Chapter 26

4.1K 88 9
                                    

Author's Note:
Paki-play na lang ang video na nasa itaas while reading this chapter. Mas mae-enjoy ninyo ng kaunti. Kung pwede ulitin ninyo kung natapos agad ang song. 😬

[ Catriona's POV ]

Pagkamulat ng mata ko ay nakita kong narito akong muli sa kwarto kung saan ako gumising nung huli.

Lintek na Leviathan na 'yon dahil pinatulog nanaman ako!

Hinampas ko ng dalawang palad ko ang kutson ng kama sa sobrang inis ko ng maalala ko ang mga huli naming pag-uusap ni Leviathan bago niya balutan ng lupa at semento ang buong katawan ko.

————- Flashback ————-
"Anak?!!! Anak mo ako???" Halos pabulong kong bigkas.

Tila nabigla rin siya ng ulitin ko ang isang salita na binanggit niya dahil biglang nagkaroon siya ng alinlangan.

Tumayo siya at nagsalin ng alak sa may kopita. Itinaas niya ang baso saka pinagmasdan ang kulay pulang likido na naroon, "Yes Catriona. You are my child."

"Nag-gagaguhan ba tayo rito?! Ano 'yang sinasabi mo na anak mo ako?"

"You're not actually my child literally but you are my successor. You are the successor of my power. Matapos ang ilang daang taon ng paghihintay kung kailan isisilang ang anak ko na isang buong demon ay sa wakas dumating ka rin." Uminom siya ng alak, "shit. How I miss Barbara."

"Sino si Barbara?"

"None of your business." Agad na sagot niya.

"Pero isa akong tao!"

Lumingon sa direksyon ko si Leviathan saka umugong ng bahagya ang kinatatayuan ko, "Isa kang mortal. Oo. Naging buo ang pagiging demon mo ngayong naging labing-walong taon ka na. Hindi mo maipagkakaila ang katotohanan lalo na't namana mo ang demon power ng Prince of Envy."

Naningkit ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Di ko maintindihan kung ano ang gusto niyang iparating na demon power.

"Naramdaman ko na ginamit mo 'yun noong...." bahagya siyang tumingin sa itaas na tila nag-iisip saka niya pinitik ang kanyang kamay. Muling lumabas ang itim na usok na nagmimistulang tv.

Doon ay nakita ko ang pangyayari nung nasa bahay si Marcus, Jenny at Ate Celestine:

"oh my god. Sana ni-record ko 'yon para maipakita kila Mom at Dad, and finally! You'll be screwed. And oh, you are already screwed by... how many guys exactly, Sissy?" Kunwaring tanong niya, "let me guess! You lost your count!"

"Will you please shut up?!" Medyo malakas na sabi ko kay Ate Celestine.

"At ako pa talaga?!" Sagot ni Ate Celestine. "So, ang mga kaibigan mo rito alam na alam kung ano ang kalandiang tinatago mo tapos ang mga parents natin walang kaalam-alam?! Mygad!" Humarap siya kay Marcus, "ikaw.. ano nga ulit ang name mo? Marcus? Did you and my little sister had a little fun?"

"Tumigil ka na Ate Celestine!" Singhal ko.

"Ikaw ang tumigil!" Sagot niya.

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsWhere stories live. Discover now