Chapter 15

5.9K 98 2
                                    

[ Catriona's POV ]

As I arrived to our family house lahat ng ala-ala ko sa bahay na 'to ay isa-isang bumabalik. Hindi ko akalaing mami-miss ko ng husto ang bahay na 'to. Sa mahigit dalawang taon ko ring hindi pagpasyal dito ay mag-iiwan din pala ito ng kaunting puwang sa puso ko. Bakit ba hindi? This is the place where I grew up and at the same time, this is where my secret torments of my childhood life hides.

Kung paano ko tulungan noon si Mommy sa pagdi-dilig ng kanyang mga halaman sa garden, ang habulan namin ni Daddy sa loob ng bahay at ang hindi pag-pansin sa akin madalas ni Ate Celestine.

Medyo nalasahan ko ang mapait sa aking lalamunan ng maalala ko si Ate Celestine. Panigurado kasama siyang uuwi dito at hindi magiging maganda ang bawat araw ko sa bahay hangga't nandito siya.

Siguro naman nabago ng Germany ng kahit kaunti ang ugali niya? Unintentionally, napaikot ko pa ang mata ko ng maisip ko 'yon. Hindi na mababago ng kahit na anong bagay o lugar man si Ate.

Wala naman akong choice. Kailangan kong mag-stay dito for two weeks dahil 'yon ang tagal ng stay nila dito sa Pilipinas. Ayokong i-play ang role ng matigas na ulo na Anak dahil simula't sapul ay naging mabuting parents sila sa'min.

Bumusina ako sa tapat ng gate. After a couple of minutes ay binuksan ni Manong Tany ang gate saka ko ipinasok ang kotse.

Matagal na rin akong hindi umuwi rito sa family house, 2 years na rin kasabay ng pag-alis ng mga parents ko at tila walang nabago sa bahay.

Pagkababa ko ay sinalubong ako ni Yaya Marina. Lalong dumami pa ang kulay puti na niyang mga buhok at nakasuot pa rin ang kanyang kulay itim na uniporme. Siya pa ang yaya na kinagisnan ko noong bata pa ako at tinuturing ko na rin siya bilang pangalawa kong magulang. Siya rin yung nakakita sa akin noong nakahiga akong duguan dahil sa failed suicide attempt ko.

"Catriona!" Masayang bungad niya sa akin.

"Yaya Marina, kamusta po?" Bati ko sa kanya.

Hinaplos niya ang kamay ko, "Ikaw na bata ka hindi ka pumapasyal man lang dito. Aba, lalong gumaganda ang alaga ko ah."

Ngiti lang muli ang aking naisagot saka ko siya niyakap. Pagkayakap ko sa kanya ay napansin niya ang tattoo ko sa batok. Ang half-mark ni Asmodeus.

"Ano ito? Nagpalagay ng tattoo ang alaga ko?" Pagtatakhang tanong niya habang.

Agad niya itong napansin dahil naka-ipit ang buhok ko ng messy bun. Sanay na ako sa ganitong approach ni Yaya Marina na parang anak niya ako kung suriin. Bukod kasi sa tumanda na siyang dalaga ay ako na talaga ang tinuring niyang anak.

Hinaplos niya ang tattoo ko pero bigla siyang napapitlag. Para siyang napaso saka ipinako ang kanyang tingin sa mga mata ko.

'Wag mong sabihin na may kakayahan siyang malaman kung ano ang nasa batok ko? Clichè ah?!

"Bakit Yaya Marina? May problema po ba?" Ngiting sambit ko sa kanya.

Ibinaling niya ang kanyang mga mata sa tattoo ko saka siya muling tumingin sa mga mata ko. Tingin sa tattoo tapos sa mata ko ulit.

"Bakit ka nagpa-tattoo? Baka makita ng Mommy at Daddy mo 'yan. Mapagalitan ka." Sambit niya.

"Yaya..."

"Saka.... di pangkaraniwan ang disenyo niya..."

Hinaplos ko si Yaya Marina sa likod, "yaya, gusto ko ang tattoo na ito. Ako mismo ang pumili. Alam mo naman sa internet, marami ng napag-gagayahan ng mga design ng tattoo." Pagsisinungaling ko.

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsWhere stories live. Discover now