ko ang itim kong bag at susi ng kotse saka umalis ng bahay.

                      ••• *** •••Kahit umuulan, medyo marami ring sasakyan ang nakalabas di gaya noong nakaraan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


                      ••• *** •••
Kahit umuulan, medyo marami ring sasakyan ang nakalabas di gaya noong nakaraan. Siguro mga ayaw mag commute ng ilang estudyante rin. Habang binabagtas ko ang daan papuntang school ay nakita ko ang isang pamilyar na bulto doon sa may waiting shed. Medyo binagalan ko pa ng kaunti ang pagmamaneho para makumpirma ko kung siya nga ito. At siya nga ito, si Sir Alessandro Ashworth.

Medyo basa ang damit nito sa bandang balikat dahil sa ulan. Nakikita kong nagpapara siya ng masasakyan pero puno na ang mga ito kaya hindi sila humihinto. Bilang isang mabuting tao, itinigil ko ang sasakyan sa tapat niya saka ko bahagyang ibinaba ang bintana ng kotse,

"Sir, sabay na po kayo sakin." Sabi ko sabay ngiti. Sa totoo lang medyo bumilis ng kaunti yung tibok ng puso ng maglapat ang aming mga mata. Those ocean blue orbs are piercing my inner soul.

He is the one who break the eye contact by a simple nod. In-unlock ko ang passenger's seat door at mabilisan siyang pumasok para di na lalong mabasa pa ng ulan.

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsWhere stories live. Discover now