Chapter 40

3.2K 57 4
                                    

"Do you want me to kiss you, Cat?"

Ilang segundo silang nagtitigan matapos sabihin ni Mammon ang mga katagang iyon. Tila ba pinakikiramdaman ng bawat isa kung ano ang parehong magiging reaksyon nila. Kung sino ba ang mauuna o tama nga ba ang mga nangyayaring ito o kung dapat nga ba ito.

Ang mga mata ni Mammon ay nalulunod na sa pagtitig sa mga natural na mapupulang labi ni Catriona. Hanggang sa siya ay tuluyan ng naiduyan at siya ay pumikit. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mga labi sa mga labi ni Cat.

Awtomatikong napapikit naman si Catriona hanggang sa maglapat na ang kanilang mga labi.

May guilt na nararamdaman si Catriona sa mga halik na nagaganap pero ano pa nga ba ang magagawa niya, medyo makainom siya dagdag pa ang sakit na naranasan niya mula sa demon na minahal niya.

On the back of her mind, this is a good revenge to make it even.  It's all the alcohol's fault pero di ba't si Asmodeus ang dapat sisihin dito?

Di sana siya nandito. Wala sana siya rito. If he just keep his dīck inside his pants ay wala sana siyang sakit na nararamdaman ngayon.

Lumalim ng lumalim ang kanilang mga halik hanggang sa naihiga siya ni Mammon sa malambot na sofa.

Nagtatalo ang puso at isipan ni Catriona ngayon. Isang mumunting digmaan kung saan di nagkakasundo ang dalawang panig.

Sa bawat halik na ginagawad ni Mammon sa kanya ay si Asmodeus pa rin ang tumatakbo sa isip niya. Siguro nga hindi ganoon kadali makalimot kahit nasaktan ka na. Siguro nga di rin basta-basta maiibsan ng init ng katawan pag puso na ang umiiyak.

"I've been to heaven and hell, and I swear, you are the most beautiful woman that I've ever laid my eyes on." He said with all his glory husky voice. "I love you, Catriona."

Agad na napamulat at naitulak ni Catriona si Mammon matapos sumagi sa isipan niya ang mga sinabing iyon ni Asmodeus noon.

Magkahalo ang pagtatakha at panghihinayang sa mukha ni Mammon ng pagmasdan niya si Catriona.

"Sorry ha?" Sabay punas ni Catriona sa mga luha na tumulo sa kanyang pisngi. "Masakit lang kasi talaga ang ginawa ni Deus at ito.. hindi tama na.."

Napahinto sa pagsasalita si Catriona ng makita niyang napayuko si Mammon. Doon ay na realize ni Catriona ang ginawa niya. Hindi lang siya ang nasasaktan ngayon kundi pati si Mammon!

How dumb she is na kanina pa ay hindi niya naisip pati ang nararamdaman ni Mammon? Na heto nanaman at mukhang pinaasa nanaman niya ang demon na nasa kanyang harapan.

Iginala ni Catriona ang kanyang mga mata sa paligid saka siya pilit na ngumiti upang kahit papaano ay pagaanin ang sitwasyon, "okay rin pala ang lugar mo. Medyo malamig dito kumpara sa kastilyo ni..."

awkward!

Ano ka ba Catriona! Wag mo ng banggitin muna ang demon na yon.
Saway ni Catriona sa kanyang sarili.

"Uhh..." bigkas ni Catriona, "Maganda yung disenyo nung—"

"Hindi si Asmodeus 'yun." Putol ni Mammon.

"Huh?" Takhang sambit ni Catriona.

"Hindi si Asmodeus ang nakita mo. Pwedeng nagpapanggap lamang kung sino man iyon para siraan si Asmo." Nilamukos ni Mammon ang kanyang mukha na tila pinag-iisipan ng maayos ang kanyang mga susunod na sasabihin saka siya tumayo at ipinasok ng kanyang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon, "kilala mo naman si Lilith, diba? Baka gumawa nanaman siya ng hakbang para maghiwalay kayong dalawa. It's a trick that I once used. Remember Iblis?"

"Kung hindi si Asmo yun.. sino yun?" Maski si Catriona ay napatayo na rin dahil sa kanyang mga naririnig. Bakit ba hindi niya naisip iyon nung una? Na baka hindi nga si Asmodeus yun?

Nagkibit balikat si Mammon saka naglakad patungo sa veranda ng kanyang kastilyo. "Paghandaan mo lang at wag basta maniniwala sa mga nakikita ng mga mata mo, Cat. Alalahanin mong nasa impyerno ka." Tumingala sa kalangitan si Mammon sabay tingin pailalim, "alalahanin mo ang nakita mo kay Asmo. May napansin ka bang kakaiba?"

Napaisip ng malalim si Catriona at muling sinariwa ang eksena. Ang itsura ni Deus.. inalaala niya mula mukha hanggang pababa.

Hanggang sa biglang.....

Iminulat ni Catriona ang kanyang mga mata sabay tingin kay Mammon, "wala yung mate mark." Bulalas niya.

"See?" Mapait ang ngiting sambit ni Mammon sabay pasok niya sa loob at kumuha ng alak sa may mesa.

"Bakit hindi ko napansin yun kanina? Maybe I'm too clouded and blinded sa mga nangyari at—" napahinto sa pagsasalita si Catriona ng mapansin ininom ni Mammon ng isang lagukan lang ang isang basong alak. "Mammon?"

"Mahal pa rin kita Catriona." Sambit niya, "Damn! Ganon kita kamahal. Sobrang mahal na hindi ko kayang nakikita kang malungkot. Si Asmo lang ang may kayang magpangiti sa'yo na hindi ko nakita kahit minsan noong nasa mundo tayo ng mga mortal." Muli ay nagsalin siya ng alak sa baso habang si Catriona naman ay nanatiling tahimik lang sa mga sinabi niya, "Sa mga halik mo kanina, ramdam ko na hindi ako ang tumatakbo sa isip mo habang magkalapat ang mga labi natin. Ayokong maging makasarili at kung gugustuhin ko lang ay di ko na sana sasabihin sa'yo na hindi 'yun si Asmo kaso.." sabay inom niyang muli ng alak, "hindi kanaman magiging ganoon kasaya sa piling ko." Bahagyang ngumiti si Mammon sabay tingin niya kay Catriona, "kaya mas okay na ako na lang ang magdusa sa pagmamahal ko na 'to. Ayaw ko na madamay ka pa sa pait."

"Mammon.." anas ni Catriona. Aminin man niya o hindi ay naantig siya sa mga sinabi ni Mammon kaya agad ay nagteleport siya at niyakap niya ito mula sa likuran, "Salamat.."

Hinawakan ni Mammon ang mga kamay ni Catriona sabay ngiti, "umuwi ka na. Hinahanap ka na siguro ni Asmo. That one lucky bastard."

Tumango si Catriona at naglaho kasabay ng itim na usok.

Matapos mawala ni Catriona ay naglakad muli patungong veranda si Mammon bitbit ang isang bote ng alak. Pinagmasdan niya ang madilim na kapaligiran at ninamnam ang malamig na simoy ng hangin.

Muli ay naalala niya ang mga sinabi ni Asmodeus noong sila ay naglalaban sa Dostem:
"Kahit matalo ako rito ay hinding-hindi ako titigil. Kahit magalit na lahat sa'kin ay babalik at babalik pa rin ako sa tabi niya."

Ito ang mga katagang paulit-ulit na umikot sa kanyang isipan habang nagkukwento si Catriona sa mga nangyari. Nakita kasi ni Mammon sa mga mata ni Asmodeus na totoo at gagawin niya ang mga sinabi nito kaya nagduda na siya kung si Asmodeus nga ba talaga ang nakita ni Catriona.

"Well.. she is in good hands, though." Sambit ni Mammon sabay inom muli ng alak.
—————- 1100 words —————
Author's Note:

Ramdam ninyo pa yung pain ni Mammon para kay Catriona?

Sino ang gusto ng isang Mammon? 😭😭

Sa tingin ko yung song na naka attach ay nababagay para sa kanya. Kasi grabe.... grabe siyang magmahal!

And another note: Suuuper crush ko yung nag cover na si Pao Dagongdong.

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon