Chapter 21

4.5K 79 10
                                    

             [ Catriona's POV ]

Habol-habol ko ang paghinga ko ng makarating ako sa rooftop. Sa mga bagay na narinig ko kanina sa cafeteria ay para ng sasabog ang utak ko.

Hinawakan ko sandali ang knob ng pinto at bago ko ito pihitin ay naalala kong muli ang mga pinagsamahan naming dalawa ni Jenny.

———— Flashback ————
"At paano mo nasabi na bagay nga kami ni Chuck?" Mahinang sambit ni Jenny habang nililipat niya ang pahina ng libro na kanyang binabasa.

Nandito kami sa loob ng library. Mula kasi ng maging kaibigan ko si Jenny ay madalas siyang mag-aya dito sa twing vacant namin o di kaya sa mga bookshop. Mahilig kasi siyang magbasa ng mga libro about supernatural stuffs lalong lalo na ng tungkol sa mga demons.

Lumapit pa ako ng bahagya kay Jenny sabay sandal ng baba ko sa kanang palad ko. "Dahil di ka pa nagkaka-boyfriend."

"At dahil sa kadahilanan na hindi pa ako nagkaka-boyfriend kaya nasabi mo na bagay kami?"

"Hindi naman. Ang gusto ko lang eh subukan mo. 'Di yung puro tungkol sa mga demons ang binabasa mo. gaya niyan," Tinignan ko ang cover ng libro para makita ang title nito, "Living with the demons?" Nanlaki ang mga mata sabay iling ng kaunti, "Creep."

Isinara niya ang hawak niyang libro saka siya tumingin sa mga mata ko. "Fine. Next year sasagutin ko na siya."

"Next year?" Kunwaring nabibigla kong tanong sa kanya.

"Yes and it's a deal." Sagot niya at muling binuksan ang libro kung saan ang pahinang huli niyang binasa. "At may isa akong kondisyon para diyan sa kondisyon mo."

"Should I be worried about this condition of yours, Jenny?" Nakangiting sambit ko habang inihiga ko ang aking mukha sa table.

"Pag ako ang may nireto, dapat seryosohin mo rin."

"Oo naman!" Napatigil ako ng isang segundo, "pwera lang don sa part na 'seryosohin'. I'm too young for that." Sabay tawa.

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsWhere stories live. Discover now