Chapter 31

4.2K 84 29
                                    

                  [ Catriona's POV ]

Binitawan ko ang hawak kong mga baraha saka pinakawalan ang isang malalim na buntong hininga. Naiinip na ako rito sa kastilyo dahil wala pa si Deus.

Lahat na ata ng pwedeng maging activity dito sa loob ay nagawa ko na. Nakakasawa na rin ang makipag-kwentuhan sa ilang mga demon at demoness na naroon.

Nagtungo ako sa malapad na bintana at pinagmasdan ang maaliwalas na kapaligiran sa labas. Gusto ko namang lumabas at sumamyo ng sariwang hangin pero ayaw naman akong palabasin ni Asmodeus dahil ang arsane ay hanggang sa kastilyo lamang at di na sakop niyo ang sa labas.

Haaaaay!

Naiintindihan ko naman kung bakit ganoon siya ka-protective sa'kin pero gusto ko na lumabas kahit minsan. Iyong ako lang. Kumbaga 'me time'.

Mahal na mahal ko si Asmodeus at gusto ko na narito lagi ang presensiya niya pero paano na lang ang mga panahon na wala siya sa tabi ko gaya ngayon?

Isang mumunting liwanag ang kumislap sa aking isipan, "tama.. magpapaalam ako kay Deus." Bulong ko sa sarili ko.

Bumalik ako sa mesang pinanggalingan ko kanina saka ko kinuha ang mga baraha at naglarong muli.

                       ••• *** •••

May dumapong uwak sa balkonahe ng silid ni Deus

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

May dumapong uwak sa balkonahe ng silid ni Deus. Naka-bukas kasi ang malaking bintana papunta rito kaya nakakapasok ang malamig na hangin dahilan para ang malalaking kurtina ay sumayaw.

Tinignan lamang ni Asmodeus ang uwak saka umayos ng higa at yumakap muli sa'kin.

"Ano iyan Bam at bakit may uwak?" Tanong ko.

"May dala siyang mensahe pero tinatamad pa akong tumayo. Gusto ko rito lang ako sa tabi mo, love." Bulong niya sabay halik sa balikat ko hanggang sa iharap niya ako at halikan sa mga labi.

Iminulat ko ang isang mata ko upang tumingin sa balkonahe at nakita kong ang uwak ay naroon pa rin sa tinutungtungan niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Iminulat ko ang isang mata ko upang tumingin sa balkonahe at nakita kong ang uwak ay naroon pa rin sa tinutungtungan niya. Ipinaling pa nito pa-kaliwa ang kanyang ulo ng kaunti.

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsWhere stories live. Discover now